POPOY's POV
Buti at tapos na yung first subject namin, ayos vacant na. Pero saan naman kaya kami mag-iistay nito. Ayoko naman dito sa school, lalabas nalang kami siguro.
"Poy, tara SM tayo." Jared
"Oh sige Tom's world tayo"
"Oo, kasama ko si Abby tyaka kasama din si bakla."
"Bakit kasama pa yun?"
"Eh gusto sumama, ikaw na bahala dun para masolo ko si Abby."
"Wag ganun pre, di bale nalang pala,. di na ko sasama."
Pshh, loko talaga tong siraulong 'to papasama pa sakin si beki. Makaalis na nga lang, bahala na kung san mapunta.
Pagpunta ko malapit sa gate may nakita kong magandang babaeng nakapayong.
Ayy hindi pala, kapal lang ng make-up. Tas weird may babaeng nagtatago sa likuran nya. Kaya naman pala eh naka-uniform. Tsk. kakahiya yun. Ay. pakialam ko ba dun. Buti nalang nakita ko yung dati kong classmate, dun muna ko sasama.
PIPAY's POV
Eeeesssshhh. >///< Pahiyang pahiya na ko. Lalong lumakas yung tawanan nila. Kakainis ba't ba ganito nangyayari ngayon. Please po sana matapos na yung araw na to. Gusto ko nang umuwi :(
After kasi ng klase, nag CR ako tapos nagmadaling nagpunta ng next room kaso iba palang room napasukan ko. Katangahan ko oh, wala na kong mukhang maihaharap. Kainis, bakit ba kasi padalus dalos ako sa pagkilos, ayan tuloy. Buti nalang wala akong kakilala dun.
Pero pagpunta ako sa klase, Sinuwerte din sa wakas. Wala daw kaming klase! Yehey uwian na. Pababa na kami mula sa 3rd floor, hala nandito si crush Karlo, sa kabilang hagdan nalang ako dadaan baka makita pa ko.Nagpaalam muna ko sa mga friendships ko na magkita nalang kami sa baba. Pababa na ko ngayon mula sa 2nd floor, parang ang tahimik naman yata dito, tapos nakasalubong ko yung pinakilala samin nung isang araw, si Popoy. Nginitian ko sya, pero half lang smile nya parang nahihiya? Sabagay di naman kasi kami close. And there it is, nakapunta na ko sa baba sabay sabay kami uuwi nila Shane.
Pagsakay namin sa sasakyan.. T.T nawawala yung wallet ko? Pano na ko makakauwi neto? MALAS! Ayoko nang araw na to sobra na! I HATE TUESDAY! I HATE THIS DAY! Salamat sa mga friends ko at nakauwi ako ng buhay at maayos. Kaso wala na yung wallet ko. :(
POPOY's POV
What's with her smile? Bakit bigla akong napangiti pero may mali, hindi pala ako masyadong ngumiti. Nakalimutan ko na yung name nung babaeng yun, ano nga ba yun? Pinakilala sakin yun ni Miyang eh.
ahh si Pipay, oo pipay nga pero nickname nya lang yun. Di ko man lang napansin na siya pala yung nakauniform. Tss. Parang ang careless nung babaeng yun, di pala parang , careless talaga nahulog yung wallet niya di man lang binalikan. Malayo na sya, di ko na inabutan. Bukas ko na nga lang isasauli pag nakita ko ulit. Papasok na nga ko ng room. Last subject naman na bago maguwian.