Chapter 6 Sad-ur-day!

48 1 0
                                        

POPOY's POV

Saturday morning ( may NSTP kami , National Service training program, basta yung karagdagang subject sa college.lol) 

Medyo late na ko nakapasok, traffic eh, tinanghali pa ko ng gising.Napakadaming tao na dito sa Bayan Complex pagdating ko ( BC-yung parang covered court dito sa school) Hayyyy..Boring talga, Iba ang college,dati walang pasok every saturday.Nakakapanibago =__________=

Ayun nakita ko si Jared nakapila, nakipila na din ako. Sobrang pahirap yung mga teacher, 5 hours ba naman kaming paupuin para sa orientation na yan. Ang dami pang sinasabi eh hindi pa pala enrollment(iba kasi enrollment ng NSTP hiwalay sa ibang subj.) Baka next next saturday pa ah. Wag na muna kaya akong pumasok?Wala namang magandang nangyari ngayong week. May bago lang nakilala. Tapos ayun, mukhang mabait naman yung iba. Lagi ko lang kasama si Jared. Tropa eh. Tahimik lang ako lagi, boring eh. Takte pa yung isa kong kaklaseng bakla, may gusto pa ata samin, sunod ng sunod eh.Si Jared kasi, lakas ng hatak. Allergic pa naman ako sa mga bading. At mukhang umaayon naman sa kanya ang pagkakataon, laging kasama nung beki si Abby, yung matangkad na girlfriend ata ni Jared? Ewan, basta patay na patay sya dun.. kaya mabait na din sya kay beki.Natapos din ang orientation na parang walang nangyari,puro sermon at mga rules lang sinasabi. Ganto kaya palagi? AMBORINGGG...

 PIPAY's POV

Woah.. nagmamadali na ko sa pagpasok. First day ko pa naman papasok ng Saturday kasi NSTP namin ngayon tapos baka malate pa ko. Kaso pagpasok ko ng gate bigla akong sinita ng guard.

"Oy miss!"

"Bakit po?"

Hala ano bang meron? Bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa pagkakaalam ko at hindi ako trespasser, sure akong eto ang school na pinapasukan ko.

Ha? Meron ba akong nakalimutan?

Bag? Check

Wallet? Check

Uniform? Check

Shoes? Check

Cellphone?Check

I.D.??!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! O my gulay!! Shemay naman oh. sa dami ng makakalimutan bat yun pa?Trespasser nga ko dito. anung gagawin ko?

"Ah.. ehh.. kasi sir..hmmm nakalimutan ko po yung I.D. ko" what? valid reason ba yun? well atleast honest ako, yun naman talaga ang dahilan... Shemay talaga.sana papasukin ako.

"Tyaka malayo pa po bahay namin" dagdag ko.

"Hindi pwede taga saan ka ba? Sige bibigyan kita ng pamasahe"

"Sa ano pa po, sa Fort Bonifacio" Oha diba ang layo nun tapos papauwiin nyo ko? ano kayo?

"Tyaka sir, first time ko lang talga to. hindi na mauulit, nagmamadali lang talga ko, kita nyo nga malalate na ko, tapos papauwiin nyo pa"dagdag ko pa.sana pauwiin na

"Magkano ba pamasahe papunta sa inyo?" Hala. yamot naman to.

"Isangdaan at  seventy po kung magtataxi"

" Sosyal, taxi pa. mag  MRT ka nalang" Kulit naman ng guard na to.

"Sige na nga pumasok ka na. basta next saturday wear your ID na."

"Opo thank you po" Yey! nakapasok na din. Grabe tong guard na to pinahirapan pa ko. Papapasukin din naman pala, napasubo at sa pamasahe ko. haha ,Buti nalang five hundred baon ko sa isang araw.

Grabe di talaga ako makaget over sa nangyari na to.Pagdating ko naman sa BC . ang init. Daming tao. kahit airconditioned na yung buong complex na yun, ang iingay pa. Nagsitahimik lang nung pinapila na. 

When the time comes....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon