Five words for her

2.4K 58 3
                                    

TROY’S POV:

Niyaya ko ngayon si Ayena na lumabas.

Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam ang gusto kong sabihin at paano ko ito sisimulan.

Pagkatapos naming mag-dinner,

naisipan kong dumaan muna kami sa garden kung saan makikita ang secret fountain.

Dun ko na rin siguro siya palalayain.

Masakit pero kailangan kong gawin to kasi lalo naman akong masasaktan pag iniisip kong magkaibigan lang kami at hanggang doon lang talaga kami.

Nadismaya ako nung sinabi niya na laro lang ang lahat.

Nasaktan ako, sobra!

Pero at least mas nakumbinsi ako na palayain na siya.

Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo.

Masakit para sa akin na bitawan ang mga salitang ito

“I am setting you free”,

pero wala ako magagawa,

tumakbo na ko palayo sa kaniya.

Ewan ko ba!

Pero hindi ko napigilan ang mga paa ko.

Sa bagay mas mabuti na rin to.

At least, sumaya naman siguro siya di ba?

Pagkatapos ng gabing yun.

Hindi na ako pumasok sa kumpanya.

Kasabay ng paglipat ko ng bahay at pagpapalit ko ng cell phone number.

Pangangatawanan ko na ang mga salitang binitiwan ko sa kaniya.

Ilang araw ko na siyang hindi nakikita,

miss na miss ko na talaga siya, sobra sobra!

Pero kailangan kong gawin to eh,

para sumaya siya at makabawi ako sa mga nagawa kong kagaguhan sa kaniya noon.

A/n: ang ikli lang pero upload ko na rin ang next chapter.

My Green Minded BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon