Secret Fountain

3.9K 83 1
                                    

Nasa park kami ngayon ni Troy, nagkwe-kwentuhan ng kung anu-ano.

May tumawag kay TROY sa cellphone kaya nag-excuse siya at lumayo nang kaunti.

Maya-maya ay parang nagulat siya sa kausap niya at tumingin siya sa’ken.

Nagtaka naman ako.

Pagkatapos nila mag-usap ay umupo siya sa tabi ko.

"Bakit parang tulala ka? Sinong tumawag sayo?"-tanong ko

"Ahh… yung pinsan ko, nangungumusta."-sagot ni Troy

"Eh, ba’t parang ako yung topic niyo?"-tanong ko ulit

"A-eh… tinanong niya lang kung sinung kasama ko."-sagot niya ulit

"Ah… ganun?"-sabi ko na lang

Tumango siya, pero parang meron siyang hindi sinasabi, hindi siya mapakali

"Ahm… tara dun tayo." niyaya ko siya sabay turo sa secret fountain.

Nung nandoon na kami sa secret fountain...

"Sabi nila, kuha ka daw ng coin tapos ibulong mo yung secret mo sa coin taz ihulog sa secret fountain na yan and then no worries ka na, hindi na yun matutuklasan ng pinaglilihiman mo."-sabi ko sa kanya

"Ikaw may secret ka ba? I-try mo para malaman natin kung totoo ba. Wala kasi akong secret eh…"-tanong ko sa kanya

Tumingin siya sa malayo. Pagkatapos, tiningnan niya ko.

"Sige susubukan ko…"-sabi niya

Naghulog siya ng tatlong barya

"Bakit tatlo? Does it mean may three secrets ka?"-tanong ko

Nanahimik lang siya

"Tara uwi na tayo. Pagod ka na yata? Hindi ka na mapinta eh… problema ata yung itinawag ng pinsan mo, sabihin mo lang, baka matulungan kita." sabi ko sa kanya

Pero hindi siya sumagot. Hindi ko na rin siya kinulit kasi ang lungkot ng mukha niya. Umuwi na lang kami.

Simula non hindi ko muna siya inistorbo kahit namimiss ko na siya.

Baka nga may problema siya kaya bibigyan ko muna siya ng space.

Namimiss?

Bibigyan ng space?

Hindi naman siya akin huh?

Sabi niya sa’kin KAIBIGAN…

pero hindi ko lang naman siya namimiss bilang kaibigan.

Ewan ko ba.

Hindi ko ma-explain pero ang hina ng loob ko sa kaniya.

Hindi dahil alam kong hindi dapat siyang paglaruan dahil wala naman siyang kalokohan na ginagawa sa mga kapwa ko babae kundi… dahil higit pa sa FRIENDS na sinasabi niya ang naiintindihan ko.

Gusto ko siya unahan pero hindi ko gagawin yun. NERD siya kaya tuturuan ko siya sa natural na ginagawa ng lalaki kapag nakakasama ako, yung bang

“ligawan”

agad?

Hihintayin ko siya.

A/n:

Maikli lang po talaga ang chapter na ito. Uhm.... Yung next chapter i-a-upload ko na po bukas.

Iyon po yung sa tingin ko 2nd from the best scenes ng MGMB.

Sana po magustuhan niyo.

Comment din po kayo. Good or bad reactions. Okay lang basta totoo, para sa ikaiimprove ng story. Thanks.

^_^

-elli

My Green Minded BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon