Chapter 12 - Amnesia

139 12 1
                                    

Nica’s POV

Tatlong araw na pala siyang tulog and I hope that he’s just fine. Hindi pa alam ng kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya and I was ordered not to tell them. Nag-aalala na talaga ako sa kalagayan ni Jasper. He’s getting worse... Magigising pa kaya siya?

“Matulog ka muna,” sabi ni Nova.

“Sige mamaya na.”

“Kung minsan naiisip kong may gusto ka na sa lalaking iyan,” at nagsimula na naman siya.

“At sinong magbabantay sa kanya? Ikaw? Baka pag natulog ako eh patayin mo siya.”

“Tss... Bahala ka nga! Ang sabihin mo hindi mo gusto na sa paggising niya ako ang unang makita niya. Dahil baka magkagusto pa siya sa akin.”

Pagkatapos ay umalis na rin siya. Talagang mapapatay ko siya kapag nagpatuloy pa siya sa kanyang pinagsasabi.

“Saan ka naman pupunta?”

“Magpapahangin lang,” at umalis na rin siya. Hindi ko namamalayan na 1:00 AM na pala. Kung si Jasper tatlong araw nang natutulog ako naman ay tatlong araw na ring gising.

 

Jasper

Sino ako? Bakit ako nandito? Nagising ako nang may narinig akong naglalakad. Nakita ko ang isang babae sa tabi ko na natutulog. Sino kaya siya? Umaga na pala at maaliwalas na ang paligid. Wala talaga akong maalala kung sino talaga ako at anong ginagawa ko dito sa ospital.

Pagkatapos ay namalayan kung meron talagang mga taong papalapit sa kwarto at mayamaya ay dahan-dahan nilang binuksan ang pintoan. Damn... Kahit hindi ko sila makita ay nararamdaman ko ang mga yapak nila sa sahig. I got a silly feeling that they are bad and that they have weapons with them kaya nagkunwari nalang akong natutulog.

Kahit nakapikit ang mga mata ko ay naramdaman ko sila na para bang nakatingin ako sa bawat kilos nila... Hindi naman siguro sila doktor or nurse dahil masyadong maingat ang kanilang mga hakbang.

Dalawang lalaki na may hawak na baril at itinutok pa nila ito sa babae... ito ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng lakas ng loob para labanan sila. Mabilis akong nakatayo at sinipa ang silenced handgun ng isa. Tama ako... mga masasamang tao sila. Nanlaban pa ang isa ngunit mabilis akong naka-ilag sa kanyang mga suntok.

Nagising ang babae mula sa kanyang pagkakatulog at tulala pa rin sa kanyang nakita. Naagaw ko naman ang baril ng isa at agad na inasinta ang baikat ng kanyang kasama habang kinakapa ang isang baril sa sahig.

“Jasper?” sabi ng babae.

Iyon ba ang pangalan ko? Nanlaban na naman ang isa ngunit agad ko siyang napalo ng baril sa kanyang batok. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. I think I just shoot someone.

Nakita ko ang bintana at agad akong tumalon papalayo nang hindi nag-iisip. Talagang mabilis ang mga pangyayari hindi ko nga naisip ang taas ng tinalon ko. Gumulong nalang ako pababa sa bubong ng kotse kung saan ako naglanding. Ang sakit ng mga paa ko. Damn, I don’t know what’s happening with me. Alam kong hindi ako ganito pero I just shoot someone. I think I’m a killer.

Tumakbo nalang ako papalayo dahil hinahabol pa rin ako nang isang babae.

“Hoy Jasper anong ginagawa mo dito?”

May isang lalaki na nakasakay sa kanyang sasakyan ang biglang huminto sa tapat ko. At alam niya ang pangalan ko kaya sumama na rin ako para lang makalayo sa mga humahabol sa akin.

“Akala ko kasama mo ang mama at papa mo...”

Hindi pa rin ako sumagot at tinignan ang nangyari sa likuran ko. Mga apat na police car ang nagsidatingan. Mabuti nalang at pinasakay ako ng lalaking ito.

“Tamang-tama talaga ang tyempo ko. Haaay... hindi mo ba alam na exams na natin ngayon? Mabuti nalang at nagdala ako ng extra uniform dahil mali-late na tayo kapag umuwi pa tayo sa inyo.”

Gumaan ang loob ko nang malayo na kami sa ospital. Bakit ko nagawa iyon?

Nova’s POV

Mabuti pa si Nica nakatulog na siya at magkahawak pa talaga sila ng kamay ni Jasper. Haaaaayyyy... How sweet! Pero ilang araw na rin siyang walang tulog dahil kritikal daw ang lagay ni Jasper.

I’m still worried about Jasper’s mom ni hindi nga ako makatulog. Papatayin talaga ako ni master Ben kung nalaman niya na iniwan ko lang ang kanyang asawa sa babaeng iyon.

May narinig akong kalabog mula sa kwarto ni Jasper kaya nagmamadali akong pumasok.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Nica.

Nakita ko siyang tulala pa rin habang sinasakal ang lalaki. Nakita ko rin ang isa pang lalaki na walang malay.

“Tumalon si Jasper,” sabi niya at tulyang pinatulog ang lalaki sa isang napakalakas na suntok.

“What are you talking about?”

Pero hindi man lang niya ako pinansin at agad na tumalon sa bintana. Hindi ba niya alam na nasa third floor kami. Ano? Kung si Nica lang ang tumalon ay hindi na ako magugulat pero kung si... si Jasper tumalon rin?

Bumukas naman ang pinto mula sa likod ko at sumigaw ang nurse na may dalang tray at nabitawan niya ito.

“Ahhhhhhhhhh...”

Nakita niya pala ang dalawang lalaki na nasa sahig at duguan kaya I have no choice but to jump. Baka mapagkamalan na naman ako dito.

Mabuti nalang at mayroong balcony sa second floor kaya doon ako tumalon pagkatapos ay tumalon uli ako papunta sa baba. Nica is not there pero nakita ko ang pinagbagsakan nila. Isang kotse na medyo natupi ang bubong nito. Ibig sabihin ay dirediretso lang ang kanilang pagbagsak. Naku naman! Mas lalong dumami ang problema ko! (T___T),,

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon