Chapter 23

42 3 0
                                    

Chapter 23

Summer's P.O.V

Nang makarating ako doon ay nahagip agad ng mata ko si Luke na nakatingin sa iisang direksyon, na 'yon nama'y sinundan ko. Nakita ko ang magkausap ni si Cyan at Rade, matalim ang tingin ni Luke sa kanila pero kung titignan mo ay mukhang komportable silang magkausap. Naalala ko tuloy noong nakita ko sila sa isang room, kung saan mukhang nagmamakaawa si Cyan.

Napailing na lang ako sa isip ko para matigilan ang pag - iisip ko ng ganoon. Lumapit na lang ako kay Luke, wala naman siyang kausap hah? Ano ba ang pinagsasabi ng Serveza na 'yon?

"Luke." Tawag ko sa kaniyang atensyon na mukhang nasa kanila pa rin. Agad niya akong nilingon saka nag - try ngumiti.

"Ah, nand'yan ka na pala. Let's go?" Tumango ako bilang sagot.

"Nasaan na pala si Daezen?"

"Sumabay siya sa van nila Rade. Matatagalan pa n'yan sila bago makarating doon. Rade's talking with Cyan." May tono siyang pagkainis sa bandang huli ngunit hinayaan ko 'yon.

"May handaan ba?"

"Yup, sa bahay nila Lola."

Tumango naman ako, nandoon kaya ang lola niya? Pati mommy ni Rade? Sigurado naman ako na nandoon ang mommy nila, party ni Rade 'yon.

"Buti at sa bahay ng lola mo? May handaan agad?"

Liniko muna ni Luke ang sasakyan saka pa lang sinagot ang tanong ko.

"Dad and Tita decided that we should celebrate it whether we won or not." Pagkatapos noon ay nagkibit balikat siya. I'm amaze how supportive they are, konti na lang at hihilingin ko na sana ay kamag - anak ko na lang sila.

Napailing naman ako sa naisip ko, ang sumagi sa isip ko ay 'yong magiging asawa ko si Luke. Aish! Kung bakit ko ba kasi naisip 'yon?

"Hindi ba nakakahiya na mauna tayo doon?"

"Nope, bakit nakakahiya? Sa bahay naman ni Lola."

Nang makarating na kami doon, binuksan na agad yung gate para mapasok 'yong sasakyan ni Luke. Malayo pa ang bahay sa mismong gate pero bumaba na rin kami matapos i - park ni Luke ang sasakyan.

I've been here, pero minsan hindi ko talaga masabi na bahay 'to dahil mansyon ang laki nito. Kung malaki na ang bahay nila Luke, mas malaki 'to. Kung sabagay ay nakwento sa akin ni Daezen na dito rin sila lumaki, bumukod lang sila noong umalis na rin sila Reese sa bahay kaya ang lola na lang nila ang nakatira dito at iilang katulong.

Pagkapasok doon, dumiretso na kami sa kusina at sakto nandoon ang daddy at mommy ni Luke.

"Dad, where's lola?"

"Oh, she's probably upstairs, may kinuha siguro."

"Oh okay." Pagkatapos noong usapan nila ay lumapit ako sa nakatatanda para magmano.

"Oh, Summer? Long time no see. Hindi na kayo masyadong pumupunta sa bahay." Sambit ng mommy ni Luke.

"Busy po kasi, magfa - finals na po."

"By the way, I still didn't tell you formally. Mom, dad this is Summer. My girlfriend." Luke smiled.

"We know son, kamusta naman 'tong anak ko? Nakakasakal ba?" Tumawa naman ang daddy ni Luke.

"Hindi naman po, lagi lang po may period."

"What? Me? Period?" Kontra ni Luke.

"Pagpasensyahan mo na 'yang panganay namin, mas spoiled pa 'yan kay Daezen." Buking sa kaniya ng mommy niya.

Let's PretendWhere stories live. Discover now