Chapter 20 - Snow

144 24 5
                                    

Jasper

Ito na pala ang Amerika? May snow sa labas… Kaya nagtatatakbo ako papunta sa labas ng ospital. This is really great!

“Hey!” sabi naman ni Nica na nakasunod sa akin. “We still have a flight to catch kaya mag-handa ka na.”

Pero bigla ko lang naisip na batuhin siya ng yelo. Hehehe… gumawa ako ng bolang snow at binato ko ito sa kanya. I thought maiilagan niya ito dahil isa siyang spy diba? Meron silang mga reflexes na katulad ng mga pusa pero…

“Damn!” sabi niya dahil nasapol siya sa kanyang mukha.

Natulala ako dahil sa nagawa ko sa kanya. Nakapagbihis na pala siya ng damit dahil sabi ni papa kailangan na daw naming umalis dito sa lalong madaling panahon pero naisipan ko pa ring ma-enjoy ang isang araw ko dito.

“Sorry…” sabi ko pero huli na ang lahat dahil dumampot na siya ng snowball at binato niya ito sa akin. Pero mabilis ko lang itong nailagan dahil parang nakikita ko kung saan papunta ang snowball na binato niya. Sa tingin ko nananaginip na naman ako pero ramdam ko ang lamig ng panahon.

Gumawa pa uli si Nica ng mga snowball pero mabilis ko lang itong naiilagan. I don’t know what’s wrong with me… kita kong galit na siya kaya sinadya ko nalang na magpatama ng yelo sa mukha.

“There you go!” sabi niya. “Let’s just go okay! This is a silly game.”

Pero gumawa pa rin ako ng isa pang yelo at inasinta ko siya. Nailagan naman niya ito pero parang nababasa ko ang kanyang mga kilos…

“Don’t you dare…” sabi niya sa akin. Nakangiti siya ngayon habang dumadampot ng yelo at pinagbabato niya ako… sa totoo lang masaya naman palang maglaro sa yelo kaya lang napakalamig talaga. Grrrrrr…

It was not the first time that I saw her laugh pero ngayon ko lang naisip na mas maganda pala siya kung nakatawa keysa galit. Haaaayyy… di ko na rin pinansin ang snowball na papalapit sa mukha ko. “Aray!”

Tawa kasi siya ng tawa kaya hinayaan ko nalang. Binatao ko rin siya ng yelo at naging masaya naman ang naging tagpong iyon. Hindi ko alam kung bakit ang galing-galing kung mambato ng yelo… I think alam na alam ko kung paano mambato, gaano kalakas, at saang direksyon ko ito ibabato para matamaan ang target.

Nakita ko rin sa wakas ang childish side ni Nica… At natamaan na naman ako ng yelo. This is unfair… syempre magaling nga siyang bumato ng kutsilyo… snowballs pa kaya?

Haaaayyy… Kung pwede lang na magpatama nalang ako palagi para hindi na siya tumigil sa kakatawa eh. Pero kailangan ko ring bumawi kaya kumuha ako ng yelo at sadyang mas malaki ang ginawa ko ngayon… hehehe… humanda ka! Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang lakas-lakas ko dahil nabato ko ito sa direksyon ni Nica. At nasapol ko na naman siya sa mukha. Damn… at tumumba siya kaya lang hindi na siya bumangon kaya agad akong pumunta sa kanya.

“Nica…” nag-alala na talaga ako. Napalakas ata ang pagbato ko sa kanya ng yelo.

Nakahiga lang siya sa yelo at nakapikit ang kanyang mga mata… “Nica!”

Pero biglang bumukas ang kanyang mga mata at hinila niya ako kaya napasubsob ako sa snow… damn… tapos tawa lang siya ng tawa… hindi ko pa siya nakikitang ganito pero masaya ako dahil kahit papaano ay may bonding moment kami.

Hindi pa rin ako nagpatalo kaya hinila ko naman siya sa akin at nagpagulong-gulong kami sa snow… haaaaayyy… pagkatapos ay hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko… tawa pa rin siya ng tawa habang gumugulong kami. Natigilan lang siya nang napatingin ako sa kanya na para bang gusto ko siyang halikan… para kasing tumigil ang mundo nang pagkakataong iyon. Hindi ko alam pero parang natigilan rin siya dahil sa posisyon namin… ngayon lang namin napansin na masyadong magkadikit kami para gumalaw. Ako ang nasa taas samantalang siya naman ang nasa ilalim.

