Chapter 18 - Awake

152 20 4
                                    

Nica:

What am I doing? Hindi ko talaga maiwasang mag-alala sa lalaking ito. He saved my life at ngayon siya naman ang nasa kritikal na kalagayan dahil sa mga tests na ginagawa sa kanya. Nakita ko ang dinanas ng katawan ni Jasper dahil sa mga tests na iyon and now he’s just peacefully sleeping.

Bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya? Ito na kaya ang tinatawag nilang pag-ibig? No! Ano ba ang iniisip ko! I’ll just stay beside him until he recovers. Nagpaiwan sina Nova at Yuri sa bansa… si Yuri nga pala ang isa pang kinontrata upang protektahan si Jasper.

“Nica?” bigla na lang may tumawag sa akin. Hindi ko napansing hinahawakan ko na naman pala ang mga kamay ni Jasper kaya nabitawan ko ito agad dahil sa gulat. Kilala ko ang boses na iyon…

“Chief?”

Ang Chief ng NICA ay nandito rin pala sa States?

“Are you alright?” tanong niya sa akin. Sabi nila si Chief Ian Lee daw ay ang isa sa pinakamagaling na spy ng NICA at hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.

“Yeah, I’m fine,” sagot ko naman.

“Parang ilang gabi ka nang walag tulog ah!” sabi niya sa akin.

“At ilang Linggo ka na rin atang walang ligo,” sabi ko naman sa kanya. Ako lang daw ang nakakapagsabi sa kanya ng ganun sa buong ahensya. Napangiti lang siya sa sinabi ko habang inaamoy ang kanyang damit. Para ko na kasing tunay na ama si Chief dahil siya na ang nag-alaga sa akin simula noong bata pa ako.

“Point taken,” sabi niya. “Basta bantayan mong maigi ang subject natin ha. Maliligo muna ako.”

Dumating naman sa kanyang likuran si master Ben na humahangos pa.

“Jasper?” sabi nito pero pinigilan si ni Chief na lumapit.

“Maligo ka muna!” at hinila na ni Chief si master. “He’s just fine.”

“No!” nagpupumiglas pa si master pero tuluyan na siyang di pinalapit ni Chief. Bakit ba ang baho nilang dalawa? Hindi pa nga umaalis ang baho dito sa kwarto kaya binuksan ko muna ang mga bintana para naman pumasok ang sariwang hangin. Iba talaga ang hangin dito sa States… pero ang lamig. Ganito daw kasi dito kapag malapit na ang winter.

Ano na kaya ang ginagawa nina Nova doon sa Pilipinas. Limang araw na pala kaming nandito at hindi pa rin nagigising si Jasper. I hope maalala pa niya ako paggising niya. Sabi kasi ng doctor niya na merong posibilidad na magka-amnesia si Jasper but we’ve taken that posibility just to save his life.

 

Ian Lee:

Masaya akong makitang ligtas si Nica kasama si Jasper. Matagal ko nang hindi nakikita ang anak ko. I’ve never been a good father to her… instead of keeping her safe and letting have an ordinary life I personally trained her to be just like me - A spy.

Ginawa ko lang naman ‘yon to protect her from this world. Pwede ko naman siyang iwanan sa isang malayong lugar para mamuhay ng tahimik at ligtas pero pinili ko pa rin ang ganitong buhay. I want her beside me… I want to protect her but instead pinapadala ko siya sa mga mahihirap at delikadong misyon.

Am I really that cold? Nabuhay si Nica na walang kinikilalang mga magulang. Pero siya ay anak namin ng isa pang spy… and I’m also protecting Nica from her. Matagal na niya akong pinaghahanap and going this far in the United States would alert her. She’s the director of the MI-6 and I know that her influence will reach this far. Alam kong sa mga oras na ‘to ay kumikilos na rin siya para kunin ang anak niya. So the odds of going back to the Philippines safe is getting smaller.

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon