[4]: Hell First Day

7 0 0
                                    

Claire's Pov

"Kyaaah! Late na tayo!" sigaw ni Yasmin habang nagblo-blower ng buhok. Ako? Kanina pa ako tapos e, ako nga nang gising sa kanila e. Ang bait ko ano?

"Si Eleine?" tanong ko.

"Tulog pa yata. Gisingin mo nga."

Tumayo ako at binuksan ko yung pintuan niya. Tulog pa nga, 30 minutes nalang ang time niya.

"Eleine Franchesca!" sigaw ko at hinila agad yung paa niya para mahulog siya sa kinahihigaan niya.

"Hmm! Mamaya," umakyat ulit siya sa kama niya at nagtaklob ng kumot. Aba! Ano pang mamaya?!

"7:30am na! 8:00 yata classes natin. Kukunin pa natin schedule natin!" sigaw ko.

"Oo," 'yun lang yung sagot niya? Sasampalin ko ito e.

"Anong oo?! Bumango ka dyan!" sigaw ko. Aba, mananakit yung maganda kong lalamunan sa kaniya e.

"Susunod ako don't worry." susunod? Ibigsabihin hindi siya sasabay sa'min? Sinong mag da-drive?

"Marunong kayong mag drive diba? Ano ba yung mga kotse nyo sa garahe kung itatambak at i-stuck niyo nalang yun don." Sabi niya at binaba yung kumot.

"Bahala ka nga dyan!" Sigaw ko at lumabas na. Alam naman niya ginagawa niya e. Baka parehas pa kami ng course na kukunin. Joke! Culinary Arts yan, panigurado.

----------

Sophie's Pov

Wala si baby Eleine ko e, nag palate. Pagod na pagod kagabi e. Ewan ko ba kung bakit siya napagod. 9pm natapos yung kanta namin sa Debut. Naging MC pa si Yasmin kagabi.

Sinong nagdrive? Si Yasmin. Tinatamad daw si Claire e. Haha! That is life. Gamit namin yung kotse ni Yasmin. Ayoko munang gamitin yung akin, baka mamaya wala akong mapag pa-parkingan doon e. Susyalin yung mga tao doon sa Axanter University no. Baka kasi may mga slots for parking e.

Speaking of, nandito na kami sa classes namin. I mean ako lang pala, magkaiba kami ng course na kinuha ni Claire at Yasmin e. Si Eleine kasi! Dito nga ako sa medyo dulo nakaupo, vacant daw ito tska itong tabi ko vacant din. Dito ko na lang papaupuin si Eleine!

8:05am na, wala pa rin yung Prof and specially si Eleine! Mai-text nga. Nilabas ko yung cellphone ko at tinext si Eleine na bilisan niyang kumilos baka mamaya mapagalitan siya ng Prof, transfer na nga kami late pa ang first day. Nakuha ko na rin yung ID ko sa Office e.

"Good morning class," uwaah! Andyan na yung Prof. Nakita ko sa sched name niya Mr. Tolentino.

"Good morning, Sir!" bati rin namin. Bigla namang nag ring yung phone niya. "Class, give me 5 minutes okay? Excuse me." sabi niya at lumabas muna. Emergency siguro.

Nilagay ko nga yung bag ko sa tabi ng upuan ko, reserba para kay Eleine. Buti nga, mahal ko yun e. May pumasok nalang na isang lalaki sa room na akala mo buhat yung buong mundo. Nakatingin sya doon sa bag ko. Omy! Nakakatakot pa yung aura niya. Wala namang nakaupo doon e, imposibleng seat niya yun!

"What the fvck is this bag?! This is my seat!" sigaw niya. Uwaah! Nakakatakot. Agad akong tumayo at kinuha yung bag. Pa'no yung seat ni Eleine?

Nakita ko siyang ngumisi sa'kin. Napayuko nalang ako at umupo ulit. Angels help me. Ang sama kaya ng tingin niya! Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa'kin at.. At! Sinandal yung dalawang palad sa table at medyo yumuko para tingnan ako.

"Transfer ka, right?" I nooded nervously. Yung awra niya. "And you know what? First time na may umupo sa seat ko. And.." ang angas nung boses niya. Ahhh!!

We Just Fell Inlove [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon