[6]: Music Room

11 0 0
                                    

Yasmin’s Pov

Alam nyo yung mata niya? Nainlove na yata ako. Jusskoo! Hindi na ako makatulog kakaisip at kakaimagine sa maganda niyang mata. Basta, parang nag slow motion yung buong paligid ko ng magkatama yung mata namin.

Anong sinasabi ko? Diba, si Bryan? I imagine lang naman kasi na ang ganda ng mata niya. Di ko mapaliwanag! Basta kapag nakikita ko siya o yung maganda niyang mata, nakakalimutan ko yung pangalan ko.

It's already 12:30 midnight. Nasa kalagitnaan ako ng pagiimagine sa kaniya. Fb muna ako, you know? Stalk.

Teka, hindi ko alam ang full name niya. Napakadaming Bryan sa buong mundo. Pa'no yun? Matawagan na nga lang si Ian! Baka tulog na, mabulabog ko pa. Pero mabait naman yun e.

Calling Ian Dave...

Binigay niya kasi yung number niya kay Sophie. Exchange number sila. Hiningi ko naman. He's nice naman e.

["Hello, who's this?"] sleepy na sabi niya. Tulog na nga.

"Sorry, Ian. Naabala ba kita?"

["Uhm, sino ‘to?"]

Tamo! He is nice. Yung ibang lalaki hindi ganito. Minsan binababa na nila agad yung phone kasi hindi nila kilala yung tumatawag. Unlike Ian, he is nice pa din pag gigising.

"Ayy, sorry. Si Yasmin ‘to. Hindi ba kita naabala sa panaginip mo?"

["Ikaw pala yan, Yasmin. Uhm, nope. Hindi rin naman ako makatulog ng maayos, dito natulog si Bryan sa condo ko e. Lasing pa naman. Ako pa nagasikaso."]…

Bryan? EMEGED!

"Andyan si B-Bryan sa condo mo? A..ah bakit naman nagiinom ‘yan?"

["Ewan ko ba dito ganito talaga 'yan. Kapag walang magawa nagiinom. Bakit ka nga pala napatawag?"]

"A... E... Uhm.."

Teka pa'no ko ba sasabihin ‘to? Napakagat ako ng labi.

["HAHAHA! ‘Wag ng mahiya."]

"Sure ah! Uhmm, anong full name ni Bryan?"

["Ayiee! Crush mo itong tropa ko? Ahahah! Mabait ito."]

Napatawa naman din ako. Ang ligalig ni Ian a. "No, basta. Anong full name niya?"

["Bryan Ford Astrillo. Kung maiitatanong mo rin. Yung isa si Brix Miles De Guzman. Kayo a, luma love-life kayo."]

"No, Ian. We have a girls rules, bawal namin labagin 'yun. Or pwedeng magalit sa'min si Eleine."

["Eleine? Diba si Franchesca rin ‘yun?"]

"Ye, sorry a. Ayaw niya kasing tinatawag siya ng Eleine kapag hindi pa niya masyadong kilala or maybe close close friends niya lang ang tumatawag sa kaniya nun. Kaya nga kanina, ayaw niyang tinatawag siya ni Ivan ng Eleine because Eleine doesn't know Ivan better."

["Ahh, si Ivan naman ayaw nun na tinatawag na Raine. Ang pangit daw ng name niya. HAHAHA!"]

"Well, aso't pusa yung dalawa e. Bye na, Ian. Thanks ah!"

["Always welcome, sige baba ko na."]

Pinatay naman niya yung tawag. Ako naman kuha si laptop at search for his name. Ang daming poser! Ayy, peymut sila e. Hinanap ko yung real account niya. As in, may nakalagay naman official Bryan Ford. Parang pang artista lang, ano?

Syempre, ako? Stalk stalk. Save photo. Wahahaha! Wallpaper ko lang siya. Crush ko lang naman, malalagot ako nito kay Eleine e.

Syempre ti-nap ko rin yung 'Add Friend' botton. Update status! Yeah.

We Just Fell Inlove [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon