part 2

3 1 0
                                    

tinanong mo ako bakit ngayon lang di ba?

maraming beses ko na gustong sabihin sayo to pero hindi ko alam kung pano sasabihin sayo, siguro natatakot ako sabihin tong parteng ito ng buhay ko kasi tingin ko hindi mo ako magugustuhan pag umpisa pa lang nalaman mo na. ang tanga ko din kasi tingin ko isa to sa pinakaimportanteng parte sakin tapos eto pa yung hindi ko pa nasasabi sayo.

Umpisa pa lang kasi medyo naging interisado nako sayo,hanggang sa nalaman ko yung nkakalungkot na kwento ng lovelife mo na dalawang beses kapang umiyak sakin dahil naalala mo yung sakit na dulot noon, naalala ko pang natatakot kang ikwento sakin yung pinagdaanan mo kasi baka mag iba ang tingin ko sayo sabi mo, pero imbis na mag iba ang tingin ko sayo ay lalo pa akong naging interisado at humanga sayo, humanga ko kasi kahit hirap na hirap ka na eh nagawa mong magtiis sa ganon, sabi ko nga napa subo ka dyan sa salitang commitment mo.

Umpisa pa lang papap alam ko na na medyo malayo ang agwat natin hindi lang sa edad pati narin sa estado sa buhay nadin, tingin ko kasi talaga medyo ok kana samantalang eto ako nag uumpisa pa lang,halos wala pang ibubuga:)

eto na papap ikekwento ko na lahat,sabi ko nga expect mo na yung worst, hindi ako umaasa na ganun padin ang tingin mo sakin pagkatapos nito, hindi ako umaasa na magugustuhan mo padin ako pagkatapos nito, basta sasabihin ko lang yung lahat at totoo kasi karapatan mong malaman to

zzzzWhere stories live. Discover now