Chapter 14

61 2 0
                                    

Chapter 14

Summer's P.O.V

Naguguluhan pa rin ako sa nangyari kahapon, nag - sorry si Luke.

I repeat.

Nag - sorry si Luke Ethan Lim, binaba niya yung pride niya. Totoo kaya 'yun? O baka naman pinakilig niya lang talaga ako? Argh— anong kilig?! Hindi dapat ako kiligin doon kasi nagpapanggap kami, wala lahat.

"You're not my fake girlfriend, you're my girlfriend."

Nag - echo sa utak ko yung sinabi niya, this time napaisip ako. Totoo kaya 'yun? Totoo na kami? Totoo na relasyon namin? Paano?

Mahal niya na ba ako?- Ay ano daw Summer?! Ano bang pinag - iisip mo? Malamang hindi, ginawa niya 'yun dahil nandoon mga kaibigan niyo, kumbaga palabas niya lang 'yun.

Sabadong umaga si Luke agad iniisip ko, paano na lang sa mga susunod na araw? Siya na lang ba lagi? Argh, you can't fall for him Summer. Delikado at imposible.

Imposible na saluhin ka niya.

Napa - iling ako sa mga pinag - iisip ko, hindi dapat 'to iniisip ko. Wala naman siya sa akin dati ah? Tho, oo napahiya ako sa kaniya noong grade 7 pero matagal na 'yun! Wala na sa akin 'yon kaso sa simpleng paghila niya sa akin nagulo lahat.

Lahat, pati pag - iisip ko lalong gumulo. Nakakabaliw na, nababaliw na akong sa isang araw hindi siya pwedeng sumagi sa isip ko at doon na siya buong araw.

Napabuntong hininga ako.

Yung first kiss ko napunta sa kaniya, ang promise ko pa naman sa unang lalaking mamahalin ko ibibigay 'yun, bakit niya ba kasi ginawa 'yun? He could just shut me up in a proper way hindi "in a sexy way".

What the hell am I thinking?!

Na sexy siya humalik ganoon?! Erase, erase! Nasobrahan ka lang sa pagbabasa ng romance Sum, pero hindi ka naman ganoon mag - isip. Masyado ka pang bata at hindi naman mangyayari 'to kung hindi ka napasama dyan kay Luke Ethan.

Napalo ko ang noo ko dahil sa mga pinag - iisip ko ngayon, umagang - umaga iyon ang iniisip ko, ni hindi pa nga ako nag - breakfast siya agad.  Hanggang kailan eepekto sa akin 'to?

Nasisiraan na ako ng bait dahil sa kaniya, at dahil dun ginulo ko pa ang buhok ko. Nakakainis naman, bumaba ako para makapag - breakfast na, gutom na rin ako at nagc - crave na ako sa koko krunch.

Kinuha ko yung box ng Koko Krunch saka naglagay sa bowl at nilagyan ng gatas. Inilagay ko na 'yon sa mesa saka na ako nagsimulang kumain.

Nagulat naman ako nang makita ko iyong kapatid ko papunta sa akin at mukhang masaya pa.

"Ate Dale, kuya Luke is here!" Halos mabuga ko yung nasa bibig ko na Koko Krunch dahil sa sinabi niya.

Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga?! Napaka - imposible talaga ng lalaking iyon, narinig ko naman na bumukas ang pinto at inuluwa ang nag - iisang Luke Ethan.

"Why are you here? Ang aga - aga Luke Ethan." I unconsciously rolled my eyes na ikinatawa niya ng mahina.

"I told you yestereday that I'll pick you up today." He simply said. "You forgot?"

"I thought you were just out of your mind that time." Sagot ko naman.

I heard him hissed saka umupo sa harapan ko, sinasalo ng kamay niya ang baba niya at simpleng nakatitig sa akin.

Nakakalunod.

Napailing naman ako doon at ipinagpatuloy na lang ang pagkain kahit na hindi ako komportable sa titig niya.

Let's PretendWhere stories live. Discover now