Prologue - Spy

1.1K 30 31
                                    

Jasper's POV

"At dumating ka rin!" sabi ni Jack.

Si Cong. Jack Medina, mataba, kalbo, at ang kilalang smugler dito sa bansa natin. Hindi ko siya halos makita dahil sa dilim ng warehouse na pinasukan ko.

May biglang bumatok sa akin pero hindi ako pwedeng lumaban. Hawak kasi nila sina Ana at ang bespren kong si Sid. Kahit ilang suntok ay kaya kong tanggapin.

"Akala mo hindi namin alam! We have people everywhere Jasper! We know that you are a Secret Agent!"

At alam na nila ang sekreto ko! I have to make sure na hindi nila sasaktan sina Ana at Sid kaya sumunod pa rin ako sa mga kondisyon nila. Mas magiging madali sana ang rescue mission na ito kung dala ko ang baril ko.

"Nakakatuwa naman kayo!"

Pinilit kong magsalita kahit hirap na akong kumilos dahil sa pambubugbog. At kasama pa niya ang kanyang anak na si Robin. Mga anim silang lahat na may hawak na mga baril. Tumindi ang galit ko nang makita ko sina Ana at Sid na nakagapos sa isang upuan.

"Hawak ko rin naman ang pera ninyo!" sabi ko sa kanila.

"Anong sabi mo? Hindi mo kami maloloko!"

"Pwes i-check mo ang account mo. So anong mahalaga? Sila o ang pera?"

Dali-dali niyang tinignan ang kanilang account sa kanyang cellphone. At zero ang balance nito. Alam ko dahil kinuha ko na iyon. Kita ko ang inis sa kanyang pangit  na mukha.

"Nasa kotse lang lahat ng pera ninyo na naka park sa labas."

Kaya hindi na sila nagsalita at tumakbo papunta sa kotse. Grabe talaga ang pagkagahaman nila sa pera. Ako rin ay tumakbo sa kinaroroonan nila Ana.

"Jasper may bomba silang iniwan dito," sabi ni Ana.

"I know..." mahinahon kong sabi.

Mabilis na humarorot ang kotse papalayo pero sumabog ito sa di kalayuan.

"Kasi inilipat ko ang bomba sa sakyan kasama ang lahat ng pera nila," sabi ko habang kinakalagan ko sila.

Niyakap ako ni Ana, at ito na ang moment na pinakahihintay ko.

"Jasper..."

"Ana..."

Nagkatinginan kami at dahan dahang lumapit ang mukha namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Nakakaakit ang kanyang mga mata at gusto kong halikan ang kanyang mga labi. Matagal ko na rin kasing crush si Ana. Hindi ko lang ito masabi sa kanya dahil...

*kring... kring... kring...

kring... kring... kring...

kring... kring... kring...*

Pagkatapos ay biglang lumindol at nayanig ang buong paligid.

"KUYA GISING!!! Hoy! Late ka na oh!"

"NOOOoooooo... Hiiiinnnnndddiiiiiii....."

Inalog-alog pa niya ako! Grabe! Panaginip lang pala? Sayang bakit pa kasi ang tagal ko siyang hinalikan. Nagising akong nakayakap pa rin sa unan na para bang hinahalikan ko ito. Si Ana naging unan? Ang sama talaga ng kapatid ko! Aisssshhhhhhhh....

"Nananaginip ka na naman eh!" sabi ni Steph, ang kapatid ko na panira ng moment!

"Late ka na oh!"

Alas OTSO  na! Late na ako sa klase ko!!! Huhuhuhu... Exam nga pala ngayon!

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon