Pipay's POV
So ayun nga pinapila na lahat ayon sa kanya-kanyang department at course. Sama-sama kaming mga ECE sa College of Engineering. Katabi ko si Sarah at Linday. Nagkwentuhan lang kami sa orientation. Tapos, nagkaroon na ng breaktime, mga 20 mins. lang tapos balik na ulit kami. Iba na naman yung pwesto namin. Yung nakaupo sa bandang harapan ko yung pinakamatangkad naming kaklase, Rj ata yung pangalan. Tapos pagtingin ko sa katabi niya, nagulat ako kasi hindi ko inaasahang makita si Karlo. Bakit kaya nandito siya? Mukhang magkakilala sila nitong si Rj. Nang makita ko ng malapitan si Karlo, nakakasilaw ang kagwapuhan niya. Grabe! Haha. Parang may kamukha siya sa PBB. Si Bret ata yun! Nalaman ko din na may maliit na nunal siya sa bandang likod ng tenga. Kita ko kasi nakatalikod siya. Malapit na siyang matunaw kakatitig ko kaso, napansin ata yun ni Sarah.
" Lagi ka yatang nakatingin sa gwapong nilalang na yun, baka matunaw." siya.
"Ha?!!" kunwari di ko alam.
"Aruy, lagi kang nakatingin dun sa maputing guy. Crush mo?" medyo napalakas yung pagkasabi niya kaya napatingin si Rj at Karlo.
Ako naman---> O__O
Sarah---> O.o
Rj--> =_____=
Karlo---> ?___?
Pagkatalikod nung dalawa medyo nakahinga ako ng maluwag..
"SHSHSHSHS... wag ka namang maingay. Oo crush ko yun, saka ko nalang ikkwento" pabulong ko.
"Ayieeee sabi na nga ba eh.. Wag ka mag-alala , di ko ipagsasabi."
At yun. natahimik lang kami.
At nang matapos na yung orientation churva edi nagtayuan na lahat, syempre uuwi na kami, pero bago yun nagpasama sakin mag CR si Sarah.
Pagdating namin sa CR may limang girls HRM ata yung mga yun.Nagpunta na sa cubicle si Sarah tapos ako naiwan sa labas kasama yung 5 maaarteng nilalang, nakaharap kami sa salamin. Nagsusuklay ako nun, tapos biglang may humarang na matabang babae(isa sa mga maarteng impakta pala). Tapos nagtawanan silang lahat. Nainis ako, akmang bubungguin pa ko nung babae nang biglang lumabas si Sarah, nakita niya siguro yung gagawin dapat ng babae kaya't hinila niya agad yung kamay ko palayo, sabay sabing
"Tara na nga Precy, baka kung anu pang magawa ko sa mga impakta dito."
Nagulat ako sa mga pangyayari, di ko alam bakit ginawa nila yun, Pinagtitripan lang ba nila ko? Tsk!