“I’m sorry,” sabi niya at pagkatapos ay tinulak niya ako. “Let’s just go home.”

At lumakad na siya papalayo sa akin. Pakiramdam ko ay binuhusan ng malamig na yelo… habang nasa snow. Haaaaayyy… I thought we had a moment. Ang lungkot ko dahil na-misunderstood ko ang moment namin.

Pero may biglang pumutok sa di kalayuan at kahit hindi ko pa nakikita ay alam kong putok iyon ng isang sniper rifle. Ilang saglit lang ay tumumba si Nica kaya tumakbo ako sa kanya. Natamaan siya sa kanyang leeg ng isang tranquilizer dart… I don’t know how I knew about this but I’m pretty sure it came from a tranquilizer rifle. Sino kaya ang may gawa nito? Tumingin ako sa buong paligid pero wala talaga akong ideya kung sino ang may gawa sa amin nito kaya mabilis kong binuhat si Nica at tumakbo papasok sa ospital. Alam kong nasa loob lang ng ospital ang kalaban kaya kahit tumatakbo na ako ay maingat pa rin ako sa bawat kilos ko.

Nasa loob lang ng ospital sina papa at Chief Ian na may hawak nang baril at nag-aabang sa amin. Pinahiga namin si Nica sa stretcher at dinala na sa ER. Sinamahan ni Chief si Nica sa loob samantalang umakyat na kami ni papa sa taas para hanapin ang kalaban. Hindi naman ako ganito pero biglang uminit ang buo kong katawan at ang tanging nasa isip ko lang ay hanapin ang sniper. How do I know these things? Wala talaga akong alam… kusang kumikilos ang aking mga paa at nakakasabay na kay papa sa pagtakbo.

May humarang na dalawang lalaki sa amin… pero hindi sila ang pakay ko kaya tuloy-tuloy lang ang pagtakbo ko. Alam ko kasing magpapaiwan si papa para sagupain ang dalawang iyon.

Nakarating na rin ako sa rooftop ng ospital at doon ko nakita ang isang babae na nakangiti sa akin. Sa tingin pa lang ay alam kong isa siyang Russian… Magkasing edad lang siguro kami at nakasuot siya ng damit na pang-nurse. Meron pa nga siyang white cap sa kanyang ulo.

“Oh this?” sabi niya at tinanggal pa niya ang nurse cap. “This is just a props.”

Sadyang nandoon siya at inintay niya talaga ako at tinutok ang sniper rifle sa akin. Maganda siya at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang custome… haaaayyy…

Ngumiti lang ako sa kanya at naghanda na ako para lumaban…

“This is just a tranq gun so don’t be so upset,” pagpapatuloy niya at binaba niya ang kanyang hawak na customized dragonov 23a. Ito ang bagong labas na baril sa ng Russian FSS.

Isa siyang spy ng Federal Security Service ng Russia. Hindi ko nga alam kung bakit alam ko ang mga bagay na ito pero I don’t care… Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Nica.

“What do you want?”

“I’m not the enemy here…” sabi niya.

“You shot my friend… and poisoned her right?” bakit pa ako nagtatanong eh alam ko naman na may lason ang tranq na ginamit niya.

“You’re good for a newbie…”

“What do you want?” paulit-ulit na ang tanong ko.

“I want you to do something for me…”

Pero hindi ko na siya pinatapos at mabilis na tumakbo sa kinakatayuan niya. She was caught offguard. Alam ko kasing hindi masyadong nakakagalaw ng maayos ang mga snipers lalo na kung napakalapit ng kanyang target. Niyakap ko siya ng mahigpit para hindi siya makakilos at pagkatapos ay kinapa ko ang kanyang tagiliran… snipers always carry extra amunitions at tama na naman ako… Kinuha ko ito at agad na itinurok sa kanyang leeg.

She’s still a girl kaya alam kung mas malakas ako sa kanya at mas mabilis… she was surprised and was unable to move.

“And I want you to do something for me too,” bulong ko sa kanya habang unti-unti na siyang nawawalan ng malay.

Ako, SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon