Chapter 11

121 8 2
                                    

Chapter 11:Panaginip

Amoxi's POV

"Ready ka na ba?Sigurado kang okay ka lang ha?"

"Okay lang po ako Coach.Don't worry."

Tumayo na ako at lumabas papuntang field.Sana mauwi ko ung gold medal.I can do it.Puwesto na ako sa number 1 at hinanda ang sarili.Kaya ko yan.Nagsimula na kami.Inikot ko ang buong paningin ko sa mga audience.Nakita ko kaagad si Gelo na seryosong nanonood.

Naalala ko tuloy nung anniversary...

"Hey!Amoxi,saan ka pupunta?"aniya at hinila ang braso ko.

"Bakit ba?May kailangan akong gawin.Wag ka nga munang sumunod."

"No.Ano ba yung gagawin mo?Mag-stay ka muna dapat doon sa loob kasi ang taas ng lagnat mo."

"I don't care."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.Kailangan kong kunin ang baril ko.May pinaplano sya e.At pipigilan ko yun.Isang malakas na putok ng baril ang narinig namin nang malapit na kami sa locker room.

"Shit."

Tumakbo na ako papunta sa locker.Nakasunod parin sya sa akin.Pero may dugo,dugo na nanggagaling sa kaliwang tuhod nya.Napailing nalang ako atsaka inalalayan syang makaupo sa upuan dito.

"Sinabi ko na kasing wag kang sumunod!Napakakulit e."

Kinuha ko ang emergency kit sa locker ko at isang towel.Ginupit ko muna ang tela na nakabalot sa tuhod nya.

"Bakit ka ba sunod ng sunod?"

"I just want to talk to you."

"Ano ba yun?"

Patuloy pa din ang pagdaloy ng dugo sa tuhod nya.Ininject ko muna ung antibiotic at yung anesthesia sakanya.Tsaka ko tinanggal ang bala na nasa tuhod nya.

"I..."

"Bilisan mo namang magsalita.Pautal-utal ka e."

"Can..."

"Can what?"

Natapos ko nang tapalan ang sugat nya pero hindi pa din sya makapagsalita ng maayos.Masasapak ko to.

"I don't waste my time for someone kaya magsalita ka na at sabihin mo yung sasabihin mo."

"Can...Can I court you Amoxi Ramos?"

"No."

Kinuha ko na ang baril ko at umalis na ako sa harapan nya.Hindi pwedeng ganun.Hindi kami talo.

"Hihintayin ko yung sagot mo.Yung totoong sagot mo at hindi padalos dalos."

Mas binilisan ko pa ang takbo ko.Ilang hakbang lang ang pagitan namin ng nauuna kong kalaban.Konti nalang at malapit na ang finish line.Unti-unti akong nauuna kesa sa kalaban ko.Sa huli ay naabot ko ang finish line.Mygadh.Nakakapagod.

Siguro nagtaka kayo kung bakit nakakalaban ako sa ganito?Pwede naman kasing lumabas ng AU pero siguraduhin mong babalik ka dahil kung hindi ay papatayin ka nila.

Nakamit ko ang gold medal pero ang kalayaan namin hindi pa.Sobrang hirap kalimutan ng mga sinabi sa akin ni Rogenna.Lalo na ngayon dahil alam kong may mamamatay na naman.

8:00 pm na nang makarating kami sa AU dahil sobrang traffic.Pinagpahinga muna kami ni Ate Che dahil mamaya pa naman ang Bloody party.Nang makarating ako sa dormitoryo namin ay agad ko iyong binuksan at ibinagsak ang sarili sa kama.Tulog si Claire ngayon kaya matutulog nalang din ako.
-----
📎📎
Tumatakbo ako sa isang iskenitang hindi ko alam kung saan papunta.Umuulan at masyadong malabo ang nakikita ko.Sa dulo ng iskenitang ito ay may nakatayong lalaki na nagaabang.Sya yung lalaking nakita namin noong Anniversary.Yung lalaking nakahoodie at mask.

Mas binilisan ko pa ang takbo para makita ko kung sino sya.Nang papalapit na ako ay agad syang tumakbo palayo.

"Sandali lang!"sigaw ko.Naaninag ko syang tumigil at lumingon sa akin.Malabo at hindi ko masyadong makita ang mukha nya."Sino ka?"

Narinig ko ang putok ng baril kaya napabalikwas ako at agad na tumayo.

Panaginip lang?Pero sino yun?Malabo ang pangyayarin iyon pero parang may pinaparating sa akin.Siguro dahil lang sa pagiisip ko sa lalaking iyon..Tumingin ako sa orasan at 9 pm na ng gabi.Agad akong nagayos para sa bloody party.

Hell ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon