Chapter 6

69 7 0
                                    

Chapter 6

Boyfriend

Azikel

Napaaray naman si Lumika dahil sa pagkakasampal nito sa kaniya. Inis ko namang tinignan ang taong pumipigil sa pag-alis ko dito.

Halatang nahihiya siya sa akin kaya kung titignan ko nang mabuti ang mukha nito ay halatang pilit na ngiti.

"G-gusto ka lang papuntahin ng bagong dean sa o-office niya." Hindi makatingin ng diretso saking sabi niya. Nagtaka naman ako kung bakit nila ako pinapapunta sa dean. At teka, bago?

'Ano na naman bang problema to?'

"My lovely pamangkin!" Masayang bati ni Anton nang makapasok ako sa opisina ng dean.

'Tsk. Ano namang ginagawa ng abnormal kong tiyuhin dito? '

"Anong ginagawa mo dito?" Tamad kong tanong sa kaniya.

"Ehem. I'm the new dean here. So, better respect me, or else..." Makahulugan niyang sambit. Pero para sa akin, hindi iyon makahulugan. Parang ganon na nga.

"TOK" "TOK" "TOK"

Napalingon naman kami sa pintuan at kasabay noon ay inilabas nito ang tatlong unggoy. Nang makita nila ako ay pumunta sila sa likuran ko pero ilang saglit din ay nagsalita si Lumika sa kanilang tatlo.

"Teka parang..." Nag-iisip pa niyang bulong sa amin habang nakatingin kay Anton. Nakatitig siya dito at naniningkit ang matang sinusuri ang aking tiyuhin.

"Oo nga. Parang... kamukha niya si Uncle Cool." Sunod na ding sabi ni Medy. Pero nagulat na lang sila nang tumawa si Anton.

"Ano ba kayo guys, galing lang ako sa Canada, hindi niyo na ako makilala?" Pa-cool na sabi ni Anton. Napayakap naman si Lumika kay Anton.

Sa hindi niyo kasi naitatanong, dating mukhang pulubi iyang si Uncle Anton.

I mean mas mukha pa siyang taong grasa kesa sa mga propesyonal na mga taong grasa at bihasa na sa kabilang kanto kung tumambay. Hindi ko nga alam kung anong klaseng eskinol ang nilagok niya at umayos ng ganyan ang itsura niya, e.

"Uncle Cool! Aba, lalo kayong pumogi, ah?" Pati si Van na ay lumapit kay Anton at nakipag-fist bomb dito.

Tumawa naman sila ng tumawa. Pero napansin nilang hindi ako sumasali kaya sinusuyo nila akong makisali. But I refused. Hindi ako sipsip. Like, duh.

"Ano namang pumasok sa kukote niyo at naging dean kayo Uncle?" Nakakunot- noong tanong ko sa kaniya. Dahil sa pagkakaalam ko ay aasikasuhin na lang niya ang mga negosyo niya sa Canada kasama ang asawa niya.

Tumawa naman si Anton. At nagtaka naman ang tatlo dahil sa narinig."Dean?" Takang tanong ni Medy kay Anton. Kita niyo, ni mga close niyang kaibigan ko ay hindi makapaniwalang siya ang bagong dean ng paaralan.

Tumango naman ito sa kaniya at ngumiti.

"So, does it mean I can do whatever I want?" Napalingon kami sa pintuan at kita namin doon ang nakasilip na bata sa gilid nito.

Kyle? Tsismoso din itong pamangkin ko e. Mga ugaling iskwater talaga ang mga kadugo ko, anak ng tupa.

Tumawa uli si Anton dahil sa sinabi ng apo. Lumapit ito kay Anton at yumakap. "Di ba? You told us, we can play all day long kapag ikaw na ang Dean dito?" Tanong pa nito kay Anton. Tumawa naman ang tatlo dahil na din siguro sa inakto ni Kyle. Sipsip din e.

"And, sinabi ko din sayo na bawal makinig sa usapan ng matatanda?" Nakangiting sabi ni Anton.

Duh. Matanda? Baka sila lang. Baby face kaya ako. At saka hindi naman ako kasali sa usapan nila kanina.

Breaking the 7B's rule [slow update]Where stories live. Discover now