Lose?????

2.5K 57 0
                                    

AYENA’S POV:

Isang gabi.....

Isinama ako ni Mrs. Milona sa opisina niya para tulungan siya sa paperworks niya kaya na-late ako ng uwi…

Sabi niya ay ihahatid na lang daw niya ako sa condo unit ko pero tumanggi ako.

Alam kong pagod pa siya.

Naghihintay na ako ng elevator.

At nang bumukas ang elevator laking gulat ko ng makita ko si Troy.

 Lasing na lasing siya kaya hindi niya naisipang lumabas doon.

Pumasok ako sa elevator at nilapitan siya.

"Troy, bakit ka ba naglasing?"-tanong ko.

“Faith”-tinawag niya akong Faith. Napagkamalan niya akong si Faith, isa sa great five.

Si Faith ang pinakamatanda sa amin. Siya ang pinakahihingan ng payo ‘pag may problema ang isa.

Umiiyak si Troy kaya isinakay ko siya sa kotse niya.

Akala niya ako si Faith. Kaya kinausap niya ako.

"Ate Faith pahingi naman ng payo…"-sabi niya

Walang ibang pwedeng gawin kundi ang maki-ride sa kaniya.

Lasing ei.

"Ah. A-ano bang problema mo?"-tanong ko

Sumandal siya sa seat at tumingala

. May luha sa pisngi niya.

Gusto kong punasan ‘yon pero part yata ‘to ng laro so hindi pwede …

"Mahirap magkunwari na Masaya ka … mahirap na nasasaktan ng tumatawa …"-sabi niya.

Ano kaya angibig niyang sabihin dun? na nagkukunwari lang siyang masaya?

"pero ang pinakamahirap ay ang magtago, magkunwari at makipagkaibigan sa taong pinakamamahal mo diba ??"-dugtong pa niya.

Huwag mong sabihin na palpak talo ako sa game na ito dahil may mahal pala siyang iba.

"may gusto kasi akong ilabas mula sa loob, kaya sayo na lang Faith, pero tayong dalawa lang sana ‘yung makaalam."-sabi niya

Sino? Sinong mahal niya? May karma na din bang dumating sa buhay niya?

"S-sige. Sabihin mo sa ‘kin para matulungan kita."-sabi ko

Always listen to what a drunk person has to say …

a drunk mind speaks the real heart …

Ngumiti siya …

"Pa ‘no kung minsan sa buhay mo nag-mahal ka, pero hindi mo agad ‘yon nalaman … kung kalian huli na, d’on mo natuklasan. Pilit mo siyang kinalimutan, binura sa isip, pero hindi mo nagawa. Sinubukan mong hanapin pero hindi mo nakita. Sinubukan mo siyang turuan pero hindi siya natuto. Ikaw ang gumawa ng leksyon pero ikaw ang nakaalam ng aral. Sinubukan mong maging perpekto at nangyari naman. Pero nang magkita kayo ulit bumalik ka sa level one? Anung payo ang kailangan ko? Sabihin mo sa ‘kin Faith, paano?"-sabi niya

"Hah? Ahm…"-hindi ako makapagsalita.

Wala akong galing sa pagpapayo, ang galing ko lang ay ang manloko ng inosenteng lalaki; Pano? Anong gagawin ko?

"Troy, sa sitwasyon mong yan, w-wala akong karapatang magbigay ng advise. Ang tanging masasabi ko lang ay ang sarili mo ang may alam niyan. Wag mong tingnan lang ang side kung san ka sasaya dahil baka makasakit ka ng iba. Tingnan mo kung alin ba ang mas mabuti para sa lahat-'yun lang yung masasabi ko.

Wow! Bago yun ah! Pero nanahimik siya sa sinabi ko …

"Sino ba siya Troy?"-tanong ko

Sino ang nagturo sayo ng leksyon?

Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti …

"Hindi mo siya kilala. Wala siya rito at hindi ko alam kung san siya hahanapin."-sagot niya

Wow!? Sabi niya ay nagkita na sila ulit at nasasaktan siya dahil magkaibigan lang sila.

Panung hindi niya alam kung san niya hahanapin?

Pagkatapos noon, ay inihatid ko muna siya.

Kinabukasan ay hindi siya pumasok.

Bakit kaya?

Hinanap niya kaya ang mahal niya?

Sa isiping may mahal siyang iba ay nakakaramdam ako ng lungkot.

Hindi ko alam kung alin ba sa dalawang dahilan,

dahil bas a hindi gumagana ang laro?

O dahil …

haiii ewan !!!!

Pagkatapos ng tatlong araw, pumasok si Troy.

Ibang-iba ang anyo niya.

Hindi ma-predict ang aura niya.

My Green Minded BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon