Chapter 5

195 16 0
                                    

Chapter 5:Stranger

Amoxi's POV

"200 meter sprint.Ready,set,go!"

Mabilis akong tumakbo kaagad.Nauuna si Xander kesa sa akin.Ilang araw nalang ay laban na namin.Jusko kinakabahan ako.

"Xander,1 minute and 58 seconds.Amoxi,2 minutes."napaupo ako dahil sa sobrang hingal.

"Mas mabilis dati."umiiling na sabi ni Coach Rion.

"Sige uminom muna kayo ng tubig.Amoxi halika at sumunod ka sa akin."seryosong sabi ni Coach.

Bigla naman akong kinabahan.Baka mamaya tinotoo nya yung sinabi nya sakin.Naknang pucha talaga yung pesteng lalake na yun.Kapag ako ang pumalit sa pwesto nya,papatalsikin ko sya dito.

"Punyeta talaga yung lalake na iyon."padabog kong binagsak ang tuwalyang nakapatong sa leeg ko.

"Lagot ka Amoxicillin.Tsk."nakangising na sabi ni Xander sa akin.

"Isa ka pang bwisit ka!Walang'ya!Wag ka ngang umepal!Letseng bakla to.Bwiset!"sabi ko saka sinundan si Coach.

Nandito kami ngayon sa office nya.Punong puno ng medals and trophies ang office nya.Madami ding certificate at mga pictures nyang may hawak na trophies or medals.

"Sumasakit pa ba ang binti mo?"panimula ni Ma'am

"Minsan po.Tuwing gabi bigla pong kumikirot."

"Kaya mo bang lumaban sa tournament?Baka magkaproblema na naman yang binti mo.It's not fully recover.Ingatan mo yang sarili mo.Gusto mo bang magpahinga ka muna?"

"Pero coach kaya ko naman pong tumakbo.Kaya ko pong lumaban atsaka tuwing gabi lang naman kumikirot.Wala  problema doon."

Naramdaman ko ang paginit ng gilid ng mga mata ko.Sa mga oras na ito ay alam kong papatak na naman ang luha ko sa harap ni Coach Rion.

"Pero baka hindi mo makayanan.Tournament yon at mas matindi yon kesa sa mga sinasalihan nyo ni Xander.I know you really want that event pero kailangan mong alagaan ang sarili mo,lalo na ang mga binti mo."

Unti unti nang bumagsak ang mga luha na kanina pa namuo sa mga mata ko.Hindi ko alam ang sasabihin sakanya.Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon.

"Two freaking years,Ate Che!Two years  walang  training at hindi sumali sa laban tapos eto na naman?"naiiyak na sabi ko

Sobrang mahal ko ang sport na ito tapos pipigilan ako ng mismo kong Coach sa pangarap ko.Life is so unfair.Napakaunfair.

Lumabas na ako ng office nya.Hindi ko na kakayanin ang iba pa nyang sasabihin.Oo concern lang naman sya pero kailangan bang ganun?Apat na taon na ang nakaraan noong operahan ako.Bakit kasi may side effects iyon?Tang'na naman!

Khailey's POV

Sinasalubong ko ang bawat kaklase kong pumapasok ngayon sa classroom.Likeowemjii I'm in the mood today.Kaya wag nilang sisirain ang napakaganda kong araw.

"Clairee!!!!!!!"sigaw ko nang makita si Claire na pumasok sa kabilang pintuan.

"Ayan na naman sya.Jusko Khailey."aniya sabay baba ng kanyang bag sa upuan.

"Alam mo ba Claire,ang gwapo ni Gelo sa haircut nya.Hohoho.Tara labas tayo."hinila ko sya palabas ng room at tumambay sa corridor.

"Birthday ni Machel ngayon!Punta tayo doon sakanila."titignan ko lang si Gelo mga bes.

"Tara!Tara!"sabi ni Jashkim

Naglakad na kami papunta sa room nila  Machel.Syempre babatiin ko din sya kaya pumunta ako doon.Hindi lang naman si Gelo ang pinunta ko.Oha oha.

"Pwede bang mahiram muna si Khailey?Kakausapin ko lang."sabi ng babae sa likuran namin.

Hindi ko sya kilala pero sumama nalang ako baka importante ito.Mukha naman syang maayos at hindi mukhang adik.May mga tao kasing mukhang adik at gusgusin pero mabait pala.

Inabot nya sa akin ang brown envelope na hawak nya.

"Basahin mo yang mga nandyan pagkatapos ay iannounce mo sa 8-1."aniya.

Magtatanong pa sana ako pero umalis na kaagad sya.Hindi ko man lang natanong yung pangalan nya.Sayang maganda sya e.Tatanong ko lang kung anong beauty secret nya.

Amoxi's POV

P.E. namin ngayon dahil friday.Nandito ako ngayon sa locker para kunin ang uniform ko.

"Avis anong gagawin natin ngayon?"

"Aba malay ko.Tanong mo kay Sir Hanz"

Nangangalkal na sya sa locker nya habang ako ay bubuksan palang.Nagulat ako nang may bumagsak na isang maliit na box at sa loob ng locker ko ay may isang maliit na bouquet ng flowers.

"Ay kabog!Ano yan Amoxi?Swerte naman!Walang poreber!"rinig kong sabi ni Khailey na nangangalkal din sa locker nya na katabi ng locker ko.

Napatawa ako sa sinabi ni Khailey.Kahit kailan talaga itong babaeng to.Grabe talaga sya.May isang papel na nakaipit sa bouquet kaya naman kinuha ko iyon at binuksan.

Goodluck to your  tournament.Go Ramos!Laban lang!

-Stranger

Anong kabalbalan to?Kacornihan nga naman.But I appreciate it.Kahit sobrang sakit ng nangyari sakin ngayon,pinasaya pa din ako ng section namin.

Hell ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon