Chapter 10

68 1 0
                                    

Chapter 10

Summer's P.O.V

"Argh, hindi man lang siya nag - abala mag - text noong weekends? Tapos ngayon wala pa rin text kung bati na talaga kami. Tsk, Luke." I hissed and rolled my eyes, on the way na kami sa school. Medyo male - late pa nga ako dahil may hinintay pa ako kanina eh.

Bakit ko pa ba kasi hinintay yung text ni Luke? Asa pa akong ite - text ako noon, pero anong gusto niya? Ako 'yung manunuyo sa kaniya? Wow, big time hah? Swerte niya. Ang nakakainis pa doon, pati weekends wala man lang text, ni - 'hi' o 'ho' man lang will do para malaman ko naman kung magpapansinan kami ngayon.

I shook my head and sighed, bahala siya. Hindi ko rin siya papansinin, this time seryoso na talaga yung inis ko sa kaniya. I mean, wala na naman sa akin yung hindi niya pag - text na hindi niya ako mahahatid pero yung sinabi niya pa rin naman kay Rade yung tumatak sa akin. Hindi niya naman kailangan sabihin 'yun, argh.

One word to describe him? Nakakastress. Sobrang nakakastress siya, hindi ko na minsan ma - gets ugali ng lalaking 'yon. Minsan parang siya pa yung babae sa amin dahil sa sobrang sungit niya, parang may dalaw o kaya dinaig pa.

Pag naman ako nagsusungit, nagsusungit din. Tsk, pinagsisihan ko na talaga mag - cutting noong math time. Dapat talaga hindi na lang ako tinamad mag - solve noon eh, sana hindi ko siya boyfriend ngayon diba? Wala sana akong pino - problemang gan'tong mga bagay. Bwisit.

Huwag ko na nga lang siya iisipin buong maghapon, and 'wag pansinin. 'Yun lang naman gagawin mo Summer, you can do it. Fighting!

Nang nag - park si manong sa parking area bumaba na ako at saka na dumiretso sa classroom. Buti na lang at wala pa si ma'am kun'di detention. Ang strict kasi, hindi naman dati kami gan'to eh kun'di lang sa mga kaibigan ni Luke, lagi kasing late mga 'yon minsan nga hindi na pumapasok.

Wait, bakit si Luke na naman? Alisin mo nga siya sa utak mo Summer. Think of happy things, walang eepal. Deep sigh, focus.

"Good morning class." Bati ni Mrs. Del Fierro, kaya tumayo kami lahat at bumati pabalik, napatingin naman siya sa mga empty seats kung saan nakaupo ang mga magugulo. "I see na walang manggugulo sa atin ngayon." She nodded her head and looked at Rade "Any idea Mr. Lim?" Rade just shrugged his shoulders instead of replying.

"Well, let's get started then." Nilabas na ni Mrs. Del Fierro yung lesson plan niya at book niya "Open your book on page 167." Tumingin naman ako sa tabi ko na bakanteng upuan, so wala talaga siyang balak pumasok?

Nang matapos na ang dalawang subjects namin, naging vacant time yung pangatlong subject namin which is Filipino. Nag - judge daw si ma'am sa kabilang school. Sighs, tinignan ko yung phone ko to check if there's any texts or calls.

Wala.

Kinalma ko yung sarili ko baka kasi sa sobrang inis ko sa lalaking 'yun mapag - buntungan ko ng galit sa iba. I shook my head, makikisali na lang ako sa usapan nila Daezen na kanina pa nag - iingay.

"Reese tell me na kasi, who's that guy? Pleaseeee!" Sa itsura naman ni Reese mukhang natatawa na siya sa mukha ni Daezen, ang epic rin kasi.

"Ssshhh." Saka ngumisi si Reese.

"Madaya ka naman eh." Daezen pouted. "Bakit yung sa akin kinu - kwento ko naman?" Sagot ulit ni Daezen, at dahil hindi ko alam pinagsasabi nila, pumunta ako sa tabi ni Xyriel.

"Bakit ginugulo ni Daezen si Reese?" Tanong ko kay Xyriel habang kumakain siya ng Lays.

"May nagte - text daw kasi kay Reese, tapos nabasa ni Daezen yung isang text noong guy kay Reese. Sweet daw pero walang pangalan yung nag - text." Napatango naman ako, kaya naman pala.

Let's PretendWhere stories live. Discover now