Chapter 17 - Kiss

137 21 16
                                    

Jasper:

Nagising ako dahil sa isang halik mula kay Nica. I don’t know how we ended up on that situation but I waked from her kiss. Nakita ko siyang naluluha nang magising ako kaya ngumiti nalang ako sa kanya pero sinampal niya akong bigla. What’s wrong with her? Pagkatapos niya akong sampalin ay niyakap naman niya ako. May pagka bipolar rin siya pero bakit ang saya ko? May pagkasadista si Nica at nagiging masokista na kaya ako?

“Don’t you ever do that again!” sabi niya. “Don’t you ever die on me!”

Ako mamamatay? So iiyak siya? Touched naman ako! Niyakap ko nalang din siya at tumayo na kaming dalawa. Parang huminto ang oras sa pagkakataong iyon hanggang sa may narinig akong mga putok galing sa iba’t-ibang direksyon.

“Tara na!” sigaw ni Nova. Ngayon ko lang din siya napansin. Ilang segundo pa ay nanumbalik na rin ako sa aking katinuan. Naririnig ko na ang alingawngaw ng putukan kaya agad akong napadapa. Hinila na ako ni Nica papalayo sa lugar na iyon palabas ng kusina. May nakasagupa pa kaming mga kalaban paglabas namin pero madali lang nila itong natalo. Sina Nova, Nica at isang malaking lalaki ay nakikipaglaban sa mga SWAT team pero may isa pang lalaki ang tumulong sa amin na makaalis sa lugar na iyon.

“Dali sakay na!” sabi ng lalaking tumulong sa amin. Matanda na siya pero ang bilis-bilis niyang kumilos. Pinagbabaril rin niya ang mga nakasunod sa amin. Pinasakay niya kami sa kanyang modified jeep. Naupo ako sa kanyang tabi samantalang sina Nica at Nova ay pumwesto sa likuran kasama ng isang lalaking ngayon ko pa lang din nakita. Sino kaya ang lalaking iyon? Isa rin kaya siyang spy? Medyo namumukhaan ko siya pero hindi ko talaga alam kung saan…

“They’re closing in,” ito ang sabi ng lalaking iyon na may pagka-Russian ang slang. Talagang narinig ko na ang kanyang boses pero hindi ko talaga matandaan.

“I’m Yuri Kursikov, I’m your older brother.”

“I’m Yuri Kursikov, I’m your older brother.”

“I’m Yuri Kursikov, I’m your older brother.”

Hindi ko alam kung bakit biglang sumakit ang ulo ko habang naiisip ang mga katagang iyon. Biglang nanlalabo na naman ang paningin ko at nagiging matinis ang tunog ng mga putok mula sa paligid. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?

Nakikipagpalitan pa rin ng putok sina Nica hanggang sa masapol niya ang isang kotseng sumusunod sa amin. Mga limang kotse pa ang sumusunod at parang naaabutan na nila kami.

“I’m out,” ito ang sabi ni Nova. Ha? Ubos na ang kanyang bala?

“Take the wheels,” sabi ng matandang lalaki na tumulong sa amin. At pumunta siya sa likod para buksan ang isang compartment na puno ng kung ano-anong sandata. Natuwa naman si Nova at napangiti habang kumukuha ng bala at kumuha rin siya ng shotgun mula doon.

“What?” natauhan na lang ako na nagmamaneho ng sasakyan. Nandoon na rin ang lalaki at nakikipagbarilan sa mga kalaban. I don’t know what to do! Pero kinuha ko pa rin ang manubela at tinangkang magmaneho. Tinuruan naman ako ni Sid pero hindi talaga ako natuto sa pagtuturo niya. Pero bakit parang alam na alam ko kung anong gagawin sa sasakyan.

Hindi rin ako makapaniwala sa nangyayari. Ako? Nagmamaneho ng sasakyan?

“Hindi ko alam ‘to!” sigaw ko pero busy sila sa pagbaril sa mga kalaban. Ni hindi nga nila ako narinig eh. Napatingin pa sa akin ang lalaking matanda at ngumiti pa siya.

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon