i Hate Tuesday!

67 1 1
                                        

POPOY’s POV

                Mga babae nga naman , pag nagsama sama ang iingay, umalis na ko kase na-CCR ako.Psh..ang sakit ng tiyan ko,ewan ko ba,sa kinain ko ata.Tsk. Feeling ko kinakabahan ako nung tumingin yung babaeng yun.Hayyy… ang hirap naman, kakaiba ‘to ah. Umuwi na rin ako, pagkatapos mag-CR.Last period naman ang P.E. kaya okey lang sigurong tumakas.

Kinabukasan ****

PIPAY’s POV

                Tuesday morning. Sarap ng tulog ko ah. Ang saya kasi kagabi, basta wag nyo ng tanungin Masaya lang ako. Napanaginipan ko kasi si anu….. si.. si Zayn Malic ng One Direction, kinakantahan daw ako ng “What Makes You Beautiful” Haha . Nikikilig ako eh. Kahit panaginip lang yun parang totoo. :P Yawn. \^0^/

Teka . anung oras na ba?

Time Check: 6:30 am

Shemay, napabalikwas ako ng tayo. Hala maleleyt na ko neto. 8:00 am pa naman ang pasok ko ngayon. Tsk. Hindi na ko nagbreakfast, tapos ligong uwak na lang ginawa ko mga 5 mins. Tapos yung uniform ko di ko pala naplantsa?! Tsk. Hayaan na nga. Paspasan na ko. Diretso na sa sakayan , dun nalang ako mag susuklay ng maayos.

Pagdating ko sa tapat ng  school. Ba’t parang nagtitinginan sakin yung mga tao?Hala. Shemay, kalamay ,patay naman, bakit nakalimutan ko pa yung araw na ‘to. Ako lang ang natatanging naka-uniform dahil WASH DAY nga pala ngayon.Dapat nakacivilian lang. Huhu, Pano ko makakapasok nito. Umupo muna ko sa bench, malapit sa gate. Di pa ko pumapasok, hala  late na ko. Pagka malas-malas naman oh… Mga 10 seconds, help me naman oh. 5 seconds akong pumikit at pag dilat ko ayun nakita ko si Jean. Tinawag ko siya at tinanung kung may extra siyang damit, kaso wala daw kaya ang ginawa ko nalang eh nagtago sa likod niya, nakapayong naman siya hanggang dun sa may lab. Huhu . Kakahiya.

Pagdating ko sa klase. Andun na si Mam nag tatawag ng pangalan para sa attendance. Pagdating ko sa upuan ko sa harapan..

“Shin, Precy A.” sabi ni maam.

“Present mam” Hoo sakto yung pagkakaupo ko sa pagabanggit ni maam ng name ko.

Nagpalakpakan yung mga kaklase ko,

“ And the most loyalty award goes to Precy!” sigaw nung isang kaklase

*to be continued

When the time comes....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon