Chapter 18

77 3 4
                                    

Chapter 18

Summer's P.O.V

Nagsimula na ang first subject sa hapon dahil katatapos lang din ng lunch time, sa ngayon binigyan kami ng by pair na activity- or project na ipa - pass sa Friday dahil sa Friday pa naman ang next sched namin sa ESP.

"Kayo na bahala kung sino kapartner niyo, pero one girl at one boy dapat ang magka - partner." Pagkasabi ni ma'am iyon agad akong nakarinig ng tilian galing sa mga babae.

"Oh my gosh! Sana si Eron piliin ako sheez!"

"Si Sean or Aedan? Kahit sino sa kanila!"

"Sayang wala si Luke." Napalingon naman ako sa nagsabi noon, isa iyon sa mga social climber na kaklase ko na puno ng make up sa mukha.

"Gaga! Sa tingin mo pipiliin ka noon? Nandyan yung girlfriend!" Pambasag trip ng katabi niya kaya tumawa naman ako ng mahina.

"Sana may himala tapos piliin ako ni Rade kaso wala naman siyang pake sa mundo eh." Ramdam ko ang lungkot ng babae na nagsabi niyan sa likuran ko. Hanep sila, ang lakas ng tama nila sa magto - tropa.

Pero inisip ko ang sarili ko, sino kapartner ko? Wala si Luke at wala naman akong lalaking ka - close sa loob ng classroom namin. Pwede bang mag - individual na lang? Or—

"Do you have a partner already?" Napatingala naman ako at tumama ang mata ko sa titig ni Rade sa akin.

"Wala pa, uhm ikaw?" Sinagot naman niya ako ng iling.

"Can I sit here?" Itinuro niya yung upuan sa tabi ko, which is upuan ni Raph na may kapartner na rin kaya tumango ako.

"Do you wanna use power point or cartolina?" Simula niya sa pag - uusap namin.

"Ikaw ba? Kung saan ka komportable- I mean kung saan ka mas nadadalian."

"Okay, we'll use power point." Tumango naman ako.

"Uhm- what's your dream job ba? May naisip ka na ba?" Tanong ko sa kaniya, tungkol kasi doon yung report namin sa ESP, kung anong track at pangarap mo sa buhay- at kung ano - ano pa.

"Engineer, Civil to be exact." Tumango naman ako, mukhang easy lang naman yung sa amin dahil pareho na STEM ang kukuhanin namin pagdating ng Senior High School.

Habang siya naman ay nakikinig lang sa sinasabi ni ma'am, ako naman ay nagt - take down ng notes tungkol doon. Kung paano ba namin gagawin yung report- or project? Basta.

Habang nagsusulat ako naramdaman ko naman 'yong titig niya. Ayan na naman ang malamig na titig niya, bakit ba ganoon ang kanyang presensiya? Naaapektuhan pati tuloy ako, naalala ko noong unang araw niya kami nakita ni Luke ganoon din ang titig niya. Hindi sa nakakatakot pero- iyong mga mata na parang inoobserbahan ang lahat?

"So where do you want to do this, uhm- project?" Pagbasag niya ng awkward silence- sa akin lang pala.

"Sa inyo na lang? Baka kasi hindi mo alam ang sa amin, mahirapan ka pa." Ngumiti naman ako, nakapunta na kasi ako sa bahay nila Reese kaya alam ko ang bahay nila, kaso minsan lang talaga kami dumadagsa doon.

"Okay, when?"

"Bukas? Shorten period rin naman."

"Sorry, we'll have our meeting in our basketb-"

"Can you speak tagalog? Hehe, its not that I can't understand you but I'm more comfortable when its Tagalog." Kumunot naman ang noo niya, para bang kinukwestyon niya kung sino ba ako para utusan siya na magsalita sa Tagalog? Pero sa huli mukhang napapayag ko naman ito.

Let's PretendWhere stories live. Discover now