Chapter 7

46 3 0
                                    

Chapter 7

Bagong buhay

Azikel

"That you have a boyfriend."

Nabitin sa ere ang kamay kong dala ang blusa. Tumaas ang kilay ko sa narinig.

Ano bang sinasabi ng lalaking 'to?

Sa wakas ay nilingon ko siya nang isang mabigat na hininga ang narinig ko. Umiwas siya ng tingin nang lumingon ako. Kinagat ko ang ibabang labi at pinagmasdan ang reaksyon niya. Ngayon ko lang napansin ang pagbabago niya sa nagdaang taon. Halata 'yon sa pangangatwan niya. Mga bata pa lamang kami nung huli ko siyang nakita. At sobrang nakakapanibago na makita siya uli sa personal, buhay, matikas, at... uh gwapo.

Kumurap-kurap ako at ibinaling sa iba ang atensyon.

"Boyfriend?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

do.Ob??

"Oo. Bakit? Siya ba 'yong naghatid sayo rito?"

Bahagyang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nandito ba siya kahapon? At sa pagkakatanda ko, tinted ang ginamit na sasakyan ni Van noong hinatid niya 'ko rito kaya hindi naman masyadong maaninag ang nagmamaneho noon.

Pagkairita ang nakita ko sa mukha niya nang hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung bakit nasiyahan ako sa reaksyon niyang 'yon. Dapat nga ay wala siyang pake kung meron man akong boyfriend.

Baka concern lang? Bilang nakatatanda? Iyon nga siguro.

"That boy is a Cuevas. You really like him?"

Sinabi niya 'yun ng puno ng sarkasmo at tila sinasabing mas angat siya roon. Gusto kong humgalpak sa tawa sa huling sinabi niya. Pero isang ngiting naghahamon ang ipinakita ko.

"Nandito ka kahapon?"

"Hindi. Sa eskwelahan ko kayo nakita."

Pinasingkit ko ang dalawang mata. Ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Pero hindi ko na 'yun tinanong pa. At sa itsura niya, mukhang may bumabagabag sa kaniya.

"Okay."

Bumuntong-hininga siya at umawang ang bibig, mayroong gustong sabihin pero hindi niya itinuloy. Nailang ako sa titig niya sa akin kaya tinalikuran ko uli siya at kinuha na ang blusa. Hinila ko ang drawer na lalagyanan ng underwear ko pero naalala kong pinapanood niya ang bawat galaw ko.

Dapat ko ba siyang paalisin? Dapat lang dahil maliligo pa ako, no?

Lumunok ako at hinarap siya. Pero agad din akong napatikom nang nagsalita siyang muli.

"You both stayed there inside the car a couple of minutes before leaving." Tiim-bagang akusa n'ya.

Salubong ang kilay niya at hindi tanggap ang sinabi. Tumaas ang isa kong kilay. Nagpaparatang ang tono niya. Ayoko mang bigyan ng malisya ang sinabi niya pero sa pagkakasabi niya, parang may ginawa kaming kababalaghan. Ano namang pake n'ya?

Uh, kadiri. Ano bang iniisip ng lalaking 'to?

Lumusob ang pait sa akin nang maalala ko ang usapan namin noong pagkabalik niya. Gustong gusto ko siyang sungitan. But I'm trying to be civil sa harap niya. Ayokong isipin niyang bitter pa rin ako. No way!

"Oh, ano ngayon?" Isinantabi ko ang malisya at pait sa sinabi.

Tumalikod ako pagkasabi non. Kung totoo man ang haka-haka ko sa nararamdaman n'ya sakin, hindi naman siguro kasalanan ang pagselosin siya. Pero kung tungkol lang ito sa kagustuhan niyang paglaruan ako, pagbibigyan ko lang ang sarili kong maaliw sa ngayon. Sa ngayon.

Breaking the 7B's rule [slow update]Where stories live. Discover now