Chapter 2
Dinugo ang ulo
Azikel
"Aalis na ako, Nadine. Pangako babalikan kita, bestfriend."
"Pangako iyan, ha! I will wait for you."
"Oo naman. Bye, bestfriend."
"Bye..."
Mga pangakong pinangako? Tss, nasan na iyong pangako mo? Tuluyan na ba itong napako? Sarap mong sunangalngalin, gago ka. Tss, sinungaling. Totoo pala talaga ang kasabihang, "Promises are the best policy."
Este, "Promises are meant to be broken."
Nagising ako mula sa sikat ng araw na tumatama mismo sa mukha ko. Ngayon ang una naming araw sa bago naming eskwelahan. Bumangon na 'ko mula sa pagkakahiga sa kama. Naligo na rin ako sa banyo.
Nang matapos na 'kong maligo nagbihis na rin ako at bababa na para makalabas na'ko sa bahay. Tinungo ko ang pintuan para makaalis na nang tawagin ako ni Aizlouk.
"Anak, aren't you going to eat?" tanong niya ng may halong pag aalala.
"Hindi ako gutom. Don't worry, dad." sabi ko sa kanya.
"Okay basta 'wag kanh magpalipas ng gutom. Don't starve yourself." Tss. Again and again. Marami na naman siyang sasabihin pero bago pa siya magsalita ay ngumiti na ako at tumalikod.
Sumakay na 'ko sa kotse at pinaandar na. Bigla namang tumunog 'yung cellphone ko habang nakapasak ang earphones ko sa aking tenga. Ugh, panggulo ang kung sino mang istorbo na to. Kainis. Isunod kita kay Medy, e. Sarap niyo hampasin with chair and table.
Van Calling...
"Oh?"
"Buti nalang sanay nako sa ugali mo, kung hindi. Hay, naku kanina pa kita sinigawan."
Ano ba't pare-pareho sila ng bungad sa tawag? Mga bwiait na kutong-lupa. Sarap tirisin.
"Oo na. Oo na. Bakit ka ba napatawag?" Kalmado kong sabi sa kanya.
"Para sabihin na hintayin kita sa harap ng SMA para sabay na tayo pumasok. At saka on the way na daw sila pinsan papunta doon, ha?" Mahaba pang aniya.
"Pero may dadaanan pa ko, e."
"Hihintayin parin kita, okay lang naman e." aniya.
Punyeta, ang kulit a. Konting konti na lang, kukutusan ko na singit itong bakulaw na ito.
"Bahala ka nga kung matagalan ako, hindi ko na kasalanan kung mali-late kayo, a!" Bulyaw ko sa kaniya, yong sagad hanggang eardrums. Yong dadaan sa cerebellum at cerebrum ng brain niyang tuyot.
"Okay, bye Azi-loves!" Malambing niyang sabi sakin. Nakakanindig balahibo at dutdut, ha.
Matapos ang bwisit naming pag-uusap ay binabaan ko na siya ng telepono. Baka ano-ano pa sabihin. Tss. Ikinaliwa ko 'yung direksyon ng kotse KO para kunin 'yung document na pinakuha ko kay Sy.
Sumilip pa ako ng bahagya sa entrance door ng building na pagmamay-ari nila Lumika ngunit isa rin sila Aizlouk sa stock holder dito, bale business partners sila. Yaman nga, e. Minsan i-try ko ding manghold-up dito at i-hostage yong bwisit na janitor nilang akala niya siya ang ceo.
Sinalubong ako ni Lady na secretary ni Aizlouk dito.
"Good Morning, Maam Azikel!" nakangiting bati niya sa akin.
YOU ARE READING
Breaking the 7B's rule [slow update]
Teen FictionBreaking the 7b's rule By: Chub_bitter