Second Chance

2.7K 62 0
                                    

TROY’S POV

Pumunta ako ng abroad nung araw ng kasal ni mama after gradation.

Parang nawalan ako ng gana magtrabaho pa muna.

Kaya naglaan ako ng isang taon para mamahinga saka umuwi ng pinas.

Ayoko naman magtrabaho sa abroad kasi mas gusto ko ang pinas.

Hindi na ako kailangang maghanap ng trabaho …

kasi kaibigan ng step-dad ko ang CEO ng isang kumpanya …

kaya nirekomenda niya ako …

sakto naman at may bakanteng posisyon …

may isa daw kasing kabilang sa five great partners ang nagpakamatay kaya nabakante ang grupo na yun at hindi naging aktibo ang kumpanya, naguilty naman ako dun pero kailangan kaya, okay na rin …

nag-set ng date ung president ng kumpanya para makipagkita sa akin …

at yun nga sinabi niyang magkakaroon daw ako ng ka-partner na babae …

pero bigla akong kinabahan nung malaman na babae ang magiging partner ko??

siguro kasi babae yung magiging ka-partner ko …

ganun lang siguro ??

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na ko sa restaurant na sinabi sa akin ng CEO para makilala ko na ung magiging kapareha ko …

At yun na nga,

habang nagkakape ako ay may tumawag sa ‘kin …

"Excuse me. Mr. Tenaro?"-boses ng babae.

Siya na siguro ito.

pero...

Parang familiar sakin yung boses niya...

San ko nga ba narinig...

Tiningnan ko yung babae at....

"Ayena?"-hindi ako makapaniwala

"Ayena ikaw nga?"- hindi pa rin ako makapaniwala.

Parang biglang lumiwanag ang mundo ko doon...

Hindi ko maitanggi sa sarili kong natuwa ako nung Makita ko siya at syempre lalo pa akong natuwa nung malaman kong siya ang magiging kapartner ko …

"Yes. I’m Ayena. Ahm… you look familiar, have we met before?"-sabi niya

Umawang ang bibig ko doon.

Nagulat ako kasi nakalimutan niya na ako?

Hindi naman nagbago ang mukha ko...

Ganun pa rin....

Tsaka, ganun na ba talaga kadali akong kalimutan?

Kung ganun, siguro may boyfriend na siya, di naman siya mahihirapan makahanap ng boyfriend sa ganda niyang yun.

Saglit siyang nag-isip.

"Ahm… may naging kakilala ako noon."-paliwanag ko na lang

"Ayena… hmm… ano bang surname mo? Nakalimutan ko na kase ung sa kanya eh."-tanong ko, Actually hindi ko pa nakakalimutan ang buo niyang pangalan. Pero para makasiguro tinanong ko na rin.

"Castro. Ayena Castro"-sagot niya.

Yun naman na talaga ang pangalan niya....

Nakalimutan niya na nga ba ako talaga.?.?

"Ahm… ewan ko hindi siguro ikaw yun."-sabi ko na lang para siguro magumpisa na lang kami ulit.

Liligawan ko na lang siya ulit....

Sana lang talagang nakalimutan niya na ang ginawa kong pagkakamali sa kanya noon. Lubos ko na yun pinagsisihan...

Dahil sa huli ko lang nalaman na mahal ko talaga siya...

Kaya ngayon na may pagkakataon na ako para maitama ang mali ko, kukunin ko na ito. Ito na siguro ang Second chance na sinasabi nila.

Madami akong tinatanong sa kaniya … at lahat ng mga sagot niya ay yung mga sagot na inaasahan ko … ewan ko ba … pero gusto ko ipaalala sa kaniya yung nangyari dati para lang makilala niya ako … pero baka naman layuan niya ‘ko pag ginawa ko yun … mas mabuti na siguro yun … at least nakita ko na siya ulit … namiss ko din siya eh … Si Ayena Castro … ung nag-iisang babaeng minahal ko ng totoo …

Pagkauwi, hindi talaga ako makatulog …

nag-iisip ako kung bat nagawa niyang kalimutan ako ….

Ewan ko ba pagkadilat na lang ng mga mata ko umaga na …

ahaha …

nakatulog pala ako …

My Green Minded BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon