Chapter 7

164 19 0
                                        

Chapter 7:Meeting

Someone's POV

Magaganap na naman mamayang gabi ang madugong paglalaro.Sino naman kaya ang mapapatay ko?The last time na ginawa namin ito ay nakalima ako.Madami-dami din.Sorry nalang sakanila dahil kailangan kong gawin ito.

"So ikaw nga yung pumapatay?Why?"nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

I know it's Amoxi.Unti-unti nya nang nalalaman ang sikreto namin.Well hindi rin naman magtatagal ay hahawak sya ng armas at isa sa mga pumapatay.Mauutusan din sya katulad namin.

"Ano naman sayo Amoxi?"balik na tanong ko sakanya.

"Why?Masama yang ginagawa nyo."aniya.

"Alam ko yun"sabi ko habang inaayos ang mga gagamitin ko mamaya.

Amoxi,marami ka pang hindi alam.Wala pa sa kalahati ang nalalaman mo.Kaya wag mo kaming husgahan.

Hindi ko naman gagawin to kung hindi ako inutusan e.Pero unti unti ay nasasanay na rin ako.Unti-unti kong nasasanay ang sarili ko dito..

"Hindi nyo ba alam na nahihirapan na kami?Hindi nyo ba alam na sobrang sakit sa pakiramdam na bawat linggo na dadaan ay may mga namamatay?Hindi ba kayo naaawa sa amin?Inintindi nyo lang ang sarili nyo."

"Trying to be a superhero,Amoxi.Kung hindi ka makikialam,hindi ka din mahihirapan.Alam mo yan!Kung hindi ka nakialam at isinantabi mo ang curiousity mo ay walang mangyayaring ganito.Wala kang mararamdaman na kahit ano."

"Pero hindi ito tama."

"Ano naman sayo?Ayaw mo talagang makinig sa iba.Gusto mo sarili mo lang papakinggan mo."

"Stop it!I will know the truth.Just wait."

"Abbygail Zianra.Ask her."

Huling katagang sinabi ko saka umalis sa harap nya.Kung iyan ang gusto nya,tutulungan ko sya.Dahil ako mismo ay ayoko sa lugar at buhay na ginagalawan ko sa ngayon.

Amoxi's POV

Nagkakagulo ang lahat nang pumasok ako sa room.Malapit na ang uwian kaya napakaingay na naman ng room namin.Hinanap ko agad si Abby para magtanong.

"Abby magusap tayo."

"Naguusap naman na tayo ngayon e."

"Yung walang makakarinig."

Tumango lang sya.Lumipat kami sa likuran kung saan wala masyadong tao dahil nakafocus lahat sa laro ng volleyball.

"Abby yung totoo."

"Anong totoo?Sabog ka ba?"

"You know what I'm saying."sabi ko saka sya inirapan

"Okay fine.Pero wag mong sasabihin kahit kanino."aniya at huminga ng malalim.Tinanguan ko lang sya bilang tugon

"Mr.Marquez is here for the chip.You know what's Agharta?Or I should say hollow Earth?Yung chip na hinahanap nila ay isa sa mga requirements para makapunta sa Agharta.Tago ito sa atin dahil sobrang taas ng level ng technology nila doon.Ayaw nila itong ipaalam dahil gusto nilang sa kanila lang yung mga perang nakukuha doon. Bilyon-bilyon ang perang nilalabas doon.Kaya may pinapatay dahil binubuksan nila ang mga katawan nito.Hahalukayin nila ang katawan natin."

"Sino naman yung pumapatay?"

"Hindi ko alam.Walang nakakaalam.Basta bigla bigla nalang silang maguustos at kapag hindi mo iyon sinunod,ikaw ang mamamatay."

"Wazzup?Nandyan na si Sir."singit ni Jessa

Bumalik na kaagad si Abby sa tamang pwesto nya.

"Hindi lahat ng nalaman mo ay totoo."bulong sa akin ni Jessa.

Hindi ko sya pinansin at bumalik na ulit sa pwesto ko.

Tama si Jessa,hindi lahat ng nalalaman ko ay totoo.May mga mali din dito at marami sa amin ang walang alam at hindi nangingialam.Paniniwalaan ko ba 'to?Hindi ko alam.Sobrang gulo.

Avis POV

Nasa faculty room kaming mga SSG members kasama ang mga teachers.May meeting kami para sa Anniversary ng school.

"Our plan is all students will participate.Walang exempted.The theme is black.Parang JS-Prom itong event natin ngayon.All suits and gowns are black.For the food,magkakaroon nalang tayo ng contribution.Any suggestions from you Angelo?"

"Sir pano po ung event ng 8-1?Kasabay nun yung anniversary."

"Yes.Pansamantala nating ititigil yon."

"Sir saan po ang venue kung lahat ng student dito sa school ay kasali?I suggest na sa ground nalang.Dahil napakadami ng students dito."ani ni Samantha na katabi ko

"Well I'll talk to our principal.Sabi nya kasi ay sa room nalang ng 8-1.But it's a nice suggestion."

Nakinig nalang kami sa iba pang discussion nya.Kung ano ang mga gagawin namin at kung kailan dapat ito tapusin.Natapat saming SSG ang designs and lights.Madali lang ito kumpara sa mga inassign sa mga teachers.

Bumalik na kami sa classroom.Naguumpisa nang maglesson si Teacher Marie nung pumasok kami.Malapit na ang uwian.Konting pahinga tapos balik ulit dito sa room.Kailan kaya ito matatapos?

Nang maguwian ay nakita ko si Bianca na nagmamadaling lumabas.Pumunta sya sa locker room.Inabangan ko syang lumabas pero hindi ko sya nakita hanggang sa ayain na ako ni Sam na pumunta sa dorm namin.Gusto ko sanang sumaglit sa locker room para tignan si Bianca pero hinila na ako ni Sam.

Hell ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon