Chapter 14 - Package

164 12 3
                                    

Jasper’s POV

“Ah Mr. Jasper Mendoza... you’ve been absent for 3 days without an explanation.”

“Sir nagkasakit pala ang kaibigan ko.”

“Isidro! Hindi ikaw ang tinatanong ko. He’s on the verge of lossing his scholarship and I want to know why he’s been missing my quizzes.”

Hindi nalang ako nagsalita. Ako nagkasakit? that explains why I’m at the hospital earlier.

“Okay this is your chance to redeem your grades. The last time we had a quiz you got an average score and now that we’re here in the finals I’m pretty sure you’ll fail if you will not get perfect in this exam.”

Then he walked back and forth. Then he gave the examinations. Sabi ni Sid midterm examinations daw kaya kailangan kong galingan dahil nakasalalay dito ang scholarship ko.

The things I’ve learned about myself so far:

1. Ako si Jasper Mendoza

2. Isa akong scholar sa Jacksonville University

3. Magaling akong sumagot ng exams

Natapos ko kasi agad ang exam ni Mr. Bubbles... iyon ang pangalang ng professor namin. I have thoughts of killing him after this class... Isa kaya akong kriminal? Para kasing alam na alam ko kung paano siya patayin.

Lumabas ako agad pagkatapos ng exam. Umupo muna ako sa isang bench habang nagkakape. Hindi ko alam basta gusto kong magkape kaya bumili ako sa canteen.

“Kuya?” sabi ng isang babae.

“Ha?” napalingon ako sa kanya.

“Akala ko ba magkasama kayo nina mama at papa?”

So ibig sabihin meron rin pala akong pamilya. Pero bakit wala talaga akong maalala?

“Nauna na akong umuwi,” sabi ko sa kanya. “Exams rin kasi.”

“Ah sige... ang seryoso mo ata ah,” sabi niya at umalis na rin. “Goodluck sa exams mo.”

Paano kaya ako napunta sa ospital? At sino kaya ang babaeng iyon? Medyo kumalma ako dahil sa kapeng ito. Hindi ko mapigilang magkape na naman kaya bumili pa ako ng isa at bumalik sa bench.

“Hindi pa kami nakakabawi sa iyo,” sabi ng isang matabang lalaki.

“Asan na ang ipinagmamalaki mong girlfriend,” sabi naman ng isa.

Ibig sabihin meron rin akong girlfriend. Hindi ko nalang sila pinansin.

“Aba matapang ka na ngayon ah!” sabi ng isa pa nilang kasama sabay suntok. Mabilis ko naman itong nailagan. Hindi ko alam pero parang nakikita ko ang bawat galaw nila kahit pa hindi ko naman sila tinitignan.

Sabay-sabay umatake ang tatlo habang nakaupo pa ako... Pero masyado silang mabagal. Inisip ko namang huwag nang lumaban pero talagang mapilit sila. Galing sa magkabilang bahagi ang kanilang pag-atake kaya minabuti ko nalang na salagin ang atake ng isa habang umiiwas naman sa isa.

Hinawi ko ang suntok ng matabang lalaki sabay suntok sa kanyang leeg. I have to do this quick and quietly. Napatumba ko siya agad sa isang suntok lang. Mabilis ko ring inikutan at binali ang kamay ng isa pagkatapos ay siniko ang kanyang batok. Hindi naman niya inasahan ang suntok ko sa kanyang sikmura kaya napaluhod ito.

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon