First time kong gumawa ng story dito sa wattpad. Sana magustuhan nyo.
----******************----
Nangangatog ang tuhod ni Shean sa natatanaw ng kanyang mata. Ang masayahin at makisig nyang ama ay nakahandusay sa kanyang harapan, nakapikit at sugatan katabi ang kanyang wala ng buhay n ina. Hindi niya inaasahan na ito ang eksenang dadatnan nya pagkagaling sa eskwelahan. Pilit nyang ginagalaw ang kanyang braso ngunit kahit anong pilit nya ay hindi nya ito maigalaw at maging ang iba pang bahagi ng kanyang katawan. Tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang mata na nasundan ng marami pa. Kung gano kadame ay hindi nya alam. Sa wakas ay nagawa nyang maihakbang ang isa nyang paa, sumunod ay ang kanan naman at bilis bilis syang tumakbo papalapit sa walang buhay nyang ina. Inilapit nya ang tenga sa dibdib ng kanyang ina naghahanap ng posibilidad na buhay pa ito. Ngunit ang munti nyang pag-asa ay nawala. No sign of life can be found in the body of her mom. Puno ng sugat at pasa ang buong katawan nito.
[*cough*cough*cough*]
Napalingon si Shean sa pinangga2lingan ng ingay na iyon. Nakita nya ang kanyang amang naghihingalo. Dahan dahan nyang inilapag ang kanyang ina at dali-daling tumungo sa direksyon ng kanyan ama.
"Daddy, please, please be strong. Dadalhin kita sa Hospital. Tulong!!! Tulong!!! Tulungan nyo poh kame!!!"
"She-shean, hi-hi-hindi na a-a-ako a-aabot."
"Sshh.. Sshh. Dad, wag nyo na pong sayangin ang natitira nyo pa pong lakas" tatayo sana siShean upang humingi ng tulong ngunit nahablot ng kanyang ama ang kanyang braso.
"No-no need be-bey-baby. Ma-mahal na mahal ka-ka na-namin ng Ma-mommy mo" kasunod nun ay pumiling na ang ulo ng ama ni Shean.
"Daddy, daddy, daddy, wag nyo po kong iwan. huhuhu" habang akap akap nya ang kanyang daddy.
"Tahan na Shean" bulong ni Rica. Si Rica ang nilalang sa kanyang pagkatao. Mula pa ng sanggol pa lang sya ay kasama na nya si Rica. Maliban sa kanyang magulang, ito din ang nakakasama nya sa buhay. Ang kanyang gabay. Bagamat kinakalma sya nito, ramdam ni Shean na pati ito ay nagdadalamhati sa nangyari sa kanyang magulang.
Hindi nakatulong ang pagpapakalma na iyon ni Rica. Lalo pang humagulgol si Shean.
Kung ilang oras nang umiiyak si Shean ay hindi nya alam. Wala syang pakialam. Hindi namalayan ni Shean nakatulog na sya.
-Shean's POV-
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Ramdam kong mugto ang mga ito. Bigla ko naalala ang dahilan kung bakit mugto ang aking mga mata. Lumabo ang paningin ko. Naramdaman kong may likidong dumadaloy mula sa mata ko patungo sa baba ko.
"Sshhhh. Be strong" si Rica.
"How Rica? How could I be strong if the most important people in my life already gone?"
"I know it's hard. Pero kelangan mong maging matatag"
"But how? Can you tell me how? Hindi ko alam kung papano ko uumpisahan ang buhay ko o kung gusto ko pa bang mabuhay. Wala na kong aasahan. Wala na si Mommy and Daddy. They alredy left me. Nag-iisa na ko."
"Andito pa ko Shean. Hindi ka nag-iisa. This is just the beginning. We need to know kung sino ang gumawa nito sayong mga magulang."
Nakaupo ako sa couch nanunuod ng TV pero wala don ang atensyon ko. Dalawang linggo na ang nakararaan nang mamatay ang Daddy and Mommy but it feels like it was just yesterday. Ang sabe ng mga pulis bloodloss daw ang ikinamatay nina Mommy. Mugtong-mugto ang mata ko dahil every night akong umiiyak. At mula nuon twice or thrice pa lang ata ako nakakain. Salamat sa aking genes at hindi agad agad ako nanghihina o mamatay kahit matagal akong hindi kumakain. Or should I really be thankful? What I feel right now is like I wanna die.
"Hayyyy. Wag ka ngang ganyan Shean. Sapalagay mo ba na magugustuhan ng magulang mo na makita kang ganyan?"
"Then they should not left me. If they don't want me"
[dingdong]
Naputol ang mga sasabihin ko ng marinig kong tumunog ang doorbell.
"Si attorney Salazar" si Rica.
Oo nga pala. Nakalimutan ko na dadalaw pala ang Family attorney namin ngayon. Haist. Hanggat maari sana gusto ko mapag-isa. Pinapasok ko si attorney sa bahay at pinaupo sa couch.
"ehmmm. Condolence Ms. Mendoza. I never though this day would happen. Hindi ko ineexpect na..."
"Attorney, just tell me kung ano ang nilalaman ng mga dala mo. I'm sorry for being harsh but I want to be alone. Please just tell what I need to know." ayoko sana maging harsh kay Attorney Salazar but I have to.
"I'm sorry Ms. Mendoza. Here, with me, is the documents and papers that you're parents left me before they die. Iniiwan nila sayo ang lahat ng kanilang ariarian. This house, their business and money amounting to two hundred thirty eight million pesos.They also left this letter. They told me to give this to you when they're gone. I never thought I will give this to you very soon."
"Thank you Mr. Salazar" kinuha ko ang mga papeles pati na ang puting envelope.
"If ever you need me, don't hesitate to call me. And thank you Ms. Mendoza for your time.
"Nagkamay kami at hinatid kuh sya palabas. Pagbalik ko sa bahay ay agad kong binuksan at binasa ang envelope.
[letter]
Dear my princess,
Sa mga oras na 'toh malamang ay wala na kami ng mommy mo. I think it will be unfair for you if you wouldn't know what has happened. Kaming dalawa ng mommy mo ay galing sa angkan ng mga alipin ng mga hindi ordinaryong nilalang. 12 yrs old ako noon ng ipasok akong katulong ng Wolfshire Pack, ang pinakamabangis na angkan ng mga taong lobo. Nakilala ko ang iyong Mommy Garet at si Victor, ang tunay mong ama at ang anak ng alpha ng pack. Naging magbestfriend kame ni Victor. Pagkalipas ng ilang taon, nagkaron kami ng relasyon ng mommy mo at si Victor naman ay natagpuan si Kristen, his mate. Kaso hindi ganun kadali ang lahat. Si kristen at ang papa nya ay tinakwil ng dati nilang Pack at tinutugis ng Council. Napatay ng Council ang ama ni Kristen habang sya ay maswerteng nakaligtas. Hindi nagtagal ay nalaman ng ama ni Victor ang tungkol sa kanila at tinutulan nya ito. Pero kahit ganun ay pinagpatuloy pa rin nina Victor ang kanilang pag-iibigan. Nabuntis si Kristen. Wala ng nagawa ang Pack kundi tanggapin ang iyong ina. Pilit itinago ng pack ang iyong ina sa takot na malaman ng Council ang tungkol sa pagbubuntis nito. Lingid sa kaalaman ng pack ay alam na pala ng Council ang lahat at naghihintay na lamang sila ng tamang panahon para umatake. At ang oras na iyon ay nung ipinanganak ka. Nailuwal ka ni Kristen at pinakiusapan nya kami na kupkupin ka namin. Nung una ay nagdalawang isip kami dahil sa panganib na dala mo ngunit ng makita ka namin ng iyong mommy ay lumambot ang puso namin at hindi na nakatanggi. Kinuha ka namin at kasama ang isang myembro ng pack ay dumaan kami sa sikretong lagusan na kami lang ni Victor ang nakakaalam. Pagkalipas ng isang buwan ay kinontak kami ng Council. Napagkamalan ka nilang ordinaryong tao kaya naman sinabe namin sa kanila na anak ka namin ng mommy Garet mo. Sinabi ng Council sa amin na patay na ang buong myembro ng pack pati na sina Victor, Kristen, Alpha at ang anak nina Kristen. Napagkamalan nilang ikaw ang batang kasabay mong pinanganak nung araw na yon. Pinamana sa amin ang mga natirang ari-arian ng pack. Pinalago namin yun at nagtabi ng malaking pera sa bangko. Kailangan namin maghanda dahil alam naming babalik sila para sayo. At itong nakaraang dalawang linggo nga ay kinontak kami ng Council. Nalaman nila na buhay ka pa at hinahanap ka nila. Sinulat ko ang liham na ito dahil alam ko anu mang araw ay maari kaming mamatay ni mommy garet mo.
Dadating si Robert sa oras na malaman nya na patay na kami. Sumama ka sa kanya. Sya ang myembro ng pack na kasama naming nakaligtas ng sumugod ang Council. Ituturo nya sayo ang mga kailangan mong malaman. Mag-iingat ka palagi, baby. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa amin. Mahal na mahal ka namin ni Mommy Garet mo.
Love,
Daddy Benji
BINABASA MO ANG
The Mateless Wolf
WerewolfOrdinaryong buhay. Yan ang pangarap ni Shean. But she's no ordinary. Hindi karaniwan ang kanyang lakas, ang kanyang bilis, ang linaw ng kanyang mata, ang talas ng kanyang pang- amoy at pandama. At may isang nilalang na naninirahan sa kanyang pagkata...