Chapter 4:Curiosity
Someone's POV
Tinitignan ko sya mula sa malayo.Hindi ko sya malapitan dahil inaabot na naman ako ng tang'nang katorpehan ko.
Kanina pa sya paikot ikot sa field namin.Ala sais palang ng umaga pero pag-gising ko ay parang kanina pa sya dyan.Pawis na pawis na sya.Naka-pony tail ang buhok and she's wearing her P.E. shirt and short.Malamig ngayon pero para wala lang sakanya iyon.
"Xander nasaan ka na?Kanina pa ako nandito."tumigil muna sya sa isang bench atsaka kinuha ang tubig nya habang may kausap sya sa cellphone.
"Okay.Sasabihin ko nalang kay Coach.Uso kasing kumain,man!Hindi yung nagpapalaki ka lang ng tabs mo dyan este abs pala."natatawang sabi nya.
Sana ako yung dahilan kapag tumatawa o ngumingiti ka.Pero hindi e.Hinding hindi mangyayari.
Nakayuko lang sya at pinaglalaruan ang tumbler nya.Kaya naman lumapit ako at umupo sa tabi nya.
"Yow man!May practice kayo?"panimula ko.
Unti unti nyang inangat ang ulo nya at biglang nanlaki ang mata nang makita ako.
"H-hindi ba halata?"masungit na sabi nya at inirapan ako.
"Nako ganyan ka ba sumagot sa mas mataas sayo?"natatawang sabi ko sakanya.
"Sorry naman.Estudyante ka rin naman dito kaya pantay lang tayo."
"Ay hindi mo nga pala alam yung posisyon ko dito sa A.U."
"Alam kong president ka ng CIC at SSG.Tch."aniya sabay irap sa akin.
Ang sarap nyang asarin ng asarin.
"Aba at iniirapan mo pa talaga ako.Masabihan nga si Tita Che na tanggalin ka sa team nila.Tsk tsk.Hindi marunong gumalang."nakangising sabi ko.Tumayo naman syang bigla.
"Hindi naman kita inirapan.T-tsaka wag mo akong ipapatanggal sa team!Grabe ka naman.Pangarap ko tong team na 'to tapos aalisin mo ako!Sorry na mister.Sorry talaga."natawa akong bigla.Hindi ko mapigilan dahil sobrang epic ng mukha nya.Para syang batang nagmamakaawa na ibili ng laruan.Paiyak na sya.Napahalakhak ako dahil mukha nya.Tangna laughtrip naman
"Teka natatawa pa--HAHAHAAHHAHAHAHA.Joke lang naman yon."natatawang sabi ko saka tumayo din.
"Para kang batang nagmamakaawa sakin."tawang tawa pa din ako sakanya.
Tumalikod ako atsaka naglakad palayo sakanya.Tawang tawa parin ako hanggang ngayon.Hindi maalis sa isip ko yung mukha nya.
"Sana kaya ko.Kaya kong magpanggap na wala akong gusto sayo.Poprotektahan kita kahit anong mangyari.Kakayanin ko lahat para sayo Amoxi."
Amoxi's POV
Habang naglelesson ang teacher namin ay nakatulala lang ako.Hindi ko alam kung bakit pero meron talagang gumugulo sa aking isipan.Sinasabi na kailangan ko iyong malaman.Meron sa utak ko na sinasabing dapat na kumilos na ako at simulan ang pagkakalap ng impormasyon.Ngunit meron rin sa utak ko na dapat ay manahimik nalang at mawalan pakialam.
Curiosity is still killing me right now.I still want to know the truth.Sumusuko na ako ngayon palang pero dapat hindi ako mapadala sa pagsukong iyon.I need to save my friends in this hell.
"Amoxi bakit hindi ka pumasok kahapon?Hinahanap ka ni Coach"bungad sa akin ni Avis nang pumunta ako sa pwesto nila.
"Nagpaalam naman ako.M-Medyo masakit kasi yung katawan ko kahapon kaya hindi nalang ako pumasok."
Pero ang totoo nyan ay nasa file room ako at naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa 8-1.
"Avis kakain muna ako.Nagugutom kasi talaga ako.Wala pa akong breakfast."
Lumabas na ako ng room at naglakad papunta canteen nang bigla akong hilain nila Bianca at Angel.
"Wait lang naman.Makahila itong mga 'to.Ano bang meron?"tanong ko sakanila nang tumigil kami dito sa secret canteen.
"Nagsinungaling ka."seryosong sabi ni Bianca
"What do you mean?"natatawang kanta ko.Natatawa ako kasi seryosong seryoso yung mukha ni Bianca.
"Amoxi alam namin na nasa file room ka kahapon.Para kang shunga doon.Nagpapakahirap ka pa samantalang pwede ka namang magtanong sa amin."masungit na sabi sa akin ni Bianca.
Mga man!Hindi ko sila maintindihan.Oo nasa file room ako pero paano nila nalaman?
"What?Hindi ko magets mga repang messi."
"Tigilan mo nga yang kaka-messi mo.Para kang tanga dyan."inis na sabi ni Bianca
"Oo nga.Parang baliw amputek."singit naman ni Angel na kanins pa nakatutok sa Rubics cube na hawak nya.
"Sasabihan ka na namin Amoxi.Hindi magtatagal ay isa ka na rin sa mga papatay.Isa ka na rin sakanila.Hahawak ka na din ng kutsilyo o baril para patayin ang kapwa mo."sabi ni Bianca sabay umalis.
Ako na yata ang pinakaslow na tao sa mundo.Hindi ko talaga magets ang sinasabi nila.Siguro kulang pa ang impormasyon ko kaya naguguluhan ako sa ngayon.Don't worry Bianca,I will never ever do that kind of shit.
Biglang nag-ring ang bell.Punyeta hindi pa ako nakakakain!Tapos na agad ang lunch!Napakabilis naman!Punyeta talaga!
"PUNYETA NAKAKAURAT NAMAN!BAKIT ANG IKLI LANG NG LUNCH NGAYON?!NAKAKABWISIT HA!"Sigaw ko.
Bigla akong may nabanggang tao.Nagsorry kaagad ako sakanya.Magpapatuloy na sana ako pero hindi pa din sya umalis sa harapan ko.
"Ay hala!Sir Kevin ikaw po pala yan.Pasensya na po."
"Pinapatawag ka ni Coach Rion pati na rin si Xander.You'll have a meeting about the tournament,Now.Sa office nya."
BINABASA MO ANG
Hell Classroom
Mystery / ThrillerAgapito University,isang unibersidad na maraming krimen na nagaganap.8-1 classroom,mga espesyal na estudyante lamang ang nandito.Masasayang estudyante na hindi kailan man makakamit ang kalayaan nila. Never trust anyone when the game begins.