Chapter 2: New Game
Amoxi's POV
Pagpasok ng room ay halos wala na akong marinig kundi ang maingay na hiyawan at tugtog.Malakas na patugtog ang bumungad sa akin pagpasok ko ng classroom.Mala-bar itong room namin ngayon.Kami lang ang makakarinig ng malalakas na tugtog dahil soundproof itong kwartong to.As I said before,napakaespesyal ng classroom namin.
Sa tuwing mangyayari ang party na ito or Bloody Party,inaayos ng mga incharge ang room namin turning into a bar.Ang weird no?Malalaman nyo din kapag nagsimula na.
Maingay at halos lahat ay mga lasing na.Dim ang ilaw kaya wala kaming masyadong makita at tanging disco lights na nasa gitna lang ang nagsisilbing liwanag samin.Hinanap ko si Avis hanggang sa nabangga kong bigla si Ate Haiga--isa sa mga ate ng 8-1.Magkahalo-halo ang nasa section namin.Kahit na junior or senior ka pa kung dito ka inilagay ay dito ka talaga.
Kahit sa computer lab namin ay madaming tao.Hinanap ko agad si Avis.Nakita ko syang kasama si Samantha.Pareho silang nakikinood sa mga naglalaro dito sa com.lab.
"Avis!"Napatingin sila sa akin nang biglang may nagsalita.
"Let's start the game students."aniya at biglang nawalan ng kuryente.
W
ala akong makitang kahit ano.Sunod sunod na sigaw ang narinig ko.Ano to?Anong nangyayari?Hindi dapat ganito ang daloy ng pagpatay sa section namin.Nangapa ngapa ako hanggang sa may humila sakin.Masikip at nadadama kong nasa ilalim kaming dalawa ng isang computer.
"A-ano-"
"Shh.'Wag kang maingay kung ayaw mong mamatay."
Sunod sunod na sigawan ang narinig ko.Halos malukot na ang damit ng kasama ko dito na hindi ko kilala dahil sa paghawak ko doon.May dalawang putok ng baril akong narinig.Ano bang nangyayari?Hindi naman dapat ganito.
"Wag po ako,please.Nagmamakaawa po ako saiyo,kung sino ka--AHHHH!!!!!!!"rinig ko.Malapit lang sakit ang nangyaring iyon dahil rinig na rinig ko.
Nakapikit lang ako habang naka-akbay sakin yung katabi ko.Bigla syang lumayo sakin at tumingin tingin sa paligid.
"Dito ka lang.Wag kang aalis dito hangga't wala pang nagiingay.Dito ka lang Amoxi."aniya saka tumayo ay naglakad sa direksyon na hindi ko alam.
Biglang bumukas ang maliwanag na ilaw ngunit madilim pa din sa pinagtataguan ko dahil masyado itong covered.Hindi muna ako lumabas katulad ng sinabi nung lalake.
"Students did you all enjoy the new game?Well,nakakagulat ba?Pasensya na.Mas maganda kasi ang may thrill.Kesa naman yung dalawa or isa lang ang namamatay.The more the merrier diba?So mas maganda yung ganito."natawa pa sya.Masaya pa syang madami sipang napapatay na wala namang kasalanan.Hindi ko man alam kung sino sya pero alam kong lalake sya at nasa paligid lang namin palagi.
"You may now go to your dormitory.It's already safe.Have a good night teens."
Have a good night?Wow ha!Sakanya pa talaga nanggaling yan.Kapag nakilala ko talaga sya,nako nako lang!
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko.May mga bakas ng dugo akong nakita.Jusko anong nangyari?Sa pagkakaalam ko walang pangyayaring ganito.
Hinanap ko kaagad si Avis ngunit sampu nalang kaming nandito.Ako,si Rogene,Julia,Rhodge,Keidi,Caesi,Angel,Frances,Harold, at Aira ang nandito.
"Lumabas na tayo.Lilinisin pa nila 'to."Walang ganang sabi ni Rogene na president namin.
"Rogene ano ba kasing nangyayari?Bakit ganito?Hindi naman dapat ganito ang ginagawa nila"sabi ni Julia nang nasa labas na kami.
"Hindi ko alam!Wala ding nabanggit sakin na ganito!"
"Huwag na tayong mag-away mga kapatid.Magmahalan tayo.Ipagdasal nalang natin ang mga nawala.Masyado ng malalim ang gabi kaya mas mabuting bumalik na tayo sa ating mga dormitoryo."kalmadong sabi ni Keidi.Napakamakata nya talaga.
"Babalik na ako sa dorm ko."sabi ko saka naglakad palayo sa kanila.
Hindi talaga ako makapaniwalang ganun ang nangyari.Nashock pa din ako.Lahat kami walang alam maski yung president ay wala.
Sino naman kaya yung mga pumapatay ngayon?Dati ay si Sir Michivel ngayon sino na?
"Hindi pwedeng ganun yun--"rinig kong sigaw ng isang lalake sa library.Lumapit muna ako doon bago pumasok sa dorm namin.
Nakita ko si Sir Michivel na may kausap.Lalakeng naka-all black at hindi makita ang mukha dahil masyadong madilim sa kinatatayuan nila.Nagtatalo silang dalawa.
"The more the merrier Sir.Makinig ka nalang sa amin.Shut up your mouth and mind your own business starting this night or else.."aniya habang dinuduro niya si Sir.
"Or else what?Kinakawawa nyo yung mga estudyante ko.6 years at madami nang namamatay dahil sa ginagawa natin at mas dumami pa dahil sa ginawa nyo ngayon.Hindi ako papayag sa desisyon nyo.Kailangan kong protektahan ngayon ang estudyante ko.This time I will not let you to hurt my students!"sigaw ni Sir.
"Sorry Sir Michivel but I have to do this.Sinabihan na kita.This is for A.U's sake."
"No--"
Bigla itong lumapit ng sobra kay Sir at sinaksak uto ng ilang beses.Kitang kita ko kung paano magmakaawa si Sir.Halos maligo na sya sa sarili nyang dugo dahil kalat na kalat iyon sa sahig.Ilang saksak din ang ginawa sakanya hanggang sa malagutan sya ng hininga.
"Sorry Sir.That's what you deserve."palabas na sya ng pintuan nang bigla nya akong napansin.
Sh!t.

BINABASA MO ANG
Hell Classroom
Mystery / ThrillerAgapito University,isang unibersidad na maraming krimen na nagaganap.8-1 classroom,mga espesyal na estudyante lamang ang nandito.Masasayang estudyante na hindi kailan man makakamit ang kalayaan nila. Never trust anyone when the game begins.