Halik

4 0 0
                                    

Isang napakadiin, napakainit, napakatahimik, ngunit napaka tamis na halik ang aking nararamdaman ngayon.

Isang halik na parang ayoko nang matapos. Halik na ngayon ko lang natikman sa tanan ng aking buhay. Ang puso ko'y napaka bilis nang tibok na parang mga kabayong nagkakarera sa pabilisan ng takbuhan.

Pero habang tumatagal, parang palamig na nang palamig, paingay nang paingay, papait nang papait.

Gusto ko nang matapos.

Minulat ko ang aking mata at tiningnan ang lalaking humahagkan sakin at ang nakita ko ay...

Isang kalansay?



"ARGH!!!" napabalikwas ako sa higaan.

Panaginip na naman pala.

-_-

Gabi gabi nalang akong nakakapanaginip ng ganito. Di ko maintindihan. Napakalabo.

Panaginip nga ba o bangungot?


Napatingin ako sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng mesa na katabi ng aking kama.

Jusme! 6:30 na pala! Napahaba ang tulog ko!

May usapan kasi kami ni Brandon na magkikita kami ng alas sais ng hapon. Di ko namalayan ang oras.

Nang makabangon ako sa aking kinahihigaan, agad akong naligo at nagbihis. Isang bughaw na bistidang hanggang tuhod ang aking isinuot at tinernohan ko ito ng puting sandals.

"Pwede na." bati ko sa aking sarili sa harap ng salamin.

Paglabas ko ng bahay, agad agad akong tumakbo. Di alintana na nakasuot ako ng bistida, dahil ang iniisip ko ngayon, late na ko sa tagpuan namin ni Brandon. Ngayong araw ng linggo ko pa naman siya sasagutin.

Mahigit isang taon na siyang nanliligaw sa akin. Nagsimula iyon nung magkita kami nung umuwi ako sa probinsya namin sa Baguio. At nang makauwi ako dito sa Manila, nakita ko ulit siya. Ang sabi niya, bakasyunista lang siya sa Baguio at dito talaga sa Manila nakatira.

Naniniwala rin kasi ako sa "Soulmates".

Maaaring pinagtagpo lang talaga kami ng tadhana.


Limang minuto, walang mintis. Natatanaw ko na si Brandon na nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga at payapang nag aabang sa akin na ngayon ay lumalakad papalapit sakanya.

"Brandon, sorry." sabi ko sabay yuko.

"Ayos lang. Kararating ko lang din." tugon ni Brandon, at tumayo naman siya.

"Ahh.... May sasabihin kasi ako sayo." nauutal kong sabi.

"Jenny.. Mahal kita." inunahan ako ni Brandon, nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang katagang yun, dahilan para mapa angat ang tingin ko sakanya.

Pag angat ko ng aking ulo, di sinasadyang nag tama ang bibig ko sa labi niya.

At, nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinalikan.

Palalim ng palalim.

Napapikit nalang ako.

Pero di ko maintindihan kung bakit,

kung bakit parang pamilyar ang mga halik na iyun.

Pero sa 18 years ng aking buhay ngayon lang ako nakahalik ng isang lalaki.

Napaidtad nalang ako ng bigla akong makaramdam ng paso.

Oo, para akong napaso ng apoy.

HalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon