Chapter 24

36 3 0
                                    

Chapter 24

Summer's P.O.V

"Hindi."

Hanggang ngayon tumatatak pa rin sa isip ko 'yong sagot ni Luke. Hindi ko alam kung sino sumagi sa isip niya, pero posibleng ako 'yon, o ako talaga ako 'yon? Pero nasabi niya na 'yong three words, bakit ako 'yon?

Mahal ko na ba talaga siya? No— Naguguluhan pa ako, pero nasabi ko na sa kaniya. Matapos ang sagot na iyon ay nanatili na akong tahimik, natigil na din ang laro dahil masyado na raw personal ang tanong sabi ni Luke kaya sumang - ayon ang iba.

Nandito pa rin kami, ang mga boys maingay pa rin kasali si Daezen, Raph at Xyriel.

"That was like, 2 years ago?" Patuloy na paliwanag ni Rade sa kanila.

"Bakit hindi ko alam na they have a picture like that?! Grade 8 ba 'to?" Nagtatawanan pa rin ang mga boys, dahil daw doon sa picture ni Rade at Eron na naka - titanic pose na hawak ngayon ni Daezen.

"Dare lang 'yan! Damn, gaganti ako sa'yo Sean." Pagbabanta ni Eron.

"I'll just fix some things in my room, so that it'll be ready kapag mag - sleep na." Tumayo na si Reese, tumango lang ang iba, ang iba hindi na napansin kaya tumayo na rin ako.

"Sasama na rin ako, tutulong ako." Ngumiti ako, saka sumunod kay Reese na nasa pinto na.

"Summer, you don't have to. Stay here." Sabi- no, parang utos nga eh, ni Luke.

"Its okay Luke, I'll help Reese." Sa huli ay tumango na lang siya dahil alam niya na magpipilit pa rin ako. "C'mon?"

Lumabas na kami, nauuna si Reese sa paglalakad kaya medyo binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya.

"Awkward ka kanina, after the game." Simula niya.

"Nakaka - out of place lang. Hindi ko kasi alam pinag - uusapan nila."

"You have ears, I'm sure you can hear them 'bout the picture. Who wouldn't laugh diba?" She chuckled.

"Wala lang siguro ako sa mood." Binuksan niya na ang pinto ng kwarto nila?

Pumasok na kami sa loob saka niya binuksan ang ilaw, ako naman ay sinara ang pinto.

"You used to share a room with Daezen?" Natanong ko bigla sa kaniya, bungad kasi ang dalawang king size bed.

Tumango naman siya. "I'm sure you'll be surprised too, kung sasabihin ko na Kuya Rade and Luke used to share a room too."

"What?! Really? Close ba sila dati?" Habang nag aayos kami ng unan at bed sheets ay nagkukwentuhan kami.

"Yup, I remember it clearly. There's this time when we we're kids, napilayan si kuya so Luke has to watch over him the whole time. Umabot pa sa point na he's feeding him." She let out a laugh, "The good old days."

Wow, I really can't believe that. So they were close, like really close before. Ano nangyari bakit bigla na lang nawala?

"I can't imagine Luke that clingy, tipong sinusubuan?" I laughed.

"Marami pa silang moments, I just didn't witnessed yung iba. But we got pictures right here." Inabot niya sa akin ang isang photo album. Hindi pa naman ganoon kaluma ang dating, pero lukot na ang gilid ng pages. "Wait not that, here."

Nakita ko ang isang picture ng dalawang lalaking bata, of course Luke and Rade na magkaakbay at nakangiti.

"Cute." Marami pang pictures na iba at tumawa lang ako ng tumawa. May picture pa nga si Luke at Rade na magkasama at walang diaper kaya agad namin na nilagpasan. Nagtawanan na lang kami sa iba, ang close talaga nila. Ano kaya talagang nangyari?

"I hope bumalik na closeness nila." Bigla kong nasabi kaya binigyan ako ni Reese ng tingin.

"Nothing's impossible, pero hindi na ata possible 'yon." Bumuntong hininga siya.

"What exactly happened?"

"I don't have the rights to explain it to you Summer, alam ko lang ang nangyari but I think, hindi ako ang dapat magsabi." Tumango na lang ako sa sinabi niya, ganoon ba kalalim ang sugat para magtagal yung gap nilang magpinsan?

"Summer please be careful with Luke, I'm not sure with his plans but don't ever fall for him. At least not now." Magsasalita pa sana ako nang may tatlong katok kaming narinig. Ako na mismo ang nagbukas noon, at bumungad sa akin si Luke.

"Tapos na kayo?" I slowly nodded my head. "Paalam ka muna kay Reese, I need some time with my girl."

Hinarap ko naman si Reese na ngayon ay nakaupo sa kaniyang kama.

"Reese, labas lang kami ni Luke." Hindi ko na nahintay yung sasabihin niya man lang dahil agad na akong hinila ni Luke. "Saan tayo pupunta?"

"Sa likod." Saka kami bumaba ng hagdan at pumunta sa likod ng bahay kung saan ginanap ang party at kung saan ang swimming pool. Nanatili siyang nakatayo, ako naman ay umupo sa isa sa mga bench.

"Ano sinabi ni Reese sa'yo?"

"Huh?" Nagulat naman ako sa tanong niya. "Wala naman siyang sinabi, but she showed me your baby pictures."

"Just mine?"

"Hindi, yung iba kanila tapos yung iba kasama mo si Rade. Madalas yung picture na ganoon." Pagkatapos kong sinagot 'yon nanatili kaming tahimik. Awkward ba 'yong sagot ko? Dapat ba hindi ko na lang sinabi na pinakita nga ni Reese 'yon?

"Ah sorry, ako rin naman kasi nacuriou—" Pinutol niya naman sasabihin ko.

"No, no its okay. Halos lahat naman ng tao alam na close kami ni Rade noong bata." Tumalikod siya saka ko narinig ang isang mabigat na buntong hininga. Gusto kong magtanong, ano bang nangyari? Kaso pag kay Luke, pinagmumukha ka niya na walang karapatan kaya wala akong nagawa kun'di ang tumango na lang.

"Di mo naman ako masisisi Sum, kung nainggit ako. I know I'm fvcking immature. Nang medyo nagkaisip na kami, nakikita ko si Rade na sinasama ni Lolo sa mga construction sites kahit di pwede, ipipilit niya cause he thinks Rade will be good at handling the business. I let that passed, that's okay." Nagulat ako sa ine - explain niya ngayon sa akin, hindi ko expect na mangyayari 'to.

"Kung pinalagpas mo, bakit gan'to pa rin?" I asked.

"Kasi meron pang sumunod, noong nag grade 7 kami, siya yung lumaban sa lahat ng math contest —Pero sa isip ko dapat ako, mataas naman grades ko sa Math. I remained 97, pero siya napili." Tinignan niya ako ng direkta sa mata. "Pinalagpas ko ulit 'yon, pero ramdam ko na ang pagkakalayo ng loob namin sa isa't isa. Isa lang talaga ang hindi ko pinalagpas, 'yun ang magustuhan siya ng babaeng una kong nagustuhan." Woah, who the hell is that girl?

"Sino naman?"

"Cyan, pero hindi niya muna niligawan. He tried hitting some other girls na inaagaw ko ang atensyon. When finally his eyes spotted Cyan, my life became bullsht. So I tried, napunta siya sa akin pero hindi ko ramdam yung saya niya sa akin, alam ko na si Rade pa rin gusto niya. Fck life!" Lumapit siya sa akin saka hinawakan kamay ko. "But I don't care, I have you now."

"Luke bakit mo pala inexplain sa akin?"

"Because you have the rights, you're my girlfriend. Seriously." Hanggang ngayon speechless pa rin ako sa nangyari, inexplain niya sa akin. Sinabi niya na may karapatan ako, but this is Luke's side I have to hear Rade's, pero does it matter? Kuntento na ako dapat dahil nalaman ko na ang dahilan, pero pakiramdam ko may kulang.

"Promise me you'll never leave me because of my cousin, damn I'm tired of people leaving just because Rade's better than me."

**
a/n: hi hehe, medyo buang lang update pero meron pa din

Let's PretendWhere stories live. Discover now