Chapter 1:8-1 classroom
Amoxi Ramos POV
"Ramos"pagtawag sa akin ni Ma'am Carmela.
"Po??"naiinis na tanong ko.Wala naman akong ginagawa eh.
"Maria Amoxicillin Ramos,mukhang lumilipad na naman ang utak mo."pabirong sabi ni Ma'am Carmela.Nagtawanan naman ang mga siraulo kong kaklase.
Punyeta naga-attendance pala si Ma'am.Pang-asar talaga nya yung pangalan ko sakin.Nakakabanas.
"Talaga naman itong si Maria Amoxicillin,ang daming iniisip.By the way,nasan na ba ako?"
"Nandyan"pabirong sagot namin
Nanahimik na ang lahat nang magdiscuss si Ma'am.She's our favorite teacher.Nakuha nya ang loob ng mga kaklase ko pati ako sa madaling panahon.Kilala si Ma'am dahil sa kanyang "Binibining Carmela Critical Lines"
"You may now have your lunch.Goodbye 8-1"pagpapaalam ni ma'am
"Goodbye Binibining Carmela."sabi naming lahat tsaka sya lumabas.
Nagsimula na ang ingay sa classroom namin.Daldalan dito daldalan doon.Sigaw dito sigaw doon.May kanya kanyang ginagawa yung mga kaklase ko.May mga sariling buhay yung iba.Naubos ang tao sa classroom.Not totally naubos,may iba namang hindi lumabas katulad ko na busy sa pagbuo nitong punyetang rubik's cube na ito.
Lumapit ako kay Avis para makipagkwentuhan dahil hindi din lumabas.Sya yung kaisa-isang bestfriend ko dito sa classroom.
"Avis ayan na mabubuo ko na sya!!Third layer nalang."sabi ko habang nakatingin sa Rubiks.
"Jusko Maria Amoxicillin!Adik na adik na kayo dyan."natatawang sabi nya.
Nakapoker face ko syang hinarap.Aba halatang nagpipigil sya ng tawa.Ang sama talaga nila sakin.Bakit ba kasi ganoon ang pangalan ko?Why mader?
"Joke lang naman."tumayo sya at inakabayan ako."Baka malagot ako kay Xander.Hindi na nga kita aasarin."
Ngumiti ako sakanya at nafocus muli sa rubiks.Two hours ko yata syang binuo.Hindi pa pala buo,iyong white,first and second layer lang.
"Amoxicillin!"rinig ko mula sa likod ko kaya lumingon ako.It's Wolf.Kahit kailan talaga napaka ng bwisit na yon.
"TUWANG TUWA KA TALAGA SA PANGALAN KO ANO?!PSH.MALASIN KA SANA NGAYON."Sigaw ko.
Tumatawa lang syang tumakbo.Nakakabanas talaga yung bwisit na yon.Kahit kailan talaga napakaano nya.Nakakainis sya.Kapag naman sya yung inaasar,napipikon agad sya.
"Nasan po si Xander at Amoxi?Pakisabi po na pinapatawag sila ni Coach Rion sa may field.After lunch po. "
May practice siguro kami.May tournament kasi next next week.
"Teka Avis,hahanapin ko muna si Xander.Baka pagalitan kami ni Coach"
"Sige.Kapag nakita mo sya nakita mo na rin yung poreber mo."pangaasar nya
"Walang ganun Avis."
Lumabas na ako at hinagilap si Xander.Nako talaga.Bakit kasi parehas pa kami ng sport?Ayoko talagang kasama yung bwisit na yon.
"Xander Ampalayo!"sigaw ko nang makita ko syang may kasamang babae.Aba lalaki na naman ulo nito panigurado.
"Wait lang ha---Bakit babe?"nakangising sabi nya.
"Babe mo mukha mo.Pinapatawag tayo ni Coach Rion sa may field.Ngayon na."
"Sa pagkakaalam ko ay after lunch pa daw."naningkit ang mga mata nya habang palapit ng palapit sakin.
"Tanga!N-ngayon na daw."
"Hindi kaya.Nako gusto mo lang ako masolo 'no?"
"Wow ha!Napaka-assuming mo talaga."inirapan ko sya at tumingin sa ibang direksyon.
"Ang gwapo ko talaga.Baka mamaya nahuhulog ka na.Sabihin mo lang sasaluhin naman kita kaya wag kang matakot"nakapamulsang sabi nya.
"Fuck you!"
Tinalikuran ko na sya at naglakad papunta sa field.Walang hiya talaga yon.
"Ganito ang schedule natin.6 am ang start natin hanggang 8 am.Then after class.Okay ba yon?"
"Yes po Coach."
"Sige.You can go back to your classroom."
Track N' Field player kami ni Xander.Isang magandang balita para sa amin ang maimbitahan sa isang tournament.Madaming nagoffer na mga schools dahil nakapasok kami noon sa national level kaso lang hindi kami nanalo but it's alright.Atleast nakapasok kami sa level na yon.Itong tournament lang ang tinanggap namin kesa naman lumipat pa kami ng ibang school.
"Xander kumain ka na ba?Aish!I'm hungry."nauuna na syang maglakad at nasa likod nya na ako kaya lumingon sya at ngumisi sakin.
"Okay kakain si Gamot.Let's go.What do you want?"hinila nya ako papuntang canteen.
Minsan may mga pagkakataong nagkakasundo kami.Pero syempre minsan lang yon.
Teka I will tell you about our room.This is the biggest room in Agapito University.Napakaespesyal ng room na ito pati na ang nagru-room dito which is kaming 8-1.Lahat ng wala sa ibang room ay meron kami like aircon,projector,flat screen television,at computer laboratory.Yes may computer laboratory kami dito.May isang pintuan sa likuran at kapag binuksan iyon ay computer lab na namin.All talented and intelligent students were here.Swetihan lang ang makapasok dito.But then hindi porket maginhawa ng buhay namin ay ganun na talaga.Nagkakamali ang mga ibang estudyante dun.Dahil once na mapunta ka sa section na ito para ka na ring napuntang impyerno.
Gabi na kaya nandito na ako sa dormitory ko.Dalawa kami dito sa dorm,ang isa ay si Abby.Nakaharap pa sya sa cellphone nya habang ako ay patulog na nang bigla syang nagsisisigaw.
"Hoy Abbygail Zianra!Ano ba yan?!Sigaw ka ng sigaw dyan."
"Be yung asawa ko.Wahh!Be ang gwapo nya!Omaygad Be!"aniya at gumulong gulong sa kama.
I'm their fan too but a silent one.Yung sinasabi nyang asawa ay asawa ko din.Mangaagaw sya.Psh.But I can share him to million girls in this world.Hay nako.
"Tumahimik ka nga dyan.Magwala ka kapag nakita mo na yung abs nya ng live."
Tinignan ko ang phone ko then boom.Biglang nag-alarm.This is the time.Jusko sana ligtas ako,sana ligtas kami.
"Abby tara na."
Nakuha nya agad ang sinabi ko kaya agad syang tumayo.Lumabas kami ng dormitory at pumunta sa room namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/96458912-288-k648226.jpg)
BINABASA MO ANG
Hell Classroom
Mystery / ThrillerAgapito University,isang unibersidad na maraming krimen na nagaganap.8-1 classroom,mga espesyal na estudyante lamang ang nandito.Masasayang estudyante na hindi kailan man makakamit ang kalayaan nila. Never trust anyone when the game begins.