Chapter3:Pipay enrollment

65 1 0
                                    

PIPAY's POV

Woo.. nakahanap na din ng kakilala. Buti nalang nakita ko si Jean. Sabay kaming nag paenroll at nag apply ng scholar. Grabe andami namang requirements. Sobrang nakakapagod talaga,biruin mo pagkatapos sa guidance sa registrar naman tapos sa cashier, eh ang layo pa naman. Well, siguro naninibago lang din ako,nung high school kase ang liit lang ng school namin. Papunta na kami ni Jean ng library para sa pagpapagawa ng library card.

Eto nga pala si Jean --------------------------------------------------------------------------------->

"Good morning po pano po ba magpagawa ng library card?"

"Eto oh, paki fill up-an nalang." sabi ng library assistant.

"Ah, sige po."

"Pakilagay na din yung picture mo"

"Opo.sige po."

Tapos ko na fill-up-an. Binigay ko na yung form.

"Eto na po ma'am"

"Manong paki laminate na nga po 'to"

"Precy Shin" binasa ni manong yung library card.Inabot sakin yung card.

"Anung course mo?"sabi ni manong

"ECE po."

"Ah lagi ako jan" eh ano naman sakin? hahaha

"May lahi kabang foreigner?" 

"Wala po, pure filipino po ako."

"Ah, ang ganda mo kasi." 

Porke ba foreigner maganda na? Hindi ba pwedeng natural na talaga?HAHAHA. si manong talaga, alam ko namang maganda ako hahaha ang kapal ng mukha ko. XD

Umalis na ko, wala naman na kasi akong gagawin dun. Pag labas ko nakita ko yung lalaki nakatingin sakin,magpapagawa din ata yun ng library card. Hinihintay nga pala ako ni Jean sa labas.

"Tara na."

"O sige san na tayo?" si Jean.

"hmm tara sa jolibee, nagugutom na ko eh"

"Sige hindi pa nga tayo nagtatanghalian."

"Oo nga pala, nakita mo ba yung lalaking pumasok paglabas ko?"

" Hindi eh, bakit?"

"Ah. wala lang. nevermind"

 Kumain lang kami tapos nagkwentuhan ni Jean. About lovelife lang naman ang pinagkwekwento niya at wala naman akong maikwento.

"Oh talaga? Nanliligaw sayo si Zyzer? yung gwapings na kasama ni president nung meeting?"

"Oo, eto oh magkatext kami."

"Ai oo nga noh." @_@ Buti ka pa. crush ko yun eh.. tsk.tsk. sabagay  maganda ka kasi.

"Kaso sa PUP sya mag-aaral eh"

"Ah. ganun ba."

'"Yup, natatawa nga ako dun parang timang. Gusto niya dun nalang din ako mag-aral. kaso sabi ko ayoko dun."

"Ah. Bakit naman? Ayaw mo nun para lagi kayong nagkikita" Ouch. kahit masakit sakin ok lang. Hahahah

"Eh, hindi ako makakapanglalaki dun. Dito mas madaming gwapings. Haha"  ang landi talaga ng babaing to. Tsk.tsk. iba na kasee pag charismatic.

"Ha?! Loko ka ah."

"Pero syempre joke lang yun, wala kasi yung course ko dun eh."

"ah..oo nga noh." woo palusot ka pa lalaki lang talaga habol mo. haha

-----------------fast forward nonsense mga topic namin eh. haha -------------------------------------------------

Bumalik na ako para makuha ko yung schedule ko. Ako nalang ulit mag isa ang kumuha, nakuha na kasi ni Jean yung sa kanya.

Pumunta muna ako sa Dean's office then binigay sakin yung papel. tapos dumiretso na ko sa bulletin board. Nakita ko na yung schedule ko. Kaso............................may problema..............

>.<

wala nga pala akong ballpen. tsk tsk. Hanap ng mahihiraman. Ayun si kuya .

"Kuya may ballpen po kayo? Pwede pong mahiram?" 

"OO, teka lang.. Ui pre ballpen daw(sabi sa ksama). Eto na miss."iniabot sakin ung ballpen.

"Salamat po kuya."


When the time comes....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon