Chapter 15

72 2 0
                                    

Chapter 15

Summer's P.O.V

Nandito pa din kami ni Luke sa loob ng mall at hindi ko alam anong balak niya, hawak niya pa rin ang kamay ko at wala ata itong balak bitawan, busy siyang nakikipagtext at sa pagkakaalam ko si Jace ang kausap ne'to sa text dahil nakikita ko naman ang pangalan.

Hindi ko nakikita kung ano ang pinag - uusapan nila pero alam ni Luke na kanina pa ako sumisilip pero hindi niya naman ito nilalayo.

Nang tumigil siyang magtext dumaan kami sa isang stall ng damit at bumanda kami sa men's wear. Kumuha ito ng dalawang t - shirt at sa tingin ko hindi na niya pinili iyon kasi hinablot niya na lang kaagad at pumunta sa counter.

Nilabas niya ang wallet niya at nagbayad, ang yaman talaga. Hindi naman sa nalulula ako may kaya naman kami pero hindi ako pinapahawak ng ganoong kalaking pera, kung meron man nasa bangko yung akin.

"Sabi ko pala sa condo tuloy natin." He informed me.

"Wala akong dalang damit—"

"Meron ka na doon, that's ours and I bought some stock of clothes for you if ever na doon ang tuloy natin." What the hell?!

"So matutulog na naman tayo sa iisang kama-" Pinutol niya na naman uli ang tanong ko.

"I told you, I won't ever sleep on the sofa Summer."

"Bakit nga pal—"

"Gagabihin tayong uuwi, we'll go to one of your friend's club." He explained.

"Huh club? 18 and above lang ang pwede doon at anong gagawin natin doon hah?!"

"Its Gabe's birthday, Raph's brother at nandoon lahat ng kaibigan mo pwera lang kay Daezen."

"Bakit hindi pumunta si Daezen?" I asked.

"Simply because Dad doesn't want her to go. Dad still treats her like a baby girl."

"Eh bakit si Reese?"

"Rade's invited, sabay silang uuwi."

"Eh ba't hindi mo isabay si Daezen?"

"You're asking too many questions Summer. Malalaman mo rin pagkapunta natin doon."

Ayan na naman yung period niya, kung ako nga once a month lang magka - period at one week lang siya isang buwan ata nagkakaroon. Dinaig pa ako, ang daling makulitan, mainis at mapikon.

Ang sarap nalang iwanan minsan eh— ay hindi lang pala minsan, lagi. Gusto ko na ngang gawin 'yun kaso sa lagay na 'to mukhang hindi pwede. Ayaw niyang pinakapakawalan ang kamay ko at mas mahigpit pa 'to kaysa sa posas na ginamit sa amin nila Daezen para magbati. Oo ang corny man pakinggan pero walang halong biro ang sinasabi ko.

Pumunta kami sa gift wrapping section para siguro ipabalot 'yong regalo niya sa kuya ni Raph, kaya pala siya bumili ng t - shirt at humablot lang ng kahit ano na hindi man lang tinitignan ang presyo.

Naghintay kami ng fifteen minutes dahil may iba pang nakapila bukod sa amin, pagkatapos naman namin magpabalot ay dumiretso na kami sa parking lot.

Pumunta na kami kung saan naka - park ang kotse niya, agad niya naman ginawa ang trabaho niya which is ang pagbuksan lagi ako ng pinto. Nang makapasok na siya ay inilagay niya sa backseat ang dala namin, kasama na rin doon si Judy at Nick na parang nakaupo rin.

"Ba't ang aga ata ng party?" Tanong ko dahil 4:30 PM pa lang naman ng hapon.

"Daan muna ako sa bahay, I forgot my guitar. Tutogtog pala kami, but yeah we have to go early 'cause we didn't do rehearsals yet." Tumango naman ako at pinaandar niya na ang kotse sa direksyon papunta ng bahay nila.

Let's PretendWhere stories live. Discover now