Hoping....

2.6K 58 0
                                    

Pinakilala na ako sa kumpanya …

as usual madami nanamang umaaligid na babae …

at halatang kinikilig pag nakikita ako …

hindi naman sa mayabang ako pero yun yung totoo ee ..

haist …

Kinabukasan nang break time, tumambay ako sa coffee shop ng department namin...

"Sir Troy, ang gwapo niyo naman."-sabi ni Annie, yung isang employee namin

"Thanks"-yun lang nasabi ko

"Alam niyo Sir, bagay kayo ni mam Ayena. Bakit hindi niyo po ligawan?"-tanong niya.

"Owws? Bagay kami? Sa tingin ko po may pag-asa ako?"-nakangiti kong tanong

"Oo naman Sir, sana nga po ikaw na ang makapagpabago kay mam."-sabi niya

"Makapagpabago?"-nagtataka kong tanong

"Opo, kasi simula nung namatay si Sir Jeno, lahat ng mga manliligaw niya pinag-sabay-sabay niyang sagutin. Ang tawag nga sa kanya ng iba ay Miss Heartbreaker, kasi umiiyak lahat ng mga sinasagot niya."-paliwanag niya

"So, you mean, naging playgirl si Ayena nung namatay si Jeno?"-tanong ko pa.

Kukuha lang ako ng konting info kay Annie...

"Opo."-sagot niya

"Ito bang si Jeno, naging sila?"-tanong ko

"Hahaha.... Imposible po yun kasi lalaki din po ang type ni Jeno, Hahaha.... Bestfriend lang po sila. Nalulungkot nga ako para kay mam Ayena kasi si sir Jeno lang po talaga ang lagi iyang kasama pagkauwi niya galing abroad."-kwento ni Annie

"Ahh, ganun ba?'-sabi ko

"Ito pa nga sir, sa tingin ko nga man-hater si mam Ayena noon pa kasi nang dumating siya dito, ni isa wala siyang naging boyfriend, busted lahat ng mga nanliligaw sa kaniya"-kwento pa ni Annie

"Talaga?"-tanong ko

"Opo, kayalang mas lumala ang pagiging man-hater niya simula nang namatay si sir Jeno. Siguro dahil namatay si Sir Jeno dahil sa lalaki"-paliwanag niya

"Kaya pala"-sabi ko

Natapos ang coffee break kaya pumunta na ako sa kwarto...

Nakita ko naman si Ayena na nag-aayos ng gamit, aalis ata.

Bakit parang iniiwasan niya ako?

Well, di ko siya papayagan na makaalis

"Ayena, aalis ka?"-tanong ko

"Oo"-simpleng sagot niya

"Pero paano yung pinapa-pasa ni Mam Milona na report for her Late afternoon meeting, kailangan niya yun ASAP daw."-sabi ko

"Nagawa ko na yun kaninang coffee break, ibigay mo na lang sa kanya."-sagot niya at sabay lumakad papuntang pintuan

"Ayena!"-pigil ko sa kanya

"Libre ka ba bukas ng dinner? Baka pwedeng imbitahan ka magdinner bukas? You know, just to know ourselves better."-alok ko

"Sorry, I'm not available, maybe some other time. Sige, I'm going"-sabi niya sabay labas ng pinto at parang mejo napalakas ang pagsara niya

Halos araw araw niyayaya ko si Ayena na lumabas pero lagi siyang tumatanggi …

parang lagi siyang umiiwas sa ‘kin …

Paano ba naman,

pagpasok ko ng umaga, nandoon siya nagtratrabaho ng sobrang aga.

Pag-upo ko sa upuan ko, umaalis at sinasabi na kakain lang siya ng breakfast at may meeting na pupuntahan.

Paglabas ko para kumain ng lunch, dumarating siya

pag inalok ko ng lunch, kumain na raw siya

Tapos aalis ulit sa kung anu-anong alibi ang ginagamit

Pag nasa opisina siya, nakikinig siya ng rock music ng pagkalakas-lakas sa kanyang ipod.

Abot nga hanggang table ko yung music kaya hindi ko rin siya makausap.

Pag nagkakataon na makausap ko siya, parang walang gana at laging 1 sentence or two sentence lang...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang gabi naisipan kong uminom …

ako lang mag-isa …

nakatulog yata ako ??

basta pagkagising ko nasa bahay na ako …

tatlong araw din akong hindi pumasok …

madami akong iniisip...

Iniisip ko kung talaga bang nakasama ko si Ayena ng Gabing yun at pero parang si Faith ei, yung isa pa sa mga 5 great partners, yung pinakamatanda samin. At ano ba yung mga pinag-sa-sabi ko, wala akong maalala...

My Green Minded BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon