Chapter 8 - Proposals

187 16 0
                                    

Jasper

Wala talaga akong maalala sa mga nangyari kanina. Nagising nalang ako sa kwarto ng kapatid kong si Steph. Hmmmm... sa totoo lang ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya... hihihi... Mahilig rin pala siya sa Doraemon... Eoooooowww!!!

Teka? si Nica? Ano na kayang nangyayari sa babaeng iyon? Kaya nagmadali hanapin siya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang protektahan eh kaya naman niya ang sarili.
.
.
.
.
Masaya ako dahil nakakausap rin pala ng matino si Nica kahit papaano. Paminsan-minsan ay nagiging babae rin pala siya. Astig diba? Halaaaaaa... kwarto ko pala 'to! Maganda pala talaga si Nica kapag - nakapout, may sakit, hindi nagsusuklay, at nagsusungit.

Haaaay...

Focus! dapat hindi ako madedistract sa kanya. Tssss... Ano ba kasi ang trip at napakabait niya ngayon.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo... Marami akong benda sa katawan pero ayos lang talaga ako."

Hindi ko alam kung sarcastic Joke iyon kaya napatawa ako... Haha... Tama hind nga pala siya marunong magbiro... tssss...

Pagkatapos ay napansin din niya ang benda ko sa kamay. Hindi ko alam kung bakit ako merong ganito eh... Baka nga pinagdiskitahan ng bakulaw na iyon ang kamay ko.

Masaya na sa ang kwentuhan namin ni Nica nang biglang bumukas ang pinto at nitulak at napadiin kay Nica.

"Ay sorry, babalik na lang ako mamaya." sabi ni Nova at isinara uli ang pinto.

Pero huli na ang lahat dahil napayakap ako kay Nica nang hindi sinasadya. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin... Para akong nanlamig at pilit ko mang kumilos ay hindi ko talaga maigalaw ang mga kamay ko. Nanlalamig ako at parang nakukuryente at the same time... AWKWARD MOMENT.

Nakakatakot kasi baka mapatay ako ni Nica nang wala sa oras. Hindi naman siya katualad ng ibang mga babae na nakilala ko. Siya ang tipong papatayin ka kapag meron kang nagawang mali. Katulad ng ginagawa ko ngayon... Halaaaa... HOY KAMAY KUMALAS KA NA!!!

"Papatayin na talaga kita!"

Akalo ko ay katapusan ko na nang kumuha siya ng kutsilyo mula sa kanyang paa. Pero lumabas lang si Nica sa pinto para habulin si Nova.

Nova

Talagang sinadya kong buksan ang pinto nang marinig ko silang nag-uusap malapit sa pinto... at hehehe... TAGUMPAY!

"Ay sorry, babalik na lang ako mamaya."

*evil smile*

Kailangang tumakas dahil alam kong susundan ako ni Nica at baka this time mapatay pa niya ako. TAKBO... hehehehehehe...

*blag... togshh!*

Shit! Hindi ko alam kung sinong haharang-harang sa dinadaanan ko.

"Ano na namang kalokohan 'to?" - mama ni Jasper

Bakit ang lakas niya! Napaupo ako sa sahig nang nagkabanggaan kami. Pe....pero siya? Para siyang pader at nakatayo lang.

"Papattttaaaayyyyyiiiiinnnn ki-..." - Nica tumatakbo na may hawak na kutsilyo na biglang natigilan

Nakakatakot naman talaga ang mama ni Jasper kahit nga si Nica ay parang nanginginig sa takot eh. Hihihihi... 'di biro may hawak na siyang kutsilyo ngayon...

Ben's POV


Pinuntahan ko muna ang namumuno sa NICA.

"Benjamin Reyes what brings you here in my office," sabi niya.

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon