Pipay's POV
Dahil Monday ngayon. May P.E. kami.
Nagkaroon ng meeting ang hawak ni Sir Jerome sa Dance
ECE1A,1B, at 1C.Magkakaroon daw ng dance contest kaya
kailangang mapaghandaan. For example para sa 1A-Jive,tapos samin
1B-Chacha then 1C waltz. Syempre by partner yung sayaw kaya medyo nakakahiya.
Di pa ko magaling magsayaw ng ganun.
Andito rin nga pala si Karlo at 1C sya?.
Napansin ko rin na puro babae ang kasama niya,
nakakapangselos although wala akong karapatan. Sabagay basta meron
kang nararamdaman, hindi yun maiiwasan. :((
POPOY's POV
Nandito ako ngayon sa tabi ng partner ko , na walang iba kundi si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BEKI. Since kulang ng babae ang section namin at ako yung pinakuhli sa boys kami ang pinagpartner =__________= (a/N: XD Kala nyo si Precy noh? Peace ^__^V)
Start na rin ng practice ngayon . 3 hrs. kase ang klase namin sa P.E. once a week lang 1hr. discussion at 2hrs. sa practice. Maganda naman si Beki este mukhang babae kaya pinayagan na magsayaw bilang babae sabi nila yan. Takte! Nandidiri talaga 'ko feel na feel. Si Jared naman abot tenga ang ngiti ipartner ba naman kay Abby niya.Psh, nagstart na ang practice tuloy tuloy lang hanggang sa kalagitnaan ang break. Nagpunta muna kami sa canteen para bumili ng maiinom. Si Jared iniwan ako at pinopormahan si Abby kaya't pinuntahan ko muna yung dati kong kaklase si Miyang.
Pipay's POV
Nandito ako ngayon sa isang table sa canteen kasama sila Sarah,Myca,Rachel,Genesis,Lindsay,Shane at Zel. Kagagaling lang namin ng practice.
"Kmusta miyang?" bati ng isang guy kay Shane.
"Ayos lang, ikaw Popoy?Upo ka muna."
"Eto pagod" tipid na sagot.
"Ah oo nga pala eto si Sarah,Myca,Rachel,Genesis,Zel,Lindsay at Pipay."pakilala ni Shane. Teka? Anong sabi niya, Pipay? Ako lang yata yung tinawag niya sa nickname.
"And girls meet Popoy"
"Vince"pagkokorek nung guy.
"Bagay pala si Vince kay Precy eh."sabi ni Zel.
"Oo nga, Pipay at Popoy." gatong ni Rachel.
"Ayieee" kantsaw ng lahat.
Hala anong pinagsasabi ng mga 'to?Nakakahiya napatingin ako kay Vince at nakatingin rin siya sakin?Teka parang familiar 'to ah. Sya ata yung nakasalubong ko sa Library. Umiwas na 'ko ng tingin at nakita ko si Genesis?ang tahimik niyang nakatingn kay Vince at siya lang yata yung hindi nanunukso.May gusto kaya siya dito?
"Ui grabe kayo ah."sabe ko sa kanila para tigilan nila 'ko.
"Excuse me."sabi ni Vince at umalis nainis yata dito sa mga kasama ko.Pagtripan ba kasi.
Sa kabilang table naman,ngayon ko lang napansin, andun pala si Karlo , kasama na naman yung mga babae niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/712892-288-k501711.jpg)