Chapter 1
Medy's Unfortunate Event
Azikel
Kasalukuyan akong nakahiga sa malambot kong kama. Bahagya ko pang sinulyapan ang orasan na nasa gilid ko lang.
Five o'clock palang naman kaya napagdesisyunan kong huwag munang bumangon. Ngayon kami bibili ng mga kailangan naming gamit para sa bago namin eskwelahan. Makalipas pa ang ilang minuto ay tinawag na ako ni manang.
"Azikel hija, gising ka na ba? Halina at kumain ka na ng umagahan." tawag niya sa akin.
Ngunit hindi ako sumagot at ipinikit muli ang mga mata ko. Narinig ko pa ang ilang tunog ng tsinelas na dahan-dahang umaakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
Nang makatapat ito sa mismong pintuan ko ay narinig kong kumatok si manang.
"Azikel, hija." malumanay niyang tawag sa pangalan ko.
Sa pangalawang pagkakataon na pagtawag niya sa pangalan ko ay sumagot na ako.
"Sige po, pababa na manang." tinatamad kong sabi sabay bangon mula sa pagkakahiga ko.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at saka siya muling nagsalita. "Pwede bang pumasok hija?"
Dinig kong tanong niya sa akin pero sinagot ko lang siya ng mahinang buntong-hininga.
"O, sige papasok na ako ha?"
Matapos niyang magsalita ay narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pintuan ko.
Kasunod no'n ay ang paglubog ng bandang gilid ng kama ko. Alam kong umupo si manang sa likuran ko at sabay no'n ang paghaplos ni manang sa likurang buhok ko.
"Parang malungkot ka ata hija?" Tanong n'ya sakin.
"Paano mo nasabing malungkot ako gayong 'di mo naman nakikita ang mukha ko." Malumanay ngunit seryosong sambit ko pero sapat na 'yon para marinig niya.
Bumuntong-hininga muna si manang bago sumagot. "Aba'y tignan mo naman areng mabigat na atmosphere, eh."
Kumunot ang noo ko sa tono na ginamit ni manang. "Hindi ako malungkot, manang."
"Kung hindi ka malungkot ibig sabihin non ay napakasaya mo, ganon ba hija?"
Ay, may ganon? Bobo naman ni manang, por que hindi malungkot, masaya agad? Toxic din to, e. Sarap kutusan ng 20 times.
"Hindi ako masaya ng sobra at di rin ako ganoon kalungkot..." Pagputol ko sa sasabihin ko at bumuntong-hininga ng malakas!
Oo, literal na malakas yon. Napailag pa nga si manang, e. Nabahuan ata, pinagdrama ba naman ako, e kagigising ko lang.
"...dahil wala akong makitang rason para mabalot ang kwartong ito ng kalungkutang nararamdaman niyo." Pagpapa-tuloy ko sa sinasabi ko.
"O, sige sabihin na nating hindi ka malungkot, pero ang payo ko sayo, hija, kung sakaling makaramdam ka ng kalungkutan sa loob-loob mo ay 'wag kang matakot na ikwento sa akin, sa amin ang nararamdaman mo."
Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yun ay itinigil na niya ang paghaplos niya sa buhok ko. Bumuntong-hininga siya ng mahina at saka tuluyang tumayo.
"Sige na, mag-ayos ka na diyan at bumaba na para kumain." sabi niya at dahan-dahan niyang isinara ang pinto.
Sinunod ko naman ang sinabi ni manang sa akin. Sinuklay ko lang ang buhok at pumasok ako sa banyo para maghilamos at makapag-sipilyo na. Matapos non ay bumaba na rin ako gaya ng sinabi niya.

YOU ARE READING
Breaking the 7B's rule [slow update]
Teen FictionBreaking the 7b's rule By: Chub_bitter