So Lost

2.4K 53 2
                                    

AYENA’S POV:

Kasama ko ngayon ang Great Five. Wala silang alam sa mga nangyare.

Pumunta kami sa isang bar.

“Tagay! Hanggang mawalan ng malay!” sigaw naming.

Dito ko ibubuhos ang sakit.

"Ayena,bakit parang mas magaling ka pa uminom kaysa sa lahat ng lalaki dito?-tanong ni Paul

"Ei, pare, paano ba naman, dalawang beses na nawawalan ng partner. At parang heartbroken pa"-sagot ni christian

"Hoy, kayong dalawa, gusto niyo mawalan ng dila?"-sabi ni Corrine

"Ayaw na. Sige na, tatahimik na po."-sabay nilang sabi.

"Ayena, tama na yang inom-inom na yan. Umuwi ka na."-sabi ni Corrine sa akin

"Gustu ku pa Colline"-sabi ko

"Hay naku Ayena, tara na ihahatid na kita sa inyo"-Corrine

"Ahh, hindi na!!! Ako na lang, kaya ko to"-sabi ko

"Ayena, lasing ka na. Bawal kang magdrive."

"Hindi pa kaya"

"Hay, pag ikaw nadisgrasya jan, bahala ka"

"Huwag ka mag-alala, mag-ye-yellow taxi ako"-sabi ko atsaka lumabas ng bar

Pero dahil nga lasing ako ang nag-drive ng mag-isa.

Kahit papano ay nakalimutan ko ang sakit.

Ngunit hindi ko napansin ang isang Innova sa daan.

Ang huli kong maalala ay ang dugong nakita ko sa manibela.

Nang magkamalay ay binuksan ko ang mata ko.

Madilim.

Wala ni liwanag.

Pinikit ko ang mata ko.

Marahil ay wala pang dumating na saklolo.

Ibinuka ko ang bibig ko ngunit walang lumabas na boses.

“AYENA? Gising ka na ba?”.

Nagtaka ako.

Nagbukas ako ng mata pero madilim, bakit?

Umiyak ako nang opisyal ng sabihin ng doctor na hindi na ako makakakita.

Kailangan maghanap muna ng donor.

Ayoko!

Mas mabuti na ang ganito para hindi ko makita ung mga bagay na magpapaalala kay Troy.

Pero agad silang nakahanap ng donor at nagbalik agad ang paningin ko.

Simula nung maoperahan ako ay hindi ako tumingin sa salamin.

Nagpahinga na rin ako, hindi muna ako nagtrabaho.

Si Chelsea, bukod sa Mama ko ang head nurse ko.

Lagi niya akong pinapasyal sa mall,

mga park at sa mga bahay ng kaibigan naming nung high school.

Okay naman na ‘ko.

At nag-eenjoy din ako na makasama ulit ang mga kaibigan ko.

Isang lugar lang hindi namin pinupuntahan … ang secret fountain.

A/n:

Huling chapter na ang next chapter. I-a-upload ko na yun maya.

My Green Minded BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon