Chapter 26

42 3 0
                                    

Chapter 26

Summer's P.O.V

"Sorry talaga."

"Okay lang, lunch na tayo?" Tumango naman sa kaniya.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, pinagsalikop niya daliri namin. Lagi naman namin ginagawa 'to, pero bakit parang iba ngayon? Kailangan masanay na ako sa mga ginagawa niyang gan'to.

"Sino sino pupunta mamaya?" Tumingin naman ako sa kaniya, naghihintay ng sagot.

"Your friends, saka kuya ni Raph." Kung sabagay ay kanila bar sila tutugtog. Kaya sigurado lang na nandoon si Raph at ang kuya niya.

"Uhm, hintayin ko na lang mga post niyo sa Facebook saka pictures niyo." Gusto ko pa din kasi makita performance nila, magaling silang banda. Kung ngang seseryosohin nila 'yon ay baka sumikat pa sila lalo.

"Papa - video ko kay Daezen." Sagot niya.

Nang makapasok na kami sa cafeteria ay sumalubong sa amin ang table nilang magkakaibigan, 'yon nga lang wala si Rade at Eron. Pero hindi naman kami umuupo doon, hiwalay yung amin kaya nagulat ako nang umupo kami doon.

"Luke, tapos na 'yong listahan ng kanta." Tumango lang si Luke sa sinabi ni Jace.

"Kumain na kayo?"

"Oo, hindi na namin nahintay kayong dalawa ni Rade. Si Eron nga umalis na."

Sa mga gan'tong sitwasyon, out of place ako dahil wala akong alam sa pinag - uusapan nila kaya nanatili akong tahimik noong kumakain. Pagkatapos ko naman, gustuhin ko man pumunta sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko kaso 'tong kamay ko naman ay hawak ni Luke.

"May girlfriend na pala si Tyeder eh." Pag iiba ng topic ni Angelo.

"Nakita mo rin yung profile picture niya?" Natatawang sabi ni Sean, nahagip ko naman na kumunot ang noo ni Luke dahil sa pinag uusapan nila.

"Hoy, patingin naman. Maganda ba?" Agad tanong ni Aedan sa kanila.

"Pwede na, kaso walang nakatag na pangalan." Kibit balikat ni Sean.

"Baka hindi niya girlfriend, nakipicture lang." Luke chuckled na pati ako nadamay kaya napangisi ako.

"Hindi nga dude, nakaakbay siya eh." Saka pinakita ni Jace 'yong picture gamit phone ni Angelo. Inabot naman ni Luke 'yun saka tinignan ang picture. Dahil katabi niya lang ako ay nahagip ng mata ko 'yung picture, pero sandali lang 'yun dahil agad binalik ni Luke yung phone kay Angelo.

"Oh dude? Bakit nag iba mood mo? Hindi mo ba matanggap na maganda naging girlfriend ni Serveza?" Saka tumawa si Aedan, hindi lang pala siya kun'di silang lahat.

Kun'di pa nag ring ang bell ay baka hindi pa natapos 'yung usapan tungkol sa girlfriend ni Tyeder. Bakit ba problema nila kung may girlfriend na 'yung tao, may itsura naman si Tyeder sadyang para sa akin ay iba lang ugali niya.

Nang makabalik ako sa classroom ay nandoon na mga kaibigan ko, umupo na ako sa pwesto ko. Wala pa naman yung teacher namin- sheez oo nga pala iba ang seating arrangement sa subject na susunod.

Malapit na mag time kaya nagpalitan na ng pwesto, agad naman dumating ang teacher at nagsimula ng magdiscuss.

"Ma'am sorry I'm late." Napagawi naman ako sa dumating, at si Rade 'yon. Akala ko ay mabibigyan siya ng detention slip pero hindi kaya nagpatuloy na lang siya at umupo sa tabi ko. Siya kasi ang katabi sa subject na 'to.

Let's PretendWhere stories live. Discover now