Chapter 16

53 2 2
                                    

Chapter 16

Summer's P.O.V

Pagkatapos noon ay pumunta ako sa direksyon nila Raph, mukhang papatayo rin sila kaya agad akong nagmadali baka maiwan man ako kung saan sila pupunta. Nang makasabay na ako sa kanila, umakyat kami sa taas kung saan kami lang ang pwede dahil ito ang mala - VIP Area ng Club.

Bumungad sa amin ang malaking flat screen TV at tatlong mahahabang sofa. Mukhang entertainment room, iyon nga lang maliit 'to kumpara sa gan'to nila Daezen.

"Call of Duty dali!" Aya ni Xyriel at hinablot kay Raph iyon.

"Alam mo ilagay?" Tanong ni Raph habang nakataas ang kanyang kanang kilay.

"Oo, kaso saan ba dito?" Napailing na lang si Raph at nginisian 'tong si Xyriel, kinuha niya ang Call of Duty kay Xyriel at sinimulan ng laruin 'to.

"Sinong mauuna?" Sigaw ni Raph, mukhang soundproof naman tong kwarto na 'to kaya siguro kahit mag - ingay ay pwede.

"Ako!" Sigaw ni Xyriel.

"Tsk, baka mag - suicide ka lang."

"Aba, hoy wala kang tiwala sa akin? Sinong kasama mo magsimula grade 3 hah?!"

Umiling na lang ako, sanay na ako sa gan'yang bangayan ng dalawa, kahit na sila lagi ang dalawang magkasama dahil sa kalokohan na ginagawa nila ay nagbabangayan pa rin sila at hindi sila titigil hanggang walang aawat.

Lumipat ako ng upuan sa dulo dahil wala ako sa mood makihalubilo ngayon sa kanila kahit paborito ko pang laro 'yang nasa screen ngayon.

Narinig ko ang tawanan nila at ang pag sigaw na nag - suicide daw 'tong si Xyriel. Wala na naman kasing bago, tumawa ako sa isip ko.

Tumingin ako sa bintana sa labas, biglang pumasok sa isip ko kung ano kaya iyong pinag - uusapan ni Luke at Cyan. Ayaw ko manghimasok kung ano man ang meron sa kanila, pero mukhang wala na naman namamagitan sa kanila dahil sa inaasal ni Luke.

Dahil kami?— Pero dati pa silang wala. Argh- bakit ba pumasok sa utak ko 'to? Hindi ko dapat iniisip 'to, diba nga wala akong karapatan malaman ang lahat tungkol kay Luke, ang dahilan nga bakit sila naging ganoon  ni Rade ay ayaw niyang sabihin sa akin, iyon pa kayang relasyon ng ex - girlfriend niya?

Pero meron kang karapatan magtanong Summer, totoo na ang relasyon niyo.

Pero hindi ko sineseryoso yung mga sinasabi ni Luke, dahil hindi ko alam kung sincere ba siya doon at ayaw ko siyang pangunahan sa lahat ng bagay.

Napabuntong hininga ako, bakit niya ba ginagawa 'yun? Bakit sa lahat ng pwedeng maging girlfriend niya ako pa? Saka bakit noong una ang sabi niya hindi kami totoo? Ang hirap basahin ng utak niya, pati buong pagkatao niya.

Yung tipong aalamin mo kung ano ang iniisip niya habang tinititigan siya pero nalulunod ka lang sa mga titig niya?— Summer, kahit anong mangyari kailangan mong pigilan ang sarili mo, dahil sa mga inaasal niya mukhang isa lang naman ang intensyon niya.

Iyon ay ang mahulog ako.

"Mind sharing what's going on your mind?" Nabigla naman ako sa isang malamig na boses na nagsalita. Hindi ko siguro siya napansin na umupo sa tabi ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.

"Ah- wala 'yun. Nagpapahangin lang." Lame excuse, sinong maniniwala sa pinagsasabi mo Summer?

"Yeah, its quite peaceful in here." Hindi ko alam kung namimilosopo ba siya o ano, pero bawat bagay na lalabas sa bibig niya ang cool tignan.

Let's PretendWhere stories live. Discover now