Chapter 3

140 9 0
                                    

Chapter 3

P-putangina

Medy

Nandito kami ngayon sa ospital, binabantayan si Azikel. Makita ko lang ang lalaking iyon, sasakalin ko siya at hampas-hampasin ang pagmumukha niyang mas pangit pa sa paa ko.

Bwisit iyon! Tapos nakita ko pa iyong manyakis na lalaki na nakabangga ko sa Mall. Kulang pa ang isang black eye sa kaniya. Bwisit.

"Ah! Papatayin kitang lalaki ka!" Nangangalaiti kong gigil.

"Ah maam, baka po magising ang pasyente-" Sita sa'kin ng nurse kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakayuko itong umalis.

Mag-isa ko lang dito dahil may pinuntahan si Van sa bahay nila. Bumisita na rin si Tito Aizlouk, papa ni Azikel. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya doon dumako ang tingin ko.

"KLEEECK!"

Pumasok si Lumika dito sa kwarto kaya nakita niya akong nakaupo dito sa couch.

"Morning, anong nangyari sa saging? Bakit... bakit ganiyan ang istura niyan?" Tanong sa'kin ni Lumika. Bumaba ang tingin ko sa hawak na saging.

"Wala. Napagbuntunan lang ng galit." Natatawang sagot ko sa kaniya.

Nagtaas siya ng kilay at tumingin sa saging ng may pagtataka pero bumaling na lamang siya sa nakahilatang si Azikel.

"Kamusta naman si Azikel? Nako, 'pag makita ko lang ang lalaking nakatama sa kaniya ay susuntukin ko siya." Kunot-noong sabi niya pero batid kong hindi niya naman iyon magagawa.

"Sampal nga hindi mo alam gawin, suntok pa kaya. Ipaubaya mo na lang sa 'kin." Natatawang sabi ko sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko at binuksan ang telebisyon.

"KLEEEECK!"

Sumulyap kami ni Lumika sa bumukas na pinto. Katulad ko ay nagulat din si Lumika sa taong pumasok. Awtomatikong napatayo ako sa pagkakaupo at halos mapaatras sa gulat ang lalaki sa biglaan kong galaw.

"Bakit kayo narito?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Dadalawin sana iyong kaibigan niyo." Nagkakamot sa ulong aniya.

"Ah oo, dadalaw kami." Sumingit naman ang hindi ko napansing kasama niya.

Kumabog ang dibdib ko sa galit nang makita kung sino iyon.

"Ikaw?!"

"You?!"

"Aba, bakit ka nandito?" Nangangalaiti nang sigaw ko sa kaniya.

Nakakainis. Nakakabwisit talagang makita ang pagmumukha ng lalaking ito. Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari sa unang pagkikita namin.

*FLASHBACK*

dO_Ob

P-peck on her cheeks?

"Huwag mo akong subukang halikan kung hindi ay sisipain kita!" Pagpipigil ko.

"Go! Yiee!" Kinikilig na sabi ng amerikanang babae. Nakakainis. Kung siya kaya ang ipahalik ko rito.

Naramdaman kong gumalaw ang lalaking karga-karga ako. Nilingon ko ito na sana ay hindi ko na lang ginawa. Tila binayo ng napakalakas ang puso ko nang naglapat ang mga labi namin. Hindi ko na mahagilap ang kaluluwa ko sa nangyari.

dO///Ob

Agad akong humiwalay. Napalunok ako. Saka lang ako bumalik sa katinuan nang marinig ang mga buyo ng mga tao sa paligid.

Breaking the 7B's rule [slow update]Where stories live. Discover now