Chapter 10 - Meltdown

145 15 2
                                    

Nica's POV

Pinahanap ni Mrs. Mendoza ang mga taong kumidnap sa bestfriend ni Jasper.

"From now on I'll be the one leading this team," sabi niya sa amin.

Walang masyadong information tungkol sa mama ni Jasper but Chief sent me infos through my phone.

Name: Natalia Kursikov

A.K.A: Alice Moonstar, Natalia Branch, Louise Kursikov

Age: 34

Sex: F

Status: Dead

Background: Double Agent working for CIA, ex-KGB assassin, and a liason in a special branch of MI6. A specialist in long ranged weapons and a master of several ancient martial arts. No other information about her is known.

Siya rin si Mrs. Louise Mendoza and she's Jasper's mom... Nakakatakot siya kahit tignan mo lang.

“You!” sabay turo sa akin. “You stay here with Jasper!”

Hmmmmm... Alone with him again??? Pero this is my mission kaya kailangan kong sumunod and Jasper is my priority.

Kung maka-utos naman ay parang si Chief lang. Teka what could he be doing?

Ian’s POV (Chief)

“Aaaaaahhhhhh!” napasigaw nalang kami ni Ben nang tumalon kami mula sa third floor ng mansion ni Obama sa Hawaii. He’s bodyguards are all over and I think both my legs were broken.

“Bilis takbo!!!!!!” sabi ni Ben na may hawak na isang envelop.

I felt young again kapag kasama ko si Ben.

Bang... Bang... Bang...

Ratatat... tatat... tatat...

Bang... Bang... Bang...

Pinaulanan na kami ng bala ng mahigit sampung tauhan sa villa na iyon.

I really don’t know what he’s up to pero stealing from the president of the United States is the worst idea of all.

Nakasakay na kami sa getaway vehicle namin... isang garbage truck.

“I think I should drive.”

“Hindi pwede...” sabi pa niya.

Hinahabol pa talaga kami ng mga bodyguards. They’re tough and they know what they are doing. They have the number, the vehicles, and most of all the high powered guns.

“Damn!!!” sabi pa nya nang hindi mag-start ang truck.

“Shit! I’m doomed!!!”

Bakit pa ba ako sumama sa taong ito! We’re dead. Nang malapit na ang dalawang itim na van sa direksyon namin saka naman umandar ang truck. Haaaaaayyyyy...

I THINK I’LL STILL LIVE FOR A FEW MINUTES MORE.

 Jasper

Hindi ko talaga inaakala na ang kinikilala kong mahinhin na mama ay isa palang mabagsik na assassin. Iyon ang nalaman ko mula kay Nova pero sikreto lang iyon kasi PAPATAYIN daw siya ni mama.

Nalocate na nga pala nila ang babaeng tumawag kanina. Nasa likod lang pala iyon ng school namin... Haaaayyy... At umalis na sila kaya naiwan na naman kami ni Nica.

Oh... marami kasi akong naiisip kapag kaming dalawa lang ang naiiwan. Tsk...

*flashback*

“Sinadya ko talaga ‘yong  nangyari kanina...”

“Ha? Anong sinadya mo?” tanong ko kay Nova habang kinakalikot ang monitor ng laptop upang i-trace ang tawag kanina.

“Asus! Kunwari ka pa eh napayakap ka kay Nica diba?”

*end of flashback*

Napayakap ka kay Nica...

Napayakap ka kay Nica...

...yakap kay NICA...

...yakap kay NICA...

Kay Nica...

Nica...

Nica...

Nababaliw na ba ako? Bakit ko  ba naiisip ang mga bagay na ito? Hindi kaya...

Tugtug.. tugtug.. tugtug.. (tagalog for lubdub)

Tugudog... tugudog... tugudog!!!! Palakas pa ng palakas.

Hindi ko agad namalayan na malapit na pala si Nica sa kinakatayuan ko. Hindi na ako makagalaw...

“Hoy!” sabi niya.

Hindi rin ako nakakapagsalita kahit pilitin ko. Ano ba ‘to?

“May sakit ka ba?”

Sabay hawak sa noo ko at ikinumpara sa ulo niya. Ang init ng kamay niya... grabe...

“N-Nica...” at parang mahihimatay na ako.

Ganito lang siguro ako ka-torpe...

Mahihimatay na talaga ako dahil parang umiikot ang paligid ko... dumilim na ang paligid...

Pero naramdaman kong sinalo niya ako at niyakap...

“Hoy! Don’t you dare!”

Iyon na ang pinakahuling narinig ko mula sa kanya.

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon