Chapter 8
Sorry
Azikel
"Okay, dahil may kakarating lang. Uulitin ko ang mga announcements."
Diretso akong naupo sa upuan at nakinig sa sasabihin ng magiging teacher namin sa umaga. Kahit gusto kong pahigang maupo ay itinatatak ko sa isip ko ang maging disenteng mag-aaral.
"Wala munang mangyayaring dicussion for straight three days dahil magsisimula na kayong sumali sa iba't-ibang clubs. I'll give you your schedule tomorrow first thing in the morning. Kaya ngayon, ang mga extra curricular muna ninyo ang inyong aasikasuhin. Doon muna ang atensyon n'yo pansamantala. Are we clear?" madalas ang baling niya sa amin.
Sumagot ang mga kaklase ko. Tumango lang ako. Marami pa siyang in-anunsyo bago ang pinakahihintay kong break time.
"Hindi ko kayang wala kayo... I don't really like Business Ad! Gusto ko nang lumipat!" problemadong usal ni Lumika.
Patapos na kaming kumain at ilang beses na niyang sinabi ang mga katagang 'yon. Rinig ko ang buntong-hininga ni Medy. Umirap siya sa kawalan at kunot-noong tinignan si Lumika.
"Tonta! Mag-isip ka nga, Lumika. Maaari mo rin kaming maging ka-bloc mate sa iba mong subjects! Kaya h'wag ka ngang paranoid diyan. Hay naku..."
Hindi pinansin ni Lumika ang buyo ni Medy sa kaniya dahil agad nagliwanag ang kan'yang mukha sa narinig.
Pumalakpak siya, "Ganoon ba? Goodness, nasanay kasi ako sa sistema noong high school pa tayo. Buti na lang!"
Hinilot ko ang sintido ko nang kumirot ito. Naririndi ako sa ingay. Tinungga ko ang natitirang laman ng inumin ko. Muntik pa akong masamid nang mahinang tumili si Medy. Kumunot ang noo ko at ibinaba ang tingin sa librong hawak.
"Ngayon ko lang na-appreciate ang kagwapuhan niya! Lumika... 'Di ba?"
"Look! Apat pala sila. Oh my, bagong F4 na ba 'to?"
Dinig ko ang impit na tilian at bulungan ng mga tao sa paligid. Dahil sa kuryoso ako ay inangat ko ang tingin. Muntik muli akong masamid nang makita ang lalaking nakatayo sa harap ko.
Ngumiti siya, "Naiwan mo sa sasakyan," inilahad niya sa 'kin ang checkered kong panyo.
Umangat ang tingin ko. Kaninang umaga ay hindi ko inaasahang ihahatid n'ya uli ako. Nagulat na lang ako noong naroon siya sa sala.
"Azikel, mayroong naghihintay sa 'yo sa baba. Poging tisoy..." binigyan ako ni Manang ng makahulugang tingin.
Kumunot ang noo ko. Agad lumundag ang puso ko nang maisip na maaring si Ezer iyon at bumabawi sa hindi paghatid sa akin kahapon. Pero noong pagbaba ko ay hindi si Ezer ang naabutan ko. Kundi siya.
Nagtataka man ay bumagsak ang mga balikat ko. Bumagsak dahil sa pagka-dismayado at nagtataka kung bakit naroon si Pall na parang tuod na nakaupo sa couch. Nang makita ako ay halos mapunit na ang labi sa lawak ng ngiti niya. Tumayo siya.
Tumaas ang pareho kong kilay.
"Magandang umaga. I just thought I should offer you a ride again for... for my peace offering." tipid siyang ngumiti.
"Okay..."
Tuwid na tuwid siyang nakatayo habang pinagmamasdan ako. Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang damit ko. Bumaba rin ang tingin ko sa suot ko. Stripes na itim at puti na dress ang suot ko, medyo maikli iyon pero sa tingin ko ayos naman. Pansamantalang kaswal dahil wala pa naman iyong uniporme namin.
YOU ARE READING
Breaking the 7B's rule [slow update]
Teen FictionBreaking the 7b's rule By: Chub_bitter