Part 3- The Advantages and Disadvantages

47 7 15
                                    

Nasa kwarto ako ni Leo ngayon. Binisita ko siya dahil hindi siya nakapasok. Nag-e-LBM daw kasi siya

Oo na! Salarin na ang niluto ko pero may mali din siya okay? Wag nyo kong husgahan! Charot!

So ayon nga kanina pa siya pabalik-balik sa CR lalo tuloy akong nakokonsensya

"Bakit kasi kinain mo pa yun e!" paunang wika ko ng maupo na siya sa harap ng computer niya

Di naman siya umimik, umismirk lang siya tapos nagtype na ulit sa keyboard niya

Nagagalit ba siya dahil nagkalbm siya sa luto ko or baka dahil di siya nakapasok?

Hindi pa naman niya ugali ang umabsent. Honestly, lagi siyang perfect attendance. Kahit kasi may sakit siya, kung kaya niya pa rin pumasok ay papasok siya. Minsan nga pinapagalitan ko na siya pero hindi naman niya ako sinusunod

"Hindi pa tapos ang dare mo"

Napamaang ako sa sinabi niya

"Nasaan?" wika niya na di pa rin humaharap sa akin

"Ang ano?"

Humarap siya sakit na nakapokerface

Hala! Dont tell me ang hinihingi niya ay yung luto ko for today? Jusko ha! Hindi pa ba siya natututo? Gusto ba niyang lumala pa yung lbm niya?

"Wala, hindi ako nagluto"

"Bakit?" muli niyang iniharap ang tingin niya sa monitor ng computer niya

"Ayoko na magluto e. Nag-LBM ka dahil sa lu-"

"Dare is dare" putol niya sa sinasabi ko

What? Mas mahalaga ba ang dare sa kaniya kesa sa kalusugan niya? Nababaliw na ba siya? My god!

"May exemption yung dare. Kung ikasasama ng kalusugan natin, pwede nating iwave at magtungo na sa susunod na bu-"

"No"

"What?" naiirita na ako sa pagpupumilit niya. Feeling ko tuloy pati utak niya naapektuhan ng luto ko

"Hindi ako nagluto. Kailangan mo magluto"

Napanganga ako sa sinabi nito

"Wala akong kakainin pag hindi mo ko ipinagluto" giit pa niya

Lalo tuloy akong napanganga

Shit!

Di ko alam pero umiiral na naman ang kalandian ko.

Enebe! Kenekeleg eke!

"P-Pero alam mo namang di ako marunong magluto. Gusto mo magpadeliver nalang ako ng fo-"

"No"

"Why?"

Ano bang iniisip nito? Bakit ba ayaw nalang niyang makinig sakin

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa harap ng computer niya pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa dereksyon ko

DUBDOBDUBDOB DUBDOB

Huminto siya sa harapan ko pagkatapos ay bahagya niyang nilevel ang mukha niya sa mukha ko

Hindi ko mawari kung bakit pero ibang-iba ang init na nararamdaman ko ngayon sa pagitan namin

Honestly minsan naman niyang ginagawa sakin yung kakausapin ako ng malapitan pero ngayon? Ibang-iba yung dating niya!

WAAAAHHH! MY HEARTTTT!

Game of LoveWhere stories live. Discover now