Chapter 4 - Focus

276 24 2
                                    

Jasper


"Ako?"

"Hindi kami..."

Ah nag-jojoke si Nova... at least meron siyang common sense hindi tulad ni gangster girl na ewan. Pero nalaman kong kinuha ang bestfriend ko dahil sa akin. Kasi parang napagkamalan akong isang Spy... Hehehe... matutuwa sana ako pero na-kidnap ang bestfriend ko dahil sa pagkakamaling iyon. Ako? Spy? Parang isang biro lang ito pero hindi...

Binatokan ni Nica si Nova... Hindi talaga niya magets ang pagiging sarkastic na uso naman ngayon sa panahong ito.

"Ano bang pinagsasabi nyo? Na ako, Spy... nananaginip ba ako?"

Binatokan naman ako ni Nica...

"Hindi!" at tumawa siya... "Hindi ka nananaginip!"

Joke ba iyon? Pero sige na nga kasi minsan lang siya tumawa... Haaaay... ang ganda pala niya. Pero FOCUS!!! Kailangan kong magfocus at sumabay muna sa trip ng mga babaeng to para iligtas ang bestfriend ko.

"Okay magseryoso na nga tayo!" - Nova.

"Tayo?" - Nica

"Hindi Kami lang... dahil kami lang naman ang nandito," - ako

"Nandito rin kaya ako ah! Baliw!" - Nica

Hindi pa rin ma-gets ni Nica pero pinabayaan nalang namin siya sa kanyang katangahan. Grabe saang lupalop ba siya nanggaling at hindi niya makuha ang simpleng joke ko.

"Mahirap na baka madali pa si Jasper..." - Nova.

"Kailangan talaga nating pag-isipan ang mga gagawin. May mga armas ako sa kotse." - Nica

"Good." - Nova

Ako? Madadali? Nino? Nakakatakot naman sila... Armas? Bakit may armas pang kasama sa plano... Pero sumama nalang ako sa kanila dahil wala naman talaga akong magawa. Kasi nga daw hindi safe ang buhay ko dito sa school. Kanina nga daw ay may gustong lumason sa akin... Kaya niya inagaw ang kinakain ko kanina...

Para silang pupunta sa digmaan dahil sa dami ng armas na nakita ko sa likod ng kotse ni Nica... Mga armas dito sa loob ng capus? I saw some other weapos like grenades, flashbangs, and a bazooka. Pero meron siyang special compartment na pinagtataguan niya ng kanyang mga baril. Ibig sabihin ba nito ay... Mga Spy silang dalawa? Tsss... Hindi ko inisip na mga spy sila... ang isa gangster na tanga at ang isa naman ay sexy na warfreak.

Eh di pwede rin akong maging spy... Hahaha... I'm more qualified than this two.

Pero sa dinami-dami ng baril ay mga kutsilyo lang ang kinuha nila. Nagtitipid ba sila sa bala? Meron rin naman akong alam sa mga baril kahit papaano dahil babad kami ni Sid kung maglaro ng Call of Duty.

"Huwag mong gagalawin ang mga baril ko!"

Hinahawakan ko lang naman ah. Hindi pa kasi ako nakakahawak ng tunay na baril sa totoong buhay.

"Kaya nga panay kutsilyo lang ang kinukuha ko eh dahil parang mga anak na ang turing niya sa mga iyan!" - Nova

"Your safety is still my priority! Kaya umayos ka!" - Nica with glare. Hahaha...

Hindi nalang ako umimik dahil parang galit na ata siya eh. Si Nova naman panay ang ngiti habang pinapagalitan ako. Umupo ako sa harap at katabi ko si Nica na nagmamaneho. Ang bilis naman niyang mag-drive nagmamadali ba siya?

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon