Chapter 12:
Kanina ko pa hinahanap si Claire dahil pagkagising ko ay wala na sya.Kahit si Bianca at Rogenna ay wala pa ngayon.Maingay na dito at halatang lasing na ang mga kaklase ko.Biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin.Sa amoy palang ay kilala ko na agad.Pulang pula na sya at halatang lasing na lasing na.Nakaupo sya sa tabi ko ngayon.
"Jusko naman Xander.Anong oras ka ba nandito at lasing na lasing ka na!?"sigaw ko sakanya.
"Party ito kaya talagang malalasing ako.N-ngayon lang naman i-ito dahil nanalo a-ako.C-celebration lang Cillin"sya lang ang naglalakas loob na tawgin akong Cillin.Ayoko lang gamitin yung pangalan kong yon.
"Tama na.Lasing ka na,Xander."tumayo ako para akayin sya pero hinila naman nya ako pabalik
"Kung makaasta akala mo girlfriend.Bakit kasi ayaw mong magpaligaw?!"nakasimangot syang humarap sa akin.Pulang pula na sya at sobrang lasing na talaga.Lakas ng amats neto mamaya.
"Halika na nga!"
"Bakit ayaw mong sagutin yung tanong ko?"Oo jusko sige na aaminin ko.May gusto din ako sa taong 'to pero ayoko ng may commitment.Hindi pa ako handa sa mga ganung bagay.
"Tumigil ka Xander.Lakas na naman ng amats mo."
Umalis nalang agad ako.Hindi naman sya papaawat.Mabubwisit lang ako sa kakulitan nya.Bahala sya buhay nya.Naglibot-libot ako hanggang sa nangyari ang game.Nagtatago lang ako dahil hindi ko kayang marinig ang sigawan nila.Baka mamaya ay tumalsik pa ang dugo sa mukha ko.
Lalabas na sana ako nang biglang may dumaang tulis ng kutsilyo sa braso ko.Nanginginig ang buong katawan ko.Ni-hindi ko naramdaman na may tao sa likod ko.Mabilis ang pangyayari at puno ng dugo ang buong braso ko.Mahapdi rin at malaki ang sugat na natamo ko.Kailangan pa yata itong tahiin dahil mukhang malalim pero binalewala ko nang makita ko silang umiiyak.Punong puno ng dugo sa lapag at nagtitipon ang mga kaibigan ko sa isang lugar.Agad akong lumapit sakanila.
Rogenna..
Agad kong kinalong si Rogenna.Kahit na duguan ay niyakap ko sya.Wala nang buhay ng niyakap ko sya.Hindi na humihinga at sobrang dami ng sugat na natamo nya.
"Rogenna 'wag naman ganito.Oy gumising ka naman dyan"humahagulhol kong sabi
Hindi ko alam ang gagawin ko.Lahat kami ay nagiiyakan dito sa loob ng room.Hindi ko na kaya at hindi na ako makahinga.Sobrang hapdi na ng sugat ko.Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil biglang nagdilim ang lahat.
Naramdaman kong inihiga ako sa kama.I can't speak.Tikom ang bibig ko at naririnig ko silang nag-aalala sa akin.
"Hey Cillin..Cillin 'wag kang matutulog please."rinig kong sabi ni Xander.
"Cillin"
Nakita kong pumasok ang isang nurse at doctor.Unti unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa dahan-dahang bumaba ang talukap ng mata ko.
---
A/N
SO AYON SALAMAT PO SA 2.9K READS!!!!!!!!!NASHOOKT AKO NUNG NAKITA KONG GANON PALA KARAMI ANG NAGBABASA NITO.SALAMAT DIN SA MGA NAG-AADD NITO SA READING LIST NILA.MARAMING THANK YOU POOOO

BINABASA MO ANG
Hell Classroom
Mystery / ThrillerAgapito University,isang unibersidad na maraming krimen na nagaganap.8-1 classroom,mga espesyal na estudyante lamang ang nandito.Masasayang estudyante na hindi kailan man makakamit ang kalayaan nila. Never trust anyone when the game begins.