A/n: pakibasa po yung note ko sa end ng chapter na ito.
Ayena's POV
Sa isang opisina ay magkasama kami ni Troy.
Tahimik lang siya, dati-rati ay nakikipag-kwentuhan siya.
Walang ibang maririnig sa silid na iyon kundi ang wall clock na nasa tapat ng table niya.
Nang alas’ singko na, isang oras bago kami umuwi saka lang siya nagsalita.
Niyaya niya akong lumabas.
This time, pumayag ako.
Ewan ko ba.
Parang kapag tumanggi ako ay magsisisi ako.
Kotse niya ang ginamit naming.
Kumain kami ng dinner sa isang bagong restaurant.
Ang weird!
Niyaya niya ako pero hindi niya naman ako kinakausap.
Tahimik lang din siya habang nagda-drive.
Ganun nalang ang pagtataka ko nang i-park niya ito sa parking lot sa harap ng garden na kinalalagyan ng secret fountain.
Binuksan niya ang pinto at inalalayan ako palabas.
Lumapit kami sa fountain.
Kahit gabi ay maliwanag ang paligid dahil sa mga Christmas lights.
Marami ring tao pero kaming dalawa lang ang nasa secret fountain.
Tiningnan ako ni Troy saka siya ngumiti.
Nakakalason tingnan ang mga mata niya.
Maya-maya ay parang nag-apoy ang sulok ‘non at tumulo ang luha niya.
Tumingin siya sa repleksyon niya sa tubig.
"Troy? Bakit? Hindi mo ba siya nahanap?"-binasag ko ang katahimikan
Tumingin siya sa ‘kin na parang nagtataka …
Hindi niya marahil naalala yung pinag-usapan namin nung lasing siya.
"Ahm… nung nalasing ka, napagkamalan mo kong si Faith, so-sorry, pero-" -Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang tumawa siya kahit na umiiyak.
"Ang tanga mo talaga Troy!!"-sabi niya sa sarili niya
"Hindi Troy, lasing ka lang naman ‘non di ba?"-sabi ko sa kanya
Tumango-tango siya.
"Hindi ko siya nahanap. At hindi ko alam kung mahahanap ko pa siya."-sabi niya
"Sino ba siya? Kung gusto mo tulungan kitang hanapin siya."-sabi ko, parang naaawa ako sa kanya.
Ayoko nang Makita pa siyang umiiyak.
Ngayon, sa harap ng secret fountain, ay natuklasan ko ang totoo.
MAHAL NA MAHAL KO SIYA.
Antanga ko para hindi ko yun malaman kaagad.
Pero huli na ei.
May mahal na siyang iba...
Kaya gagawin ko ang lahat sumaya lang siya.
Kahit ako pa ang maghanap ng taong mahal niya.
Tumingin siya sa ‘kin at tumawa. Nagpunas siya ng luha, pero umagos pa rin yun.
"Ayena manhid ka ba? Sino pa kung ‘di IKAW!!!"-Sabi niya sa akin
"A-ano? A-a-akala ko hindi ko kilala? Troy kung nakikipaglaro ka ulit, please! Stop it. Ayoko na!"-in that momentt, I can’t control my tears to fall from the flaming eyes of my own.
"This is not a game, Ayena! Oo, hindi mo siya kilala dahil hindi na ikaw ang Ayenang nakilala ko."-sabi niya.
"Noon, alam ko nagkamali ako, alam ko nasaktan kita, akala ko matuturuan kita pero ako ang natuto. Alam ko gumawa ako ng ‘di tama. Alam ko na hindi mo man ako maintindihan o mapagpasensyahan, sana naman hindi yun naging dahilan para isuko mo ako at bigla mo na lang kalimutan."-paliwanag niya
"Sorry Troy, pero hindi ka kinalimutan ng Ayenang kilala mo. Ako pa rin naman ‘to eh. Nagpanggap lang naman ako na hindi ka matandaan para makipaglaro sayo. Para ako naman ang manalo ngayon. I’m sorry if----"-hindi niya ako pinatapos
"SHIT … ayoko nang marinig pa. ang galing mo Ayena."-Kinuha niya ang kamay ko at kinamayan ako.
"Oo na. Ikaw na, panalo ka na. nice game huh! Sana sinabi mo na laro ito para nakapandaya din ako. Pero di bale, tie na tayo di ba? Bakit kaya ang puso pag nagmahal nagiging tanga? Dahil ba umaasa ka sa wala? Dahil ba lumalaban ka kahit na alam mong talo ka na? dahil ba nagbibigay ka kahit na walang kapalit? O dahil Masaya ka kahit na masakit? Isinama lang naman kita ditto para iwanan ka ng huling mensahe. Limang salita na mabigat para sa ‘kin kung bibigkasin ko sa ‘yo. Limang salitang makakapagpaligay sa Ayenang kilala ko. Sana ang gagawin kong to ang pinakaikatutuwa mo sa lahat ng ginawa kong katarantaduhan. Ayena ……"-at tumalikod siya sa ‘kin.
“I am setting you free”-kasabay nun ang pagbagsak ng luha ko at ang muling pagsibol ng tubig sa fountain habang pinagmamasdan siya palayo.
Pinapalaya niya ‘ko?
Hindi niya baa lam ni ikinulong kiya ako lalo?
Tumakbo siya paalis dala ang Ayenang kilala niya.
Ngayon wala na siya, sino na ko?
Walang tigil ang pag-agos ng luha.
Pagkatapos ng gabing ‘yon ay hindi na pumasok si Troy.
Lumipat siya ng unit.
Hindi ko alam kung saan siya hahanapin.
Pinalaya na nga niya ako.
Pero hindi ‘yon ang nakuha ko.
A/n:
Magpapalit ako ng account. Sana ang naglike at nagvote ng story na ito at naglike ng account ko ay ganun pa rin sa kabilang account ko. Nakalimutan ko kasi ang password ko, kaya sorry. Ang next account ko ay just_me.