Chapter 5

83 8 0
                                    

[PLEASE CHECK OUT MULTI MEDIA FOR THE IMAGE.]

WARNING: MEGA-ULTRA BITTER SI AUTHOR, NGAYON. HEHE. (PABIDA KA EH, NO?!)
                                         ____

Chapter 5

Hablutan ng cellphone

Azikel

Ano ba ang iniisip ko? Naman, oh. Ano ang basehan ko sa pagmamahal?

"Aahh! Bullshit-!"

"W-where is the bullshit?!" dali-daling pumasok si Ate Aizhel at ini-amba ang hawak niyang baseball bat sa paligid ko at parehong nakabukaka ang dalawa niyang hita.

"Stupid."

"W-what?! You screamed! I thought y-you're in danger-" pahina ng pahina ang boses niya nang sinasabi niya iyon.

"Tss. You're over reacting."

Tumaas naman ang dalawa niyang kilay sa inasal ko. "Psh. Eh, kung may nangyari nga sa 'yong masama, at least may nagawa akong bagay para mailigtas ka!" bulyaw nito sa pamu-mukha ko.

"Ni nga kamao mo 'di mo pinapadapo sa kung sino-sino, maka-knock out ka pa kaya?"

"Alam mo, mag-abogado ka nalang kaya? Ang galing mo sa sagutan, eh!"

Hindi ko nalang siya pinansin pa at umupo sa study table para ipagpatuloy ang pagbabasa. Isinuot ko naman ang headset at itinaas ang dalawa kong paa sa mesa at ipinatong ang libro sa hita ko at saka ako nagbasa.

"Hey! Sister!"

Malapit na ako sa senaryo kung saan malalaman na nila ang tunay na anak ng bida. Emosyonal.

"Huy! Azikel, patulong naman dito!"

Nilagpasan ko nalang ang senaryong iyon dahil nakaka-umay ang mga ganoong pangyayari sa mga nababasa ko. Tuluyan na akong nagsawa sa binabasa ko kaya itiniklop ko nalang ang pahina kung saan ako tumigil. Isinara ko na ang librong iyon at ibinato sa book shelf. Sakto!

Napangiti pa ako.

Ibinaba ko na ang dalawa kong paa at naligo na. Nang nasa banyo na ako ay ibinalot ko ang buhok ko kasama na rin ng noo ko dahil sa may bandage pa ito. Natapos na rin ako matapos ng ilang minuto sa paglilinis ng katawan. Hindi na ako nagulat nang makita ko sa Ate na nakahandusay sa semento at may pulang likido na nakalagay sa noo niya at sa ibang parte na rin ng semento kung saan siya nakalupasay. Nagkukunwari.

Sinadya kong kunin ang singsing niya kaya hindi na ako nagulat nang bigla siyang bumangon.

"Ito naman! Siguro kung may totoo ngang nangyari sa akin na ganito. Hindi ka pa din maniniwala!" sigaw niya na pinupunasan ang noo niyang nilagyan niya ng plastic blood.

"Masyadong matapang ang amoy ng likido na 'yan. Alam ko kung patay ka na o hindi."

"Tsh! Bakit ba sobrang ano mo! Akin na 'yan!" baling niya sa singsing, ibinigay ko naman ito.

"Matutulog na 'ko."

"Wait!" pigil niya sa 'kin.

Nilingon ko siya. Saka ko itinaas ang dalawa kong kilay na para bang nagtatanong.

"Patulong. Please!" pinagkiskis niya ang dalawa niyang kamay.

"Oo na. What is it?!"

                                         ***

"BAKIT ganiyan ang itsura mo? Ang laki-laki ng eyebags mo?!" bulyaw ni Medy na nakapameywang pa sa harapan ko.

"Tss." nag-iwas ako ng tingin. Naglalakad kami ngayon, sinusundan ang dalawang teachers dahil ito ang pangalawang araw ng School Touring.

Breaking the 7B's rule [slow update]Where stories live. Discover